Chapter 49: GoodBye

21.4K 537 84
                                    

*Hell's POV*

Nandito ako ngayon sa ospital at nagpakuha ng dugo. Kailangan ng kapatid ko ang dugo. Umupo ako sa tabi niya ng bigla siyang magising.

"K-Kuya. Tubig." Napapaos na sabi niya. Agad agad ko naman siyang pinainom. "Ayos ka lang ba?" Tanong ko. "Kuya favor naman oh." Sabi niya. "Ano yon?" Tanong ko.

"Mangako ka muna na gagawin mo to." Sabi niya. Tumango nalang ako. Lahat magagawa ko para sa kapatid ko. "Linisin mo ang pangalan ko sa kaniya.... Accckkkk!" Sabi niya ng bigla siyang maduwal.

"Aaaaccckkk!" Naduduwal siya kaya inabot ko sa kanya ang palanggana at pagkatapos ay pinainom siya ng tubig. "Ayos ka na?" Sabi ko. Tumango naman siya pero nanghihina siya "Please kuya? Linisin mo." Sabi niya at umiyak. Yinakap ko siya. "Wag ka ng umiyak. Oo gagawin ko pero sa isang kondisyon."sabi ko.

"Ano iyon Kuya?" Sabi niya. "Pupunta ka muna kay Lolo. Dun ka na muna magpaggaling. Pero kung ayaw mo ayos lang. Gagawin ko pa rin ang pinangako ko." Sabi ko. "Pag-iisipan ko Kuya." Sabi niya at ipinikit ang mga mata niya.

"Basta tandaan mo, mahal kita Sis. Ipagtatanggol kita kahit kanino man. Ipagtatanggol ko kayo." Sabi ko. Hinintay ko munang dumating ang barkada.
Bago lumabas ng kwarto niya. Pupuntahan ko na si Liam. Dumaan muna ako sa Bahay.

******

Nasa mini library kami nina Mom and Dad. Gusto ko silang makausap tungkol sa kalagayan ni Dianna. "Mom, Dad. Di na lingid sa kaalaman niyo ang lagay ni Ate diba?" Sabi ko. Napayukom naman ang kamao ni Dad. Matagal ko ng sinabi sa kanila. "Kayo na po ang bahalang kumausap kay Liam kung anong gagawin niya. Ngayong araw ko na rin po sasabihin ang totoo sa kanya." Sabi ko.


"Mabuting tanggapin nalang natin siya para sa ating anak.." sabi ni Mom. "Tanggapin? Pero pinagkatiwalaan ko siya. Sinayang lang niya!" Galit na saad ni Dad. "Honey, Lahat naman ng tao nagkakamali. Pero bigyan natin sila ng pagkakataong magbago." Sabi naman ni Mom.

"Mom, Dad please wag niyo pong sasaktan si Louis. Baka lalo lang siyang madepress at magtangkang magpakamatay." Sabi ko. "O sige. Kami na ang bahala kay Liam. Basta dalin mo muna kay Papa si Louis." Sabi ni Mom.


"Salamat Mom, Dad. Aalia na rin po ako. May gigisingin pa po akong g*go." Sabi ko. Ngumiti naman sila bago ako umalis. Dali dali akong pumunta sa School dala ang isang brown envelope at USB.

*********

Pagkaratin ko sa school ay nakita ko silang dalawa ni Kylie sa school ground. Tumakbo ako papalapit sa kanila. "Liam, mag-usap tayo tungkol kay Dianna." Sabi ko magsasalita na sana si Liam ng sumabat si Kylie. "Hindi pwede." Sabi ni Kylie.

Napataas ang kilay ko at tumingin sa kanya. "Ikaw na ba ngayon si Liam? Pasalamat ka hanggang ngayon nakakapagtimpi ako. Kundi kahit babae ka masasapak kita. Hindi mo kilala kung sino ang binangga mo. Wag kang mag-alala gigisingin ko ang demonyong sinaktan mo." Sabi ko. Hindi niya pa alam ang tunay na identity ni Dianna.


"Sa tingin mo matatakot ako? Dapat nga lumuhod ka  at magpasalamat sa kin dahil hindi ko kinasuhan si Dianna ng Attempted Murder eh." Sabi niya ng taas noo. Ngumisi ako sa kanya. "Hindi kita tinatakot. Pero kung tatakot ka dahil sa mga sinabi ko. Go! Simulan mo ng magtago. Si Dianna nga ba dapat ang makasuhan? We would not be Roswell if we do not have a f*cking ace." Sabi ko.


"Anong nalalaman mo?!" Sigaw ni Kylie. "Manahimik ka muna Kylie! Tara na Hell." Sabi ni Liam. Di na ko nagsalita at sumunod nalang siya. Dinala ko siya sa rooftop.

The Legendary GangsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon