Chapter 48: Hurt

17.4K 504 59
                                    

*Kier's POV*

Naiwan muna kami dito sa Baguio. Inis na inis kami sa lalaking iyon. Ng makita namin siya kasama yung si Kylie ay nilapitan namin sila. Si Kylie ay naging kaibigan namin pero di namin alam na nasa loob pala ang kulo niyan. How dare she. She hurted our Empress!

Agad lumapit si Jem at sinampal ang mukha ni Kylie at ganon din ang ginawa ni Khei. "Teka ano ba?!" Sabi ni Liam. "Layuan mo yan Kuya! Masamag tao yan!" Sabi ni Lia.

"Masamang tao? Mas masama si Dianna! Sinaktan niya si Kylie na wala man lang kalaban laban! Na isang normal na tao lang!" Pagtatanggol ni Liam. "Tandaan mo Liam, Maaaring siya ang reyna ng GW pero normal na tao siya pag wala dito." Seryosong sabi ni JR.

"Alam mo ba Liam? Kahit hindi ko masyadong kaclose si Dianna? Eh alam kong di niya magagawa iyon."sabi ni Prince. Buti pa si Prince nagtiwala siya kay Dianna.
"Hayaan niyo na yan. Alalahanan na muna natin siya. Pagsisisihan mo to Liam." Sabi ko at tumalikod na kami.

"Bat ba ayaw niyong maniwala? Nakita niyo nang hawak na ni Dianna ang kutsilyo. Ayaw niyo pa ring maniwala! Ako ang biktima dito." Saad ni Kylie. Napatigil kami at humarap sa kanya. "Hindi lahat ng nakikita ng mata ay totoo. Ang iba ay pawang panlilinlang lamang." Sabi ni Khei.

Pinuntahan na man siya ni Jem at may binulong. "Tandaan mo, Kaliwang kamay ang pagkahawak ni Dianna sa kutsilyo at ang sugat mo ay sa kanang braso. Hindi naman siya kaliwete."

*Hell's POV*

Agad namin siyang dinala sa ospital. Masyado na siyang nasasaktan. Physically and emotionally. "Doc, please save her." Sabi ko. Nauna na ako dito.

T*ngn* lang Liam! Pag may nangyaring masama sa kakambal ko! Matitikman mo ang galit ng mga Roswell! Hinding hindi mo na siya makikita!

*********

Nandito na kaming lahat sa kwarto ni Dianna. Hinihintay nalang namin siyang magising. Tinahi ang sugat niya 12 stitches. "Bakit kaya hindi siya lumaban?" Tanong ni Prince. "Tama ka. Bakit nga ba?" Tanong ni JR

"Marahil hinang hina siya noon." Sabi ni Khei. "Hinang hina? Saan?" Tanong ni Kier. "Diba may sugat siya sa paa? At maraming dugo ang nawala sa kanya." Sagot ni Jem. "Kawawa naman si Bespren." Saad ni Lia.

"Hmmm." Napatingin kami sa umungol. Agad kaming nagsalapitan kay Dianna ng makitang nagigising na ito.

"Ayos ka na?"

"May masakit ba sayo?"

"Tubig?"

"Tatawag lang ako ng Doctor."

"Uyy."

"Namiss kita Bes."

*Dianna's POV*

"Ayos ka na?"

"May masakit ba sayo?"

"Tubig?"

"Tatawag lang ako ng Doctor."

"Uyy."

"Namiss kita Bes."

Pagkamulat ko ng mata ko ay tumambad sa akin ang maraming tanong. "Ayos lang ako physically. Pero emotionally? Hindi eh." Sabi ko at naiiyak na nanaman ako. Pesteng luha to! Hindi na naubos!

Yinakap nila ako. Na lalong nagpaiyak sa akin. Bakit? Nasaan na ang dating ako? Nasaan na ang Empress ng GW? Bakit bumabalik na naman ako sa pagiging mahina?

**********

Nasa mansion na ako at tatlong araw na ang nakalipas. Simula ng mangyari iyon. At may pasok na sila ngayon kaya pupuntahan ko siya para mag-explain. Di ako papayag na sirain lang kami ng tulad niya.

Nagwhite t-shirt at pants lang ako. Binraid ko ang buhok ko at nag-cap. Tumalon ako mula sa bintana pababa. "Ouch!" Sabi ko ng kumirot ang sugat ko. Pinagpatuloy ko lang ang paglalakad hangga sa makarating ako sa school.

Nakita ko silang nag-uusap sa Garden. At sinusubuan ni Liam si Kylie. Ang sakit! Parang may tumuturok sa puso ko. Nilapitan ko sila. "Liam. Mag-usap tayo. Please?" Sabi ko kaya napatayo sila.

"Anong ginagawa mo dito? Ang kapal talaga ng mukha mo! Pagkatapos ng ginawa mo kay Kylie magpapakita ka pa dito?" Sigaw sa akin ni Liam. "L-Liam natatakot a-ako sa k-kanya." Sabi ni Kylie.

"Let me explain. Wala akong ginawa sa kanya." Sabi ko. "Sinungaling ka!" Sigaw ni Kylie. "Hubby. Please? Listen to me." Sabi ko. Lumapit siya sa akin at tinulak ako. "Aww!" Napadaing ako dahil naramdaman kong bumukas ang sugat ko. "Tama na. Wag ka ng magsinungaling." Sabi ni Liam at umalis na.


Nakita ko nalang ang barkada ko na tinutulungan akog tumayo. "Dianna!" Sigaw nila bago ako tuluyan mawalan ng malay. Nakita kong tumingin pa siya sa akin.



*Hell's POV*

Nasa office ako ni Dianna ngayon. Pasamantala ako muna ang magmamanage ng school. Kamusta na kaya siya sa bahay?

*Kring! Kring! Kring!*

Sinagot ko ang tawag dahil si Kier naman to. "Hello?"  Sabi ko. "Pre! Si Dianna." Sabi niya ng natataranta. Napatayo ako ng marinig ang pangalan ni Dianna. "Anong nangyari sa kapatid ko?!"

"Nasa Ospital na kami ngayon. Pumunta siya dyan sa school. Nagpumilit siyang mag-explain kay Liam pero di ito naniwala at tinulak si Dianna na naging dahilan ng pagbukas ng sugat niya at sabi ng doctor pag di pa daw siya masalinan ng dugo. Maari siyang... Maari siyang mamatay." No way! Binitawan ko ang phone ko at tinungo kung nasaan ang pesteng lalaki na iyon!


Nakita ko silang naglalakad papasok sa building. Hinatak ko paharap sa akin si Kylie. Diniinan ko ang hawak sa sugat niya. "Awww!" Daing niya pero tinitigan ko lang siya. "Hell! Yung sugat niya!" Sabi ni Liam. Napangiti ako ng mapait. "Sugat? Sugat na hindi man kinailangan ng tahi?" Sabi ko at binitawan si Kylie.


Sinuntok ko naman sa mukha si Liam. "Humanda ka sa akin Liam pag namatay ang kapatid ko! Humanda ka pag may nangyaring masama sa kanila!"  Sabi ko at tumakbo papuntang ospital.


*Liam's POV*

"Humanda ka sa akin Liam pag namatay ang kapatid ko! Humanda ka pag may nangyaring masama sa kanila!"  Sabi ni Hell bago tumakbo papaalis. Anong nangyari?


"Ayos ka lang?" Tanong ni Kylie. Tumango ako at tinanong siya kung ayos lang ba siya. "Ayos lang ako." Sabi niya. "Ang arte naman nila! Nahimatay lang naman siya at wala ng nangyari!" Sabi niya sa inis.

Oo nakita maming nahimatay siya pero may nakita akong dugo sa damit niya. Hindi naman sila mag-aalala ng ganun kung hindi yung totoo. Ano ba talaga ang nangyari noong araw na iyon? At isa pa ano ang sinabi ni Hell?

"Humanda kapag may nangyaring masama sa kanila.." Sinong sila? Sila?




-----------------
(A/n: Here's the UD pom One chapter to go before epilogue then book 2. Salamat. Please vote and comment. XoXo)

The Legendary GangsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon