Mina POV.
Nandito ako ngaun sa shooting at parang may kakaiba sa kinikilos ni Hyuk. Mas gumaling nga siya lalo parang inspired.Gustong gusto ko siya noon pa at hanggang ngaun. Nagtataka nga ako kung bakit ang saya niya nung nag uusap sila ni Leonni ba yun. Nabigla ako nung narinig kung nag I love you si Hyuk sa personal assistant niya.
Nainis ako dahil parang ang pangit tingnan ang sikat na artista ay nahulog lang sa Personal assistant niya. Hindi to maari. Kami ang bagay ni hyuk at hindi ang babaing yun.
Natapos na kami sa shooting at sinundan ko siya kung san siya pupunta. Nag tago siya at tinawagan ulit ang babaing yun.
"Uuwi siya ngaun. Mag sisisi siya dahil may gagawin akong maganda." Naka isip na ako ng paraan at kung pano ko makukuha si Hyuk.
Sinundan ko siya at nakita kung papunta siya sa Airport. Nagtataka nga ako kung bakit hindi siya naka disguised. Makikilala siya dito.
Nakarating na ako sa airport at lahat ng tao ay nakatingin lang kay hyuk at ang iba ay parang kinikilig pa ito dahil nakita nila ng personal si hyuk.
Tumigil siya at umupo naghihintay lang din ako na dumating ang babaing yun at para masimulan ko na ang plano ko. Hindi nagtagal ay dumating na siya at agad akong tumakbo papunta kay hyuk.
Nabigla si hyuk nung nakita niya ako at agad ko siyang hinalikan. Naka titig lang siya sakin at nakita niyang nasa tapat na namin si Leonni. Tumayo siya agad at tinulak ako.
"Leonni?" Hindi ko alam pero parang nag tagumpay ako.
"Boss salamat at pumunta ka dito." Nakita kung hindi man lang siya affected dahil walang kahit anong imosyun ang makikita sa mukha niya.
"Leonni walang ibig sabihin yung nakita mo." Ano ba tong ginagawa niya.? Dapat nga masaya siya dahil tinulungan ko siya.
"Boss pasinsia napo pero pagod na kasi kami. Bukas nalang po." Nilagpasan niya lang kami at kasama niya yung lalaki.
Tiningnan lang ako ng masama ni hyuk at agad na umalis. Nakita kung ang dami na palang reporter na naka palibot samin at ang alam ko ay headline to bukas.
Sinundan ko lang siya palabas at sumakay na sa kotse niya. Sumakay na rin ako at sinundan ko siya kahit san man siya mag punta. Naka ilang palibot na kami pero hindi pa rin siya humihinto.
Napag disisyon ko ng iwan muna siya dahil nakaka hilo. Umuwi na ako sa bahay at nakita ko ang mga litrato namin ni hyuk. Ang mga litrato namin habang ng sho-shooting kami.
Kinukuha ko ito sa camera man at agad na ididikit dito sa kwarto ko. Naisipan kung manood nalang ng TV at natuwa
pa ako dahil ang bilis talaga kumalat ang balita.Nakaka tuwa nga dahil ang naka lagay ay "Ms Mina is kissing hyuk in public. Are they in relationships?" Naisipan kung matulog nalang dahil bukas ang daming reporter na naghihintay sakin.
Kinabukasan ay nagising ako dahil sa ingay ng nasa labas. Sumilip ako sa bintana at nakita kung ang daming reporter na naghihintay sakin sa labas.
"Hindi ba sila maka hintay?" Naligo muna ako at nag bihis na para maka labas na ng bahay. Nag paalam na ako kay yaya at lumabas na ng bahay.
"Miss mina are you in relationships with kim min hyuk?" Ngumiti muna ako bago sumagot.
"Yes and were secretly dating." Nabigla sila sa sinabi ko at nagtanong sila ng sunod sunod.
Iniwan ko na ang mga reporter kasi nabibingi na ako sa kanila at pumunta na ng Studio. Nakita ko si hyuk at parang ang lungkot niya. Tumabi ako sakanya at hinawakan ang kamay niya.
"Hi babe." Hinalikan ko siya sa pisngi at agad naman niya itong pinunasan.
"Pwede ba? Umalis ka nga dito at wag kang umarti na parang naging tayo kasi never at may mahal na akong iba!" Tumayo siya at iniwan ako. Nakita ko si Leonni na parang wala lang sakanya talaga ang nangyari.
Lumapit ako sakanya at agad siyang tinarayan. Tumayo ako sa harap niya at tumingin sakin ng parang wala lang.
"Hoy! Babae ka? Anong merun sa inyo ni hyuk at bakit kailangan ka niyang sunduin sa airport! Aissh!" Sigaw ko sakanya at ang lahat ng staff dito ay nakatingin lang saming dalawa.
"Anong pinagsasabi mo jan mina?" Nagtataka siya sa sinabi ko at parang ayaw niya ng gulo.
"Alam mo kung anong ibig sabihin ko." Hinawakan ko ang kamay niya ng sa ganon maka tingin siya sakin.
"Hindi dahil sa hindi kita niririspito pero ang alam ko ay susunduin lang naman ako ni hyuk dahil Personal assistant niya ako. Sabik na sabik siyang mag trabaho ako!" Natahimik ako sa sinabi niya pero sinigawan ko pa rin siya.
"Oh ganon ba! Idi mas mabuti na yung malinaw!" Iniwan ko na siya at bumalik na sa upuan ko.
Nakita kung pumasok na si hyuk at agad na sinimulan ang pag taping. Nung kahapon lang ang galing niya pero ngaun parang hindi na.
"Ano ba hyuk! Wag ka ng mahiya alam na namin na kayo na pala ni Mina!" Napatigil si hyuk at tumingin sakin ng seryoso sa mata.
"Direct hindi ko siya girlfriend at lalong lalo na hindi ko siya gusto. umaarti lang yan!" Hinawakan niya ang bewang ko ng masakit.
"Haha. Direct nag papatawa lang tong baby ko. Hindi ba baby?" Tumingin lang siya sakin at umiling.
"Oh sige. Mag simula na tayo." Nag simula na si director at nakita kung pumasok ulit yung kasama ni Leonni sa loob ng studio.
Hindi rin ako maka fucos dahil feeling ko tumitingin si hyuk sa kanila. Ang tagal na naming nag ti-taping pero ngaun ko lang siyang nakita nadidistracted.
Pinag break muna kami ni direct at agad naman kaming umupo. Tinitingnan pa rin ni hyuk si Leonni at yung dalawa naman ang sweet.
Hindi na naka pag pigil si hyuk at agad niyang pinuntahan silang dalawa at tumayo sa harapan nila.
"Aissh! Pwde ba? Huwag kayong mag PDA dito!" Hinawakan niya sa kamay si Leonni at kinaladkad sa labas.
"Ano ba yung nangyayari sa kanilang dalawa?" Sabi ni direct na kinakamot ang ulo niya.
Update for today!!!
Ano kaya ang pag uusapan nilang dalawa sa tingin niyo? Gusto niya ba ang update ko ngaun. Pasinsia na kung si mina ang nag POV. Follow niyo po ako. Please feel free to comment and vote.@iamsfatima-twitter
@Najmamgdla-instagram
Najma maguidala - facebook
BINABASA MO ANG
My Spy Girl
ActionMay isang babae na isang sundalo at binigyan siya ng mission at dapat ma accomplish niya yun kung hindi mawawalan siya ng trabaho at ang pangako niya sa tatay niya.