*Devil's POV*
Nabitawan ko ang phone ko sa narinig ko. It feels like I lost all my energy, na para bang kinuha ng boses na iyon ang lahat ng lakas ko. "Emp!" sigaw ng magkapatid. "Are you fine? Is that really your mom?" tanong ni Kier, to check if I'm okay. Sasagot na sana ako ng biglang nakaramdam ako ng hilo. I can't breathe properly. Unting-unti ng naglalabo ang paningin ko. Hanggang sa naramdaman ko na pabagsak na ako pero sinalo niya ako.
"Emp!/Dianna!/Bes!" sigaw ng mga kaibigan ko.
"Liam." pagbanggit ko sa pangalan ng lalaking sumalo sa akin bago ako tuluyang mawalan ng malay.
******
"Kala ko ba patay na ang mom niya?" tanong ni Hally. Nakapikit pa rin ako pero gising na ang diwa ko. "Di ko alam pero aaah. Basta! Hintayin na natin siyang magising." JR said in in frustration. As if on cue ay umupo na ako. "Emp!/Dianna!" sabi nila at lumapit sa akin.
"Ayos ka lang ba?" Sabi ni Jem
"Nahihilo ka pa?"Ani ni Kier
"May masakit ba sayo?" Khei said, worry is evident on her eyes
"Hey, Bitch? Are you fine?" Si Hali, bitch ka din.
"Shut up HALIparot! Okay ka na?" Lianna held my hand
"May gusto ka bang kainin?" Jr said
"Do you want water?" I looked at Liam.
"Aah. Easy lang. Isa lang ako. Pito kayo. Uhm. I need water please." sabi ko na medyo paos. My throat is dry. "Here." sabay na sabi ni Kier at Liam. Uhm. Kanino yung kukunin ko? It's awkward but I can't drink two waters. "Oh Bes, water." sabi ni Lia at kinuha ko naman ang tubig. "Uhm. Thanks nalang ha? Pero ito nalang ang iinumin ko." sabi ko bago uminom ng tubig.
"Ano bang nangyari sayo? Sino ba talaga ang tumawag?" sabi ni Khei. "Mom." bulong ko na mukhang narinig nila. "Mom mo? Diba patay na sila?" sabi ni Hally. Chismosa amp. "But I'm sure of it. That voice. And tinawag pa niya akong Louis." sabi ko. They literally dropped their jaws.
"Whaaaaaattt?" sigaw nila sa gulat. Tumango ako. "But paano nangyari yun?" sabi ni Jem. "Ano yun multo?" sabi ni Kier. "O hindi kaya talaga siya yun?" sabi ni JR. "Haha. Nagbibiro ka ba?" Sabi ni Liam. "No, I'm not." sabi niya atsaka tumingin sa akin. "Nakita mo ba na sumabog ang kotse?" tanong niya.
"Hindi, Pero narinig ko." sabi ko. "Oh see? She heard it naman eh." sabi ni Hally. "Pero hindi niya nakita na sumabog ito." JR said in serious tone, like he was thinking on possibilities. "What do you mean?" sabi Lia. "Pwede pang buhay nga sila." sabi ni JR.
"How can you say so?" tanong ni Liam. "Teka! Ang gusto mo bang sabihin ay maaaring nakatalon pa ang parents ni Devs bago sumabog ang sasakyan." sabi ni Khei. "At maaaring napunta lang siya sa ibang lugar kaya di mo sila makita." sabi ni Jem. They are like solving a puzzle. Napanganga kami sa sinabi nila. "Tumpak!" sabi ni JR. May punto sila, napaisip ako. "Nahanap niyo ba ang katawan nila?" tanong ni Kier.
Napatulala ako sa narinig ko. Hindi. Hindi namin nakita. "Ni isang bakas ay wala kaming nakita. Akala namin noon ay sadyang naging abo nalang ito dahil sa pagsabog, since it was so loud as hell, even the car, halos maging abo na." sabi ko. "Hindi kaya buhay pa nga sila?" wala sa sarili kong sabi, napahawak ako sa aking noo. This shit is giving a headache.
"Geez! Tara na nga! Nangingilabot na ako." sabi ni Khei. "Tara na sa canten." sabi ni Liam. Tumayo na kami at sinimulang maglakad. Nang makarating kami sa canteen ay ganito ang eksena. Agad kaming umupo sa vacant na table.
"Ano sa inyo?" tanong ko. At tinignan nila ako ng di makapaniwala. Hindi naman kasi ako naglilibre ng ganito eh. "Pamabawi lang sa pagtataray ko." I cleared. "Oh my! May mabuting espirito bang sumanib sayo!" sabi ni Khei.
"Ooh Ohh Aaah Ahh. Mabuting espiritoooo ummaaaaliisss kkaaaa!" sabi ni JR with matching hand gestures pa. At pinapagpag ang panyo niya sa akin. I rolled my eyes at them, mga OA.
"Sira ka talaga, JR!" sabi ni Jem. "Pag nagbago niyan yung ihip ng hangin.Nako! Lagot!" sabi ni Kier. "Ano na? ano na sa inyo?" sabi ko, pressuring them.
"Lasagna with Orange juice." sabi ni Jem
"Same with ate Jem." sabi ni Khei.
"Macaroni with coke." sabi ni JR
"Uhm. Ano kaya? Aah! Carbonara atsaka iced tea." sabi ni Kier.
"Uhm. Lia ako na bahala ng sayo." sabi ko at ngumiti.
"Ano ba sayo?" sabi niya at ngumuso.
"Dati gawi, Sliced of cake, Pizza and root beer." sabi ko "Kyaaaaah! Alam mo pa pala yan Bes!" sigaw niya and smiled. Nako! Mukhang maiiyak pa, bunganga neto hindi pa rin nagbabago. "Oh Prince sali ka na dito." sabi ko. Sa una nag-alinlangan pa siya pero sa huli pumayag na.
"Ano sayo Prince? Treat ko." sabi ko. "Nakakahiya naman." sabi niya at nagkamot ng batok. Aba! May hiya pa siya, after niyang nakipagsabwatan dati sa panloloko nila. "Ano ba? Okay lang yan." sabi ko. "Kahit Sandwich, Palabok, Ice cream at Diet coke lang." sabi niya. "Nahiya ka pa niyan ah." sabi ko. Naikinatawa niya.
"Ikaw Haliyah, what's yours?" tanong ko. Pinipilit kong maging maayos sa kanila kasi naman alam na nila ang secrets namin baka pagsabi nila kaya binabantayan namin. We need to act, even though it's hard. "A slice of cake lang with iced tea." tumango ako pinasadahan ng tingin si Liam tapos umalis na ko.
Pumila na ako at agad din bumalik sa kanila. Pinamigay ko na ang mga pagkain nila. Last kong ibinigay ang kay Liam, "Ayun naman pala, Meron ka." sabi ni Lia. "Here's yours favorite. Palabok with Shake." sabi ko. "Uhm, Ate kas--" I cut her words. "Don't worry Liam, Pinatanggal ko na yan ng shrimps." sabi ko. Yung palabok kasi dito may sahog ng shrimps.
"Bakit mo pinatanggal?" tanong ni Hally. "Seriously? Allergic ang BOYFRIEND mo sa hipon." sabi ko. "Allergic ka dun?" gulat na tanong ni Hally. Tumango si Liam. "Thanks, Anna." sabi niya. I froze sa narinig ko. Anna. Tinawag na naman niya akong Anna. Sh*t memories comes back!
"Walang anuman." I said trying to compose myself. "Yes, allergic ang kuya, hindi ko nga alam bakit hindi nangati sayo, eh hipon ka rin naman." Lianna said, pertaining to Hali. Kumain lang kami habang naglalampungan ang mga magjojowa. Hindi po ako bitter okay? Ng matapos kaming kumain ay napagdesisyunan na naming bumalik sa room.
Habang nasa hallway kami ay napansin namin ang pagtitili ng mga babae at kumpulan nila. "Sinong nandoon?" tanong ni Hally. Agad kaming lumapit doon. Pero ayaw kaming padaanin. "Go back to your rooms NOW!" sigaw ko kaya nagmadaling umalis ang mga estudyante. At ng makita ko ang lalaking pinagkakaguluhan ng mga tao ay napanganga ako.
"Wow! Sizzling hot!"-Hally
"Sexy!"- Lia
"E-Emp h-hindi ba siya a-ang.."sabi ni JR
"What the f*ck are you doing here?" Sabi ko.
"Missed me? Twin sis?"
------------
(A/n: Tutuloy ko pa po ba ang story ko? I need your vote and comment. Btw. Twin sis? May kakambal siya?)
BINABASA MO ANG
The Legendary Gangster
ActionShe is Dianne Elissa Venice Irish Louis "DEVIL" Smith-Roswell, a lady who wants to live a normal life with her boyfriend, disregarding the fact that she is born to be the Empress, to be the youngest elite. But her life turned upside down, after be...