Mission

1.2K 34 0
                                    

Leonni POV.
Nandito ako ngaun sa Roof top at nag papahangin. Iniisip ko kung pano ko makukuha si Hyuk. Naramdaman kung umakyat siya at umupo siya sa tabi ko.

Ang bait pala sa totoo lang si hyuk siya pa nga nag bayad ng Bago kung cellphone. Hindi ko alam pero unti unti lumalapit ang mukha niya at bigla nalang dumampi ang labi niya sa labi ko.

Kumalas ako at agad na tumayo. Iniwan ko siya sa rooftop at pumasok na sa kwarto. Naisip kung simulan na ang Mission ko sa kahit anong paraan.
Sasabay lang ako sakanya.

Natulog na lang ako ng sa ganon prisco ako bukas at ng matapos kona ang mission na to.

Kinabukasan nakita kung nagluluto na si hyuk ng kimchi at dalawa pa talaga. Ano ang nakain nito at pinag luto ako. Ngumiti siya sakin at ngumiti rin ako sakanya.

"Good morning Leonni" hindi ko alam kung anong nakain nito pero gaya ng sinabi ko sasabay ako sa trip niya.

"Good morning Boss" umupo na ako at hinihintay ang luto niyang kimchi.

"Oh nilutuan na kita ng kimchi para maaga tayo maka pasok" nilapag niya ang kimchi na niluto niya at kinain ko agad to.

Bakit ganyan siya maka ngiti? Anong problima ng mokong na to? Ganyan ba ang epekto ng mga labi ko. Natatawa nalang ako sa mga kinikilos niya.

"Oh halika Na Leonni mali late na tayo." Tumango nalang ako at pumunta na sa kotse.

Parang may kakaibang aura kay hyuk dahil masaya siya tingnan ngaun. Hindi ko nalang siya tiningnan at tumingin nalang sa bintana.

Hindi nag tagal dumating na rin kami sa studio. Ano ba tong ginagawa niya at pinag buksan pa ako ng pinto baka may makakita na naman.

"Halika na Leonni" tumango lang ulit ako at pumasok na sa loob. Nagulat ako nung nakita kung nasa loob pala si Officer channe.

"Oh channe anong ginagawa mo dito?" Tiningnan ni Channe si hyuk ng masama at tumingin ulit sakin.

"Oh bakit hindi kita makontak?" Natatakot ako sa mga kinikilos niya parang ang seryoso niya masyado.

"Eh kasi yung Cellphone ko nawala" inilabas ko ang Cellphone kona bago at pinakita sa kanya.

"Ah ga-" hindi natapos ni Officer channe ang sasabihin niya nung nagsalita bigla si hyuk.

"Halika Na Leonni." Hinawakan niya bigla ang kamay ko at kinaladkad pero hinawakan din ni Channe ang kanang kamay ko.

"Bitiwan mo siya Mr kim min Hyuk. May pag uusapan pa kami." Wala ng nagawa si Hyuk at binitawan niya agad ako.

Hawak hawak pa rin ni Channe ang kamay ko at mukhang naiinis siya sa nangyari kanina. Huminto kami nung maka abot kami sa kotse niya.

"Buti at binitawan mo ako Officer channe dahil ramdam na ramdam ko ang galit mo." Nainis kasi ako ang higpit ng pagkaka hawak niya sakin.

"Hindi ako galit." Mahinahon niyang sabi pero hindi mo maipag kakaila na galit talaga siya sa mata pa lang. Sa kay tagal tagal ng pagkakaibigan namin. Kilalang kilala ko siya.

"Talaga lang ha? Kaw may sabi eh. Ano bang pag uusapan natin." Habang hinihimas ko ang kamay ko para mawala yung sakit.

"Ibigay mo sakin ang # mo ngaun ng sa ganon matawagan kita." Inilahad niya sakin ang Cellphone niya. Hinablot ko na agad at nilagay ang # ko.

"Ito oh? Yun lang ba?" Binigay ko na sakanya ang Cellphone niya at kinuha niya agad.

"Sasamahan kita sa loob officer Leonni." Nabigla ako sa sinabi niya pero wala na rin akong magawa dahil hinila na naman niya ako.

Pumasok na kami na hawak hawak niya pa rin ang kamay ko. Nagmukha tuloy akong aso nito sa kakahila niya. Naka pasok na kami sa Shooting ni hyuk.

Umupo lang kami at hindi pa pala niya binibitawan ang kamay ko. Nakita kung naka tingin ng masama samin si hyuk. Parati nalang sinisigawan si hyuk na mag concentrate pero hindi pa rin niya makuha.

"Kim min hyuk are You okay! Ilang ulit nalang tayo dito pero hindi mo pa rin nakukuha." Sabi ni direct na halatang naiinis na siya.

"Breaktime lang po muna direct." Umalis na si Hyuk at umupo sa upuan niya at tumitingin pa rin dito.

"Mas mabuti pa nga. Oh guys break muna." Umalis na ang iba at uminom ng Tubig.

"Officer Leonni alam mo nag hingi ako ng Advice kay Mr. Lee kung pano makuha ang mga lalaki." Napalingun ako sakanya dahil baka nag jo'joke lang pero seryoso pa rin ang mukha niya na naka tingin sakin.

"Bakit mo naman tinanong yun?" Nagtataka kung tanong at tumingin lang ng diritso sa mata niya.

"Para matapos ang mission mo at maka uwi kana." Seryoso pa rin niyang sabi.

"Pa-pano daw?" Sumang ayon na din ako para maka uwi na rin ako samin.

"Pag selosan mo daw." Malapit na akong matawa sa sinabi niya. Pano naman eh hindi naman ako mahal o gusto nun. Seryoso ba siya.?

"Seryoso ka ba?" Nabigla na lang ako nung naka akbay na siya sakin at ngumiti ng naka paka lapad.

"Oo. Seryoso ako kaya sumabay ka nalang." Tumango nalang din ako sakanya at ngumiti ng pilit.

Sinabayan ko nalang ang trip ni Officer channe at tumingin ako kay Hyuk at parang papatay siya ng tao sa tingin niya pa lang. Tumayo siya at lumapit kay Mina.

"Wala naman eh. Hindi naman ata siya nag seselos officer channe." Ngumiti lang si Officer channe sakin at nagtaka ako.

"Free time mo bukas hindi ba?" Tumango lang ako sakanya at ngumiti na naman siya. Namiss ko ang mga ngiting yan tulad nung bata pa kami.

"Bakit mo natanong pala officer channe?" Nabigla  ako nung ilapit niya ang mukha niya sakin tapos pumikit nalang ako.

"Mag kita tayo bukas susunduin kita." Ramdam na ramdam ko yung init na hininga niya sa tainga ko.

"S-sige." Ngumiti lang ako sakanya at tumingin sa paligid para magpahangin feeling ko kasi nang iinit ako eh. Pero iba ang nahagip ko ang matungis na mata ni Hyuk.

"Hyuk! Ano ba? May sakit ka ba? Hindi mo nakuha yung taste ko eh! Naiinis na talaga ako sayo!" Sigaw ni direct at nilapitan siya ng manager ni Hyuk para kausapin. Mas natakot ako nung sinigawan ako ni Hyuk.

"Leonni Kim! Halika na Masakit na ang ulo ko!?" Tumayo siya at palabas na ng Studio. Kinakabahan ako baka pagalitan ulit ako.

"Sige officer channe. Hahabulin ko lang muna siya." Tumayo na ako at lumabas na rin ng Studio.

Update for today!!!
Anong problima ni Hyuk at bakit hindi siya maka concentrate sa acting niya.? Bet niyo guys? Team hyuk o team Channe? Message me and follow me on wattpad.

@iamsfatima-twitter
@Najmamgdla-instagram
Najma maguidala - facebook

My Spy GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon