*Haliyah's POV*
Maaga akong nagising. Kailangan kong magpaganda baka matalbugan ako nung ugly nerd. Ugly Nerd? Huh! Baka ugly bitch. Kala mo kung sino maganda ang pangit naman. Kainis siya! Subukan niya lang agawin si Liam,Baby ko. Malilintikan siya sa akin.
Naligo na ako. Then nagbihis na ako and after that tumingin ako sa salamin. Bongga! I'm so freaking hot and sexy talaga. Hahaha, walang binatbat sa akin yung feelingerang Dianna na yun. I'm wearing a very expensive and luxurios crop top and short shorts plus pretty heels. Walang binatbat sa cheap na damit nung babaitang iyon. Yabang niya sobra! Tapos nung sa canteen, Wow lang ah! If I knew nagbabaitbaitan lang yun.
Whatever! Pupunta na ako sa school para bantayan ang Baby Liam ko baka agawin pa ng malanding haliparot na ahas tulad ni Dianna. Dianna Da Mang-aagaw.
*****
Habang naglalakad ako sa hallway (Malamang! Alanganamang gumapang ka! Hala sige! Gapang! Duh!) Whatevs! Napansin kong may kumakalat na chismis kase ang iingay ng mga bubuyog. Tss. Ano na naman kayang chismis ang kumakalat? Di ko nalang pinansin kase syempre di ako cheap tulad nila na nagkakandarapa sa chismis. Duh! Pang poor lang kaya yun. Kaya dirediretso na ako sa locker ko.
Isasara ko na sana ang locker ko ng mapansin kong may box na nakalagay sa dulo nito. Huh? Pero wala naman akong box na ganito ah? Do I have manliligaw?Kinuha ko yung box at binasa ang sticky note na nakadikit doon.
I hope you will like my surprise, Dear.
~Devil
Pagkatapos kong basahin yun ay binuksan ko na ang box. At kinuha ang mga nasa loob nito.
Wtf?!! Anong ibigsabihin nito? Humanda ka sa aking haliparot ka! How dare she?
Agad agad akong tumakbo papuntang classroom. Kaya pala! Eto ang chismis kanina! Leche! Bumalik lang siya nagulo na ang lahat! Why does she have to comeback? "Where is that flirt? Dianna!" sigaw ko pagkapasok ko sa room pero walang umimik. Ah, ganon? Hinablot ko ang buhok ng pinakamalapit na babae kahit hirap pa rin ang kamay ko sa paggalaw dahil sa nangyari sa akin nung isang gabi. "Nasaan si Dianna?!!" madiin ang bawat salitang binitawan ko. "S-sa C-af-feter-ria po." nauutal na sagot nung babaeng nahablot ko agad ko naman siyang ibinalibag at tumakbo papuntang cafeteria.
Pagkapasok ko sa cafeteria ay nilapitan ko siya. "Hoy babaeng haliparot na malandi na ahas pa!"sigaw ko sabay bato nung mga litrato. I got everyone's attention. Nice.
*Devil's POV*
"Hoy babaeng haliparot na malandi na ahas pa!"sigaw niya sabay bato nung mga litrato. Litrato nung nadulas ako at sinalo ni Liam. At ang mas matindi ang angulo na nakunan ay yung parang nagkiss kami kahit hindi naman. Galing talaga ng photographer ko.
Napansin kong sasampalin niya ako agad kong hinawakan ang kamay niya. "Uh-oh! Not so fast, Dear."sabi ko at sinampal siya bago pa siya makakuha ng pagkakataon, "Alam mo ang landi mo! May girlfriend na nga yung tao aagawin mo pa!" sigaw niya, I sarcastically laughed at what she said. How pathetic.
"Malandi? Sino ba sa atin ang unang nang-agaw? Diba ikaw? Kanino ba siya nung una palang? Sa akin diba?" sabi ko sabay paikot ng baril sa kamay ko. "Past is Past. Nakanino ba siya ngayon? Diba sa akin? Atsaka di naman siya magpapalandi kung ayaw niya."sabi niya.
Napangisi ako. "Ow, Kaya pala siya nagpalandi sa akin kasi gusto niya."sabi ko. "Shut up! Palibhasa Reyna ng Kalandian."sabi niya at tumawa. "Kung ako reyna ng kalandian, Eh ikaw? Diyosa ng kalandian?" Na-aasar na tanong ko, malapit ng mapigtas ang pisi ng pasensya ko sa babaeng to.
"Siguro malandi din ang nanay mo na?" sabi niya at ngumisi.
"Oh no!" sigaw ni Khei. "Mali siya ng dinamay!" sabi naman ni JR. "Ospital bagsak nito." sabi ni Jem. "Rated SPG." sabi ni Kier. "Palayuin niyo ng konti ang mga students baka madamay sila." malamig kong sabi at sinunod nila. "Idamay mo na ang lahat wag lang ang pamilya ko!" malamig kong tugon habang tinitignan siya ng matalim. Tumayo ako sa upuan ko at nilagyan bagong bala ang baril ko.
*Third Person's POV*
Nagpantig ang tenga ni Dianna sa narinig. Damay mo na ang lahat wag lang ang pamilya at ang kaibigan niya ang madamay. Dahil sa oras na madamay sila haharapin mo ang bestfriend niyang si kamatayan. "Idamay mo na ang lahat wag lang ang pamilya ko!" malamig niyang tugon. Natakot si Haliyah sa babaeng kaharap niya ngunit hindi niya ito pinahalata. "Now, face the consequence of what you are blabbering about!" sigaw ni Dianna. Nagulat ang lahat ng nasa cafeteria kabilang na doon sina Liam at Lianne sa nakita. Iisa lang ang nasa isip ng kanyang mga kagrupo.
'Naging demonyo na siya. Ngayon Haliyah, Kaya mo bang makipagsabayan sa kanya habang nasa likod niya lang ang kanyang bestfriend na si Kamatayan?'
Ngumisi si Haliyah para takpan ang takot. "Sa tingin mo, Kakayin mo ako? Ako lang naman ang E-Empress ng G-Gangster W-world?" Hindi niya maiwasang mautal dahil sa nerbyos, nerbyos dahil ginamit nila ulit ang Empress ng GW na baka balikan siya ng tunay na Empress at tuluyan niyang mapatay, at takot dahil sa babaeng kaharap niya.
Hindi na nadala, inutil.
Sumugod na si Dianna at sinuntok sa tyan si Haliyah hindi ito nakaiwas dahil masakit pa rin ang mga sugat niyang natamo galing sa Empress or should I say galing sa babaeng kaharap niya. Pagkatapos masuntok ni Haliyah ay umurong ito. At sinubukan suntukin sa ulo si Dianna pero sinalo ni Dianna ang kamao ni Haliyah.
Nagulat ang lahat lalo na ang magkapatid na Lim dahil alam nilang malakas ang suntok na iyon pero nasalo lang ni Dianna ng isang kamay. Pinilipit ni Dianna ang kamay atsaka sinipa sa tyan gamit ang heels ng kanyang killer heels. Tumayo si Hali kahit pagod na pagod na. She is still trying to fight, kahit na hinang hina siya. At pinagsusuntok niya si Dianna, naiiwasan naman ito ni Dianna pero natamaan siya noong huli. Napangisi si Haliyah ng mapaupo sa flooring si Dianna.
Akala niya ay dahil ito sa suntok niya ngunit lingid sa kanyang kaalaman sinasadya ito ni Dianna. Dahil alam ng BDG ang gagawin ni Dianna ay sumigaw ang mga ito.
"Dianna wag! Baka mapatay mo siya!"
Nang marinig ito ng magkapatid na Lim ay napaisip sila. 'Ganun ba siya kalakas para makapatay?'
Sasagot na sana si Haliyah. "Wag kayong mag-alala hindi iyon ang gagawin ko. Ayaw ko pang mamatay ang babaeng to di pa ako tapos sa paghihiganti ko." sabi ni Dianna at tumayo. Nahimasmasan ang BDG sa narinig. Linapitan ni Dianna si Haliyah at ginamit ang scissors jump. Tumalon ito ipinalupot ang kanyang paa sa paa ni Hali at tumalon sabay ikot kaya ang kinalabasan ay natumba si Haliyah sa sahig. Lumayo na si Dianna kay Haliyah. "Wag na wag mong idamay ang pamilya ko at mga kaibigan. Subukan mo ring pestihin ulit si Lianna ay humanda ka. Di mo pa ako lubos na kilala, pasalamat ka at hindi ko ginamit sa iyo iyon kundi ngayon palang ay patay ka na." malamig niyang tugon at lumabas na ng cafeteria.
Isang bagay ang tumatak sa isipan ng lahat.
'Respetuhin mo ang kanyang pamilya't kaibigan kundi si kamatayan ang makikilala mo.'
BINABASA MO ANG
The Legendary Gangster
ActionShe is Dianne Elissa Venice Irish Louis "DEVIL" Smith-Roswell, a lady who wants to live a normal life with her boyfriend, disregarding the fact that she is born to be the Empress, to be the youngest elite. But her life turned upside down, after be...