Hyuk POV.
Hindi ko alam kung bakit ako nagkakaganito. Hindi naman parati mainitin ang ulo ko. Magkakaroon ako ng Wrinkles nito eh. Bakit ko ba laging pinag susungitan si Leonni.Simula nung Kumain kami sa Braii republic ay parang may kakaiba nung nakita kung may kausap siya. Iba ang naramdaman ko.
Flashback....
Lumabas muna ako ng Braii republic dahil iba na ang nararamdaman ko pag kaharap ko siya. Habang kumakain ako hindi ko maiwasan na tumingin sakanya.Ang ganda ng mga mata niya at ang pilik mata niya pero ang mas maganda dun ay ang labing niyang Heart. Hindi ko alam kung bakit ko yun tinitingnan habang kumakain ako.
Tatayo na sana siya pero pinigilan ko. Syempre alam kung gutom din siya kaya pinakain ko na. Hindi kami nagsabay kumain dahil baka mas lalo akong mapatitig sakanya.
Iniwan ko na siya at lumabas na ng Braii republic. Nag pahangin muna ako dahil iba na talaga ang nararamdaman ko.
Babalik na sana ako kaso nakita kung may kausap siyang lalaki. Parang gusto kung puntahan siya pero hindi ko kaya. Baka ano ang isipin niya kaya Iniwan ko nalang siya.
Yun bang parang tinutusok ang Puso mo sa nakita mo. Ang saya nila tingnan dahil tumatawa pa sila. Hindi ko na talaga alam kung anong nangyayari sakin.
Nagtataka ako kung bakit hindi pa siya dumating. Tumingin muna ako ng TV ng ilang oras pero hindi ako mapakali. Parang hinahanap hanap ko siya. Hindi nag tagal may narinig akong ingay sa labas at nakita kong kasama niya pa ang lalaki.
Mas lalong uminit ang dugo ko pero hindi ko pinahalata dahil baka masira ang career ko nito. Kumatok na sila at agad ko namang binuksan ang pintuan.
Nakakabastos nga dahil hindi man lang ako sinagot ng kasama niya! Hindi niya ba alam kung sino ako? Aissh! Bwisit! Lumabas na sila at agad ko namang sinara ang pinto.
Pumunta ako ng Kusina para kumuha ng tequila. Nag didilim na kasi ang paningin ko. Umakyat nalang ako para maka pag pahinga.
End of flashback
Nandito kami ngaun sa shooting at kasama ko si mina para sa Movie namin. Lagi kong tinatawag si Leonni at sinisigawan para kumuha ng pangangailangan ko.
Naawa ako sa totoo lang pero hindi ko pinahalata yun. Nung nag pipicture kami ay nakita ko na naman na may kausap siyang lalaki at ang saya pa nila ngaun.
Bigla nalang ulit nag init ang katawan ko. Yun bang parang gusto mo siya agawin sa kausap niya pero hindi mo kaya. Hindi ko nalang pinansin at pinag patuloy ang ginagawa ko.
Pinipilit kung hindi pansinin pero hindi ko maiwasan na tumingin sakanila. "Sino ba yan at parang Ang lapit lapit nila sa isa't isa? Boyfriend niya ba yan?" Bulong ko.
Habang tumatagal mas lalong umiinit ang ulo ko hindi nga ako maka fucos sa ginagawa ko at lagi na akong pinapagalitan ni direct. Hindi ko na napigilan at tinawag ko na siya.
"Leonni come here faster!" Yan nalang ang nasabi ko at agad naman siyang lumapit sakin.
"Ano po yun Boss?" Habang nilalaro na naman niya ang mga daliri niya.
"W-wala. Dito ka sa tabi ko para hindi na kita kailangan pang tawagin na pasigaw. Naiintindihan mo Leonni?" Halatang nagulat siya sa sinabi ko pero hindi na siya nagsalita at umupo na siya sa Tabi ko.
Break namin ngaun at nakikita kung naiinis na yung kausap ni Leonni. Pano naman eh wala na siyang kasama dun. Buti nga sakanya.
Hindi ko alam pero gumaan ang loob ko nung tinawag ko siya. Ano ba kasing nangyayari sakin. Nag pictorial na kami ulit ni mina at this time hindi na galit si Director.
BINABASA MO ANG
My Spy Girl
ActionMay isang babae na isang sundalo at binigyan siya ng mission at dapat ma accomplish niya yun kung hindi mawawalan siya ng trabaho at ang pangako niya sa tatay niya.