Chapter 22: Seasons Gang

21.2K 637 74
                                    


Unti-Unti kong binuksan ang mata ko. Nasa langit na ba ako? Inilibot ko ang paningin ko. Luh? May TV at aircon sa langit? May ref din? Wow! Sinubukan kong umupo ng maayos pero masakit pa rin ang likod ko. "Aww!" sabi ko. Napatingin ako sa lalaking natutulog sa bed ko. Nakayuko siya. "Liam?" Paos kong tanong. Mukhang nagising siya. BIglang nanlaki ang mata niya ng makita ako. Bigla niya ako niyakap buong pwersa ko siya tinulak kaya naman natumba siya at nagising ang iba "BACK OFF!" sigaw ko.


"Sorry." sabi niya sabay tayo habang nagkakamot ng ulo. Parang unggoy! "Gising ka na pala!" Sabi ni Kier at yinakap ako tapos ay kiniss ako sa cheeks. "Thank you sa pag-aalala." sabi ko. "Teka! Bakit ako tinulak mo? Siya hindi?" tanong ni Liam. "Excuse me, Tandaan mo. KAANO ANO BA KITA?" mataray kong tanong. "Here's a water oh." sabi ni Lianna. "Thanks." sabi ko at uminom.



"Hoy! Liam! Hindi porket niligtas mo si Dianna ay pwede mo na siyang yakapin!" sabi ni JR. "I'm thankful that you saved me. but know you limitations. Kung makapag-alala ka wagas. bakit hindi yung girlfriend mo ang asikasuhin mo. Not me, I'm just your EX, remember?" sabi ko.


"But you will be my future wife." bulong niya pero narinig namin. "What did you just say?' tanong ng kambal. "ah. Nothing, sige alis na ako." sabi niya at ngumiti sabay wink. Oh please! Kadiri! Pagkalabas niya ay nagsimula na ilang mag-armalite ng tanong.


'Uyy. Ano yan ha?'


'Kayo na ulit?'


'Magpa hard to get ka muna!" 


"'Nanliligaw ulit si Kuya?'


'Oh my Ghad! Should I sing muling ibalik?'


'Bat di ka nagkukwento?'


'Nagsimula to nung newspaper dance noh?'


'Grabe! Do you still love him?'


'Kyaaaah!'


"Shut up!" sigaw ko kaya nanahimik sila. "Ikaw kasi eh." sabi ni Khei kay JR. "Anong ako? Si Lianna kaya!" sisi naman ni JR kay Lia. "Whut? Si Kier kasi eh." sabi naman ni Lia. "Haa? Si Jem kaya." pasa naman ni Kier. "Ano--" magsasalita pa sana si Jem ng nagsalita ako. "Sige! Magsisihan pa kayo! Ibabato ko na sa inyo tong vase!" sigaw ko. Kaya nanahimk sila.



Umupo na ako. Okay na naman kasi ako medyo masakit lang ang likod ko. Di na rin ako nahihilo. Akala ko talaga mamatay na ako. Ikaw ba naman mabagok ang ulo mo sa bato. Tumayo na ako at sinimulang mag-ayos. Nasa Infirmary lang naman ako ng Hotel and 9:07 na ng gabi.


"Teka, Kaya mo na?" tanong ni Kier. "Obvious naman diba? Gusto mo magtambling pa ako dito?" mataray kong sagot. Naglakad na ako palabas at iniwan sila doon. "Nasa tabing sea lang kami ah!" maarteng sabi ni Jem. Tumango nalang ako kahit na ka talikod.


9:30 na nung naisipan kong sumunod sa kanila. Naka-crop top at highwaist short na lang ako ngayon. Ng nasa labas na ako ng hotel. May naramdaman ako. Teka! May mali. Naglakad lakad pa ako hanggang di ko talaga sila makita. Pabalik na sana ako ng bigla akong may narinig na umiiyak at sumisigaw.


That voice. Kay Lianna yon. Agad kong tinakbo ang pinanggalingan ng sigaw na yun. Napahinto ako sa nakita ko. Ang BDG at ang Grupo nina Liam kasama na si Hally ay hawak ng mga babae. Puno na sila ng bugbog. Ng akmang papaluin nila ng tubo si Lia ay sumigaw ako.



"Stop right there or else I'll f*cking kill you!" banta ko kaya na paharap sila. Kaya nakilala ko ang mukha nila. Seasons Gangs. I smirked and they froze ng makita ako.



"Tama ba yang ginagawa niyo?" seryosong tanong ko. Nabitawan nila ang mga hawak nila. "Ha? Seasons Gang?!" sigaw ko sa galit. Underlings ko sila. "Sorry po Empress." sabi nila at lumuhod. Halatang naiiyak na sila. "Sorry? Sorry para saan? Sa pambubugbog sa mga kaibigan ko o sa patraydor sa amin?" sabi ko na ikinagulat ng BDG. Wala kasi silang mask ngayon kaya di nakilala ng BDG ang mga Seasons Gang.


"Winter?"- Khei


"Summer?"-Jem


"Rainy?"-Kier


"Autumn?"-JR


"Patawad po talaga." sabi nila. Naglakad ako papalapit sa kanila. Agad kong sinuntok ang leader nila. "Walang lugar ang mga traydor sa gang ko!" sigaw ko at sinumulan na silang bugbugin. Ng matapos ako ay agad kong pinuntahan ang leader nila. Inapakan ko ang tyan niya kung saan hiniwaan ko siya ng dagger. "Aaaah!" sigaw niya. "Saktan mo na ang lahat wag lang ang kaibigan ko. Banggain mo na lahat wag lang ako!" sigaw ko at mas diniinan ang pagtapak. "Aaaaaaah!"


Kinuha ko ang dagger ko at isinulat sa pulso nila ang simbolo ng BDG. Agad kong nilapitan ang mga kaibigan ko. at bumalik sa hotel. Pinagamot ko sila sa nurse at pinagpahinga sa kani-kanilang kwarto nila.


Kami ngayon ay nakahiga na sa kama namin. "Salamat sa kanina Bes." sabi ni Lia. "Walang anuman BEs." sabi ko. "Emp may tanong ako." sabi ni Jem at umupo mula sa pagkakahiga ganun din ang ginawa namin. "Bakit mo kayang gawin ang lahat para sa amin?" sabi niya. "Bakit kaya mong ibuwis ang buhay mo para sa amin?" tanong naman ni Khei.


Bakit nga ba?


"Kase kaibigan ko kayo. Kaya kong gawin ang lahat. Kayo ang naging katulong ko noong panahong lugmok ako. Noong panahong mahina ako. Masaya akong naging kaibigan ko kayo." sabi ko. agad naman nila akong niyakap at naramdaman kong umiiyak sila.






"Kaya kong itaya ang buhay ko para maligtas lang kayo. Kahit makipag patintero ako kay kamatayan, Kahit makipagbilisan ako kay Karma. Kahit mamatay ako. Proprotektahan ko kayo."



Kahit ikaw, Kahit alam kong trinatraydor mo ako. Kahit alam kong ikaw ang tumutulong sa kalaban. Ipagtatanggol kita.

--------------------

(A/n: How sweet. Pero may nagtratraydor? Sino? Libre hula. Keep reading and voting. Comment na rin kayo para maganahan ako. By the way my new story po ako. Tungkol siya sa babaeng nainlove sa betsfriend niya. At ako yun! Hahaha. Promise! may hugot yun. )

The Legendary GangsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon