Chapter 33: Break-Up

18.7K 521 14
                                    

kit-lyn22  -Dedicated siya sayo Bhe. Para wag mo na kong kulitin sa classroom natin para ikuwento ang mangyayari. Haha 😂 Yan na ang pinakahihintay mo. Loveyouu kit 😂😘

*Dianna's POV*

Kinabukasan din ay pumasok ako. Agad-agad akong dumiretso sa room namin at lumapit sa kanila.

"Oh Baby! Bakit di ka pumasok kahapon?" Tanong ni Timothy. "Masama pakiramdam ko." Sabi ko at umupo. "Ngayon Queen, Ayos ka na?" tanong ni Kier at inakbayan ako. Tumango nalang ako. Nakakatamad magsalita.

"Dapat di ka na pumasok." Sabi ni Khei. "Oo nga baka mabinat ka niyan." Sabi naman ni Jem. Hindi ko nalang sila pinansin. Badtrip ako ngayon! Dahil meron ako! "Nasaan si Lia?" Tanong ko.

"I'm heeeeerrrreee!" Parang batang sigaw ni Lia nakararating lang. May bitbit pa siyang float at burger. "Matakaw!" Sigaw naming lahat kaya napatawa nalang kami at nagpout naman si Lia.

Umupo naman siya sa tabi ko. At inakbayan ako. "Congrats!" Sabi niya na ipinagtaka namin. "Huh? Anong congrats ka dyan?" Sabi ko. Ngumiti naman siya ng nakakaloko. "Ah. Wala wala!"

*A message for a goddess!*

"Seriously? Bat ganyan ang ringtone mo?" Tanong ni JR. "Bakit totoo naman ah?!" Sabi ko na ikinatawa nila. Childlish kung childlish pero totoo naman eh!

Kinuha ko ang phone ko at chineck ang nagtext sa akin. Actually, tatlo to. Galing kay ate, Hell at sa unknown number. Una kong binasa ang kay Ate.

From: My Ate Lucy 😂

Hi Baby? How are you Sis? Take care Baby. Baka mamaya may mangyari sayo. 😏😏

Sanay na akog tinatawag na baby. Pero hindi naman siya ganyan kasweet ah? Seriously? Take care nanggaling kay Ate Lucy? Nagpapatawa ka ba?

From: Impyernong twin 😂👊

Sistah! Nasa Paris nga pala ako! Hihihi. Nakalimutan kong sabihin. Sarreh okay? Sarreh? Pupunta akong Korea pupuntahan ko si Mateo Do atsaka Steffi Cheon! Hahaha. Iloveyou sis! Mwuaaah!

Yung totoo? Bakla ba ang kapatid ko? Steffi Cheon? Mateo Do? Hindi ata updated ang aking kapatid at ngayon lang niya napanuod iyon. Binuksan ko na ang last. At sa nabasa ko ay napangisi ako.

From: 09*********

Hi sweety. Mag-ingat ka. Enjoy the rest of your days. Malapit ka ng mawala sa mundong ito. Buksan mo ang locker mo mamaya. May surprise ako sayo. Hahahaha.

Napatingin ako sa taong pinaghihinalaan ko. Bakit ba niya to ginagawa? Naputol ang pag-iisip ko nang akbayan ako ni Timothy.

Kinurot kirot niya ang pisngi ko. "Tigilan mo ako Timoteo!" Inis na sabi ko pero kiniliti pa niya ako! "Hahaha! Ano! Hahaha! Tigil na!" Sabi ko. Nag-acting ako na nahihirapan ng huminga. Agad naman siyang tumigil at humarap sa akin.

"Queen sorry! Ayos ka lang? Queeeen!" Natatarantang sabi niya. Nagpanggap ako na nagtatampo sa kanya. Tumayo ako at hinawakan niya ang kamay ko pero inalis ko iyon.

Habang naglalakad ako palayo ay binack hug niya ako. Sikreto akong napangiti sa ginawa niya. Hinawakan ko ang kamay niya na nakayakap sa bewang ko. Nang aalisin ko na sana ay nagsalita siya. "Wait. Pabayaan mo muna akong yakapin ka."

Bigla naman pumasok si Liam at nagulat sa nasaksihan. Agad naman siyang lumapit sa amin at tinanggal ang pagkakayakap ni Timothy sa akin. Hinatak niya ako at tinago sa likod niya. Jusko! Pag ako nagkapasa! "Don't touch my wife again!" Sabi niya at hinatak ako papalabas.

Hindi ako makatanggi dahil nakakagulat ang narinig ko. Asawa? Don't tell me nagseselos siya? Nagseselos ang isang Liam Lim?

*Liam's POV*

Nasa garden kami ngayon ni Haliyah. Yinakap niya ako ng mahigpit. "Sabi na nga ba di mo ko matitiis eh!" Kinikilig na sabi niya.

Linayo ko siya sa akin na ikinapagtaka niya. "What's the problem Babe?" Tanong niya. Problem? Ikaw! Sinira mo na kami ng taong mahal ko! I'm sorry to say this I'm breaking up with you." Matigas kong sabi at tumalikod na.

Agad naman niyang hinawakan ang kamay ko. Pagkatingin ko sa kanya ay tumutulo na ang kuha niya. "Pag iniwan mo ko magpapakamatay ako! Sisirain ko ang kumapanya niyo! Papatayin ko ang taong mahal mo!" Sigaw niya sa inis.

Sinampal ko siya. Wala akong pake kung babae man siya. Basta ang alam ko sumusobra na siya! "Hindi pa ba sapat ang paninira na ginawa mo sa akin? Hindi pa ba sapat ang sakit na ipinaramdam mo sa kanya?! Pagkatapos ka niyang iligtas gaganyanin mo siya? Go! Wreck my company, my family and my relationship with my wife. Tutal dyan ka naman magaling hindi ba?" Mapait kong sabi na ikinagulat niya at tuluyan na siyang umiyak.

"I won't buy your acts again Ms. Park. Don't you dare to touch my wife and my family or else I'll kill you. Mark my f*ckin words Haliyah. I'm done with you. And one more thing. Tanggal ka na sa gang." Sabi ko at naglakad na ng patalikod. Sana naman marealize niya na mali ang mga nagawa niya. Sana maluwag niyang tanggapin ang paglayo ko sa kanya.

Agad agad akong pumunta sa room. Excited akong makita si Dianna ko at ibabalita ang tungkol dito. At tatanungin ko siya kung pwede pa bang iwork ang dati naming relationship.

Pagdating ko sa room namin ay nagulat ako sa nakita ko. Agad agad nag-init ang ulo ko. Sobrang inis ko ngayon! I immediately went to my wife and Timothy. I want to punch Timothy's f*cking face!

Hinatak ko si Dianna papunta sa likod at tinignan ng masama si Timothy. "Don't touch my wife again!" Sigaw ko sa galit at hinatak siya papalabas ng room.

D@mn! I'm being a jealous monster!

----------------
(A/n: Hi guys! Sa wakas na kapag UD na rin! Sorry sabaw pero sa next chappy may pasabog na mangyayari kaya Abangan!)

The Legendary GangsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon