Leonni POV.
Nandito pa rin ako sa Hospital sa loob ng 4 na araw. Sabi ng Doctor ay pwde na daw akong lumabas. Hindi ko alam pero ang daming reporter sa labas ng Kwarto ko.Kasama ko sila Mr. Lee pati ang asawa't anak niya. Si rinsi naman ay ang Cute pa rin. Buti nalang at pinag bilin niya ako sakanila. Ngaun dadalaw si Channe dahil balita ko nag ta-trabaho siya as a Driver ni Mina.
Buti nalang at magaling na ako. Hindi na masyado masakit ang katawan ko. Si hyuk naman ay hindi na dumadalaw sakin. Masakit man pero kailangan kung tanggapin.
Aalis na rin kasi ako dito at babalik na sa Kinaroro unan ko. Hindi nag tagal ay nakaramdam ako ng gutom kaya tinuro ko kay Rinsi ang Prutas na binili sakin ni Channe.
"Ano yun unnie?" Lumapit siya sakin at nakita niya ang tinuturo ko.
"Ah prutas pala unnie. Ito oh?" Inabot niya sakin ang mansanas at agad ko itong kinagatan. Kailangan ko ng lakas.
"Okay kana ba officer Leonni?" Tanong sakin ni Mr. Lee na halatang nag aalala.
"Oo Mr. Lee salamat dahil nandito kayo." Ngumiti ako sakanya at niyakap din ako ni Rinsi.
"Syempre naman pinag bilin ka saamin ni Oppa Channe." Natawa ako sa Sinabi niya. Ang cute niya talaga.
"Oppa?" Naalala ko tuloy si Hyuk pero hindi dapat ko ito maramdaman .
"Okay ka lang ba Officer Leonni?" Nahalata tuloy ni Mrs. Lee ang pagka lungkot ko.
"Oo may naalala lang ako." Humiga ulit ako para ipag pahinga ang katawan ko.
"Balita ko Officer Leonni? Pwde ka na daw lumabas?" Tumango ako kay Mr. Lee at ngumiti.
Inabot ulit sakin ni Rinsi ang saging at may nakita akong nakatayo sa Pintuan. Mukhang familiar siya sakin kaso tinakpan siya ng mga reporter. Nakita kung pumasok na si Channe.
"Hello everyone. Kamusta na si Officer Leonni?" Ngumiti ako dahil bumalik na siya. Namiss ko kaya siya kahit apat na araw na kaming hindi nagkikita.
"Okay na ako Officer channe. Gusto ko ng Lumabas." Ngumiti siya sakin at lumapit. Hinawakan niya ang kamay ko kahit naiilang ako.
"Sure. Lalabas na tayo dito Officer Leonni." Tiningnan ko ang paligid at mukhang may something sa mga tingin nila.
"Oppa? Are you in relationships with unnie?" Nabulunan ako sa sinabi ni Rinsi pano kasi kumakain pa ako ng Saging eh.
"Hi-Hindi rinsi." Sagot ko kay rinsi at agad naman nag iba ang Mukha ni Rinsi.
"Ouch! Akala ko-" hindi niya natuloy ang sasabihin niya dahil tinakpan ni Mrs. Lee.
"Sorry Officer Leonni. Kung ano ano na ang pinag sasabi ni Rinsi." Hinawakan ko lang ang ulo ni Rinsi at ginulo ang buhok niya.
"Okay lang Mrs. Lee." Ngumiti siya sakin at tiningnan ng masama si Rinsi.
"Oh Officers. Kailangan na naming umalis. May pupuntahan pa kasi kami." Hinawakan ni Mr. Lee ang anak niya.
"Oh sige. Thank you sa pag babantay kay Officer Leonni." Sambit naman ni Channe at umupo siya sa tabi ko.
Lumabas na sila at narinig ko ang mga ingay ng Reporter. "Ano ba kasing merun at nandito sila? Hindi naman ako artista ah?" Bulong ko pero narinig ni Channe.
"Sa tingin kasi nila artista kana kaya sila nandito. Kumukuha sila ng update sa iyo." Tumingin ako kay Channe at nagtataka ako kung bakit niya nasabi ang lahat ng yun.
"Kalokohan! Pwde bang lumabas na tayo ngaun na?" Tanong ko sakanya at ngumiti siya sakin.
"Oh sige. Babayaran ko lang muna ang Bill okay?" Tumango lang ako at lumabas na siya.
BINABASA MO ANG
My Spy Girl
ActionMay isang babae na isang sundalo at binigyan siya ng mission at dapat ma accomplish niya yun kung hindi mawawalan siya ng trabaho at ang pangako niya sa tatay niya.