Chaper 47: Acting ni Bitch

17.7K 475 77
                                    

*Devil's POV*

Nasa Baguio na kami. Specifically sa Hotel. Aww! F*ck! Ang sakit ng ulo ko. Sh*t! "Awww!" Maiwasang umungol sa sakit na nararamdaman ko. Napaalalay naman sa akin si Liam at nag-aalalang tumingin. "Ayos ka lang? Anong nangyari? May masakit ba sayo?"

"Ayos lang ako. Sumasakit lang ang ulo ko." Sabi ko. Niyakap naman niya ako at hinalikan ang noo ko. Napailap naman si Kylie sa nakita, I can't help it but to raise my eyebrow. "Namumutla ka oh. Magpahinga ka kaya muna?" Sabi ni Liam kaya napadako sa kanya ulit ang paningin ko. "Oo nga. Magpahinga ka nalang. Ako na bahala dito. Atsaka sorry nga pala sa nangyari sa atin. Hindi ko sinasadya." Sabi ni Kylie. Plastic ampvta.

"Para ano? Para pag-alis ko ikaw naman lalandi sa boyfriend ko? No way!" Syempre di ko sinabi yun. Edi nag-away kami ni Liam. This biatch is getting into my nerves already. "Hindi. Okay lang. Thank you nalang sa concern. Sorry din." Halos, nasusukang sabi ko. Pwe! Concern concern mo your face! "Sa wakas nagkaayos din kayo. Sabi ko sayo mabait ang bestfriend ko." Sabi ni Liam kaya nanahimik nalang ako. Mabait?

Hinihintay nalang namin ang pag-announce ng mga rooms namin. Hindi ako ang headmistress o professor in the next following weeks. Magiging simpleng studyante lang ako.

"Good morning everyone. Here's your room numbers." Panimula ni Mrs. Abcde (May ganyan po talagang pangalan yung schoolmate ko po ganyan.) , ang secretary ni Mommy.

At sa kamalas malasan ka-room mate ko itong maarteng ito. Habang papaakyat kami nila Liam, Ako at si Kylie ay nahilo ako kaya nabitawan ko ang mga gamit ko. Habang ang iba naming kasama ay nagsipunta na sa mga rooms nila.

Inalalayan ako ni Liam at binuhat niya ang mga gamit ko hangga sa makapunta kami sa room namin at siya na mismo ang nag-ayos sa gamit ko. Pagkatapos ay umupo siya tabi ko. "Wife, I'm done sa pag-aayos ng mga cabinet mo sa right yung sayo. Pahinga ka na muna ha? I'll just check my room first. Kita nalang tayo sa baba. Diba may activity tayo?" Sabi niya.

"Osige. Ingat ka ha? Thank you sa pag-aalaga sa akin. I love you Hubby."sabi ko na ikinangiti niya. "Kahit ano para sayo. Kahit papaglabahin mo pa ako sa mga undies mo. Kahit ipalinis mo sa akin yung buong cr ng hotel. Gagawin ko para sayo. Kase ganoon kita kamahal. At gusto ko rin na maging handa tayo pag mag-asawa na tayo. " Sabi niya at sa pagkakataong ito ako ang ngumiti sa kanya.

"Salamat. Kaya ko na. Trust me. I love you." Sabi ko. "I will always trust you and love you. Promise." Sabi niya at hinalikan ako sa labi bago umalis. Napangiti nalang ako sa ksweetan niya.

"Whatever! Wala namang forever. Magbrebreak di kayo." Bitter na sabi ng asungot na ka-room mate ko. See? Nasa loob ang kulo niya  "That will never happen." Sabi ko at tuluyan ng lumabas sa kwarto.

**************

Ngayon ay nagsisimula na ang activity nami . Treasure hunting. Kagroup ko ngayon ay BDG, Liam, Prince, Kuya, Lia at ang asungot sa buhay namin.

Naglalakad kami ng bigla akong madulas buti nalang ay nasalo ako ni Liam. "I told you. I will protect you no matter what." Napangiti nalang ako at muli kaming magsalita ng bigla may papansing nagsalita sa tabi. Putek! "Ouch!" Sigaw niya. OA ah?

"Anong nangyari?" Alalang sabi ng mokong na to. "Natapilok lang ako." Sabi niya. Akmang lalapitan na ni Liam si Kylie para tignan ang paa nito pero tinignan ko si Kuya. "Ako na Liam." Sabi ni Kuya at tumingin sa akin kaya napatingin din sa akin si Liam.


"Wag na. Ako nalang." Sabi ni Liam. Binuhat niya si Kylie at humarap sa akin. "Saglit lang to. Babalik din ako kaagad. Baka mamaga ang paa niya "sabi niya at tuluyan ng lumabas. Nakita ko pa ang pag ngisi ni Kylie.

Tinuloy na nalang namin ang paghahanap ng biglang makaramdam ako ng panghihina. "May problema ba?" Tanong ni Khei dahil napatigil ako. "Y-yung paa mo." Sabi ni Jem habang nakatingin sa paa kong dumudugo. Kahit naka rubber shoes ako tumagos pa rin.

Lumuhod pa si Kuya sa harap ko at tinitigan ang sugat. "Natutuyo na ang dugo. Marahil matagal ka ng nasugatan. Kailan pa to Dianna?" Tanong ni Hell. Tinignan ko silang lahat na naghihintay sa sagot ko.


"Posible bang..."pinutol ko na ang dapat sasabihin ni Prince. "Oo tama ka. Kanina pa ito noong natapilok ako." Nakayuko kong sambit. "Kaya pala. Kala ko kaya ka namutla dahil sa galit. Yun pala ay nauubusan ka na ng dugo." Sabi naman ni Kier. Napansin pala niya.

"Bat hindi mo agad sinabi?" Tanong ni JR. "Ayokong mag-alala kayo lalo na siya. Tara bumalik na tayo." Sabi ko. Binuhat nalang ako ni Hell pabalik sa Hotel pero dumaan kami sa sikretong lagusan papuntang clinic.


Ilang minuto rin ay nagpasiyang bumalik na ako sa kwarto. Nadatnan ko doon si Kylie na nakangisi. Mukhang hinintay ako nitong babaeng ito. Di ko nalang siya pinansin at umupo sa bed ko. "Sabi ko sayo eh. Maaagaw ko siya sayo." Sabi ng bruha.

"Maaagaw? Seriously? Porket tinulungan ka lang kanina naagaw mo na? Tandaan mo kaya ka lang niya tinulungan kase BESTFRIEND ka niya." Sabi ko. Oo inaamin ko. Nagseselos ako pag magkasama sila pero sa ngayo hindi ko pa pwedeng ipahalata.

Tumayo siya at nagpalingalinga na para bang may sinisipat. May tinext siya sa phone niya bago humarap sa akin. Baki ganun? Parang may mangyayari.

Tumayo siya at nilapitan ako. "Alam mo? Namumuro ka na sakin! Kahit noong wala ka pa ikaw pa rin ang mukhang bibig niya! Kahit ako yung nandito! Nakakainis ka! Dahil sayo hanggang kaibigan lang ang tingin niya sakin!" Sabi niya at naglabas ng kutsilyo.

Hindi ako makakalaban nito. Dahil nanghihina ako sa dami ng dugong nawala sa akin. Tumayo ako at hinarap siya. "Mas mabuti pa sigurong mamatay ka na!" Sigaw niya at pinupuntirya niya ang puso ko. Sinubukan kong umiwas kaya nabitawan niya ang kutsilyo niya.

Sinabunutan niya ako at kinalmot. Ganun din ang ginawa ko sa kanya. Sinuntok ko siya sa tyan para mapalayo siya pero nasampal niya ako. Nasaksak niya ako sa tagiliran. Kinuha ko agad ang kutsilyo sa pagkakabaon sa tyan ko.


Nagulat nalang ako ng bigla niyang binasag ang baso at kumuha ng bubog na pinagsugat niya sa braso niya. Napakunot ang noo ko habang hawak ang kutsilyo ng umiyak siya at nagsisisigaw ng tama na. Anong nangyayari? Bakit siya nagsisisigaw?

"Anong nangyayari dito?!" Galit na boses ang dumating. Si Liam at ang barkada. Gulat lahat sila sa nasaksihan. Sinubukan kong itago ang saksak ko. Lumapit si Liam kay Kylie. Yinakap ni Kylie si Liam. "Liam. Si Dianna bigla nalang akong sinugod. Sinampal at sinabunutan niya ako pati na rin kinalmot. Sinaksak pa niya ako ng kutsilyo niya." Sabi ni Kylie habang umiiyak.

Napatingin ako sa nagliliyab na mata ni Liam sa galit. "L-Let me e-explain." Sabi ko mabilis siyang lumapit sa akin at sinampal ako. "Liam!" Sigaw ni Hell at ng buong barkada."Wala akong ginawa." Naiiyak na sabi ko.  "Wala? Huh? Yan na oh! Hawak mo na ang kutsilyo! Ebidensya na yan oh!" Mapait niyang sabi.  "Hindi ko alam kung bakit ko minahal ang walang kwentang tulad mo!" Sigaw niya sa akin. Binuhat ni Liam si Kylie palabas ng kwarto.


Napaupo nalang ako at umiyak. "Wala akong ginawa!" Sabi ko. Yinakap naman ako ng mga babae. "Pagkapasok ko dito galing clinic. Sinumbatan niya ako! Sinampal at sinabunutan niya ako! Gumanti ako pero hindi ko siya sinaksak! Ako ang sinaksak niya. Siya mismo ang nagsugat sa sarili niya. Nagulat nalang ako ng umiyak at nagsisisigaw siya. Maniwala kayo." Nanghihinang sabi ko habang umiiyak. Unti unti kong tinanggal ang nakabalot sa tyan ko at doon na bumuhos ang dugo.

"What the f*ck?!" Sigaw ni Hell. Gusto na nilang nanuntok pero mas pinili nilang idala ako sa ospital. "Naniniwala kami sayo." Sabi ni JR. "Wag kang bibitaw." Sabi naman ni JR. Nanghihina ako.

Unti-unting pumipikit ang mga mata ko kaya binilisan nila ang takbo. Isang senario ang bumalik sa akin.

"I will always trust you and love you. Promise." Sabi niya at hinalikan ako sa labi bago umalis.
Nasaan na ang pangako mo? Hindi mo man ako pinakinggan. Nabulag ka sa mga nakita mo Liam. Hubby.

-------------------
(A/n: Pambawi ko po sa mga araw na hindi ako nakapag-UD. Keep reading po. Please comment your reaction and vote. Salamat. Book 2? Depende po sa inyo kung gusto niyo. XoXo)

The Legendary GangsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon