Unbelievable

822 13 0
                                    

Hyuk POV.
Ilang linggo na rin simula nung araw na iniwan lang niya ako sa Ere. Nung nasa hospital pa ako ay nangako ako sa sarili ko na hinding hindi na ako magpapaka tanga sa kanya.

Nandito ako ngaun sa bahay at nanonood ng Television. Hindi ko siya makuha dahil iba ang tinatakbo ng Isip ko. Katabi ko pa si mina at ang ingay niya minsan.

Siya lang ang kasama ko dahil ayaw naman niyang umalis ng bahay ko kaya pinaba yaan ko nalang. Alam kung deserve ko ang sampal niya dahil alam kung nasaktan ko siya sa sinabi ko.

Tumalikod na si Mina at nagulat ako sa nakita ko. Si Leonni naka tayo ngaun sa harap ng pintuan ko at hindi ko inaasahan na sasampalin siya ni Mina.

"San si Hyuk?" Nagulat ako kung bakit niya ako hinahanap ngaun. Nagsalita ulit si mina.

"Ang kapal ng mukha mo itanong yan Leonni! Pwde ba umalis ka nalang dito!?" Hindi ko na napigilan at agad akong lumapit sa kanya at tinulak siya hindi ko alam kung bakit ko nagawa yun baka dahil sa Galit ko.

"Leonni kim! Wala ka ng babalikan dito simula nung Iniwan mo ako!" Humarap sa akin si Mina at tiningnan niya ako ng maayos

"Tika? Ano ba kasing merun ha?" Sambit naman ni Mina na parang gulong gulo siya kung ano ang nangyayari sa amin ni Leonni

"Umalis ka na rin mina! Hindi ko kayo kailangan!" Hinila ko na rin siya palabas at tiningnan ko muna si Leonni na May Galos sa Tuhod niya. Na guilty ako sa ginawa ko pero dapat hindi ko yun maramdaman.

Sinara ko na ang pinto at hindi ko alam kung bakit kailangan ko pang sumilip sa kanya samantalang galit na galit ako sakanya. Nakita ko siyang tumayong nahihirapan dahil sa Sugat na natamo niya saakin.

Nagsisisi tuloy ako kung bakit ko siya tinulak dahil para siyang lampa kung maglakad. Gusto ko siyang habulin pero may pumipigil sakin. Ang galit ko.

Umakyat ako sa taas at sinuntok ulit ang Pader! Naiinis ako na may halong saya. May pumatak na luha sa mata ko at agad ko itong pinunasan.

"Mahirap ba akong mahalin Leonni at hindi mo akong kayang mahalin o Gustuhin man lang?" Bulong ko sa sarili ko.

Humingi rin ako ng Pahinga mula sa director ko dahil wala ako sa Mode na Ituloy ang pilikula namin ni Leonni. Humiga ako sa kama at natulog dahil na i- stress na ako.

Kinabukasan ay naisipan kung mag trabaho dahil sakto na rin ang oras na hiningi kung pahinga. Naligo na ako at nag bihis na. Naisipan kung tingnan ang kwarto ni Leonni.

Umalis na ako sa kwarto niya at sumakay na sa Kotse. Nag drive ako ng mabilis at hindi nag tagal ay naisipan kung kumain nalang muna. Naalala ko ang Line friends store na pinuntahan namin ni Leonni.

Dun kasi ako kumakain pag na i-stress ako sa mga bagay bagay. Nag order na ako at naalala ko naman kung pano kami nag usap dito sa Store na to. Umiling ako dahil ayaw kung maalala si Leonni.

Naubos ko na ang pagkain ko at bumalik ulit sa kotse ko. Pina andar ko na to at pumunta na ng Studio. Nagulat ako kung bakit ko Nakita si Leonni dun at kasama pa niya si Channe.

Pumasok ako na may inis at parang ayaw kung makita na kasama niya si Channe. Lumapit ako sa Director at kina usap siya.

"Direct bakit nandito yan?" Ngumiti ng malapad si Direct at tumingin siya sakin.

"Diba may pilikula pa kayong gagampanin?" Oo nga pala. Nakalimutan ko dahil sa Sobrang inis.

"Ah ganon po ba director? Oh sige salamat po." Umupo na ako sa kina uupuan ko at tiningnan ko ng pasilip si Leonni. Hindi ko alam kung bakit ko to ginagawa eh.

Nainis ako sa nasilip ko dahil tinitingnan ni Channe ang galos ni Leonni at nagtataka. Narinig ko ang pinag usapan nila.

"Bakit may galos ka Leonni?" Hinawakan niya ito at parang nasaktan si Leonni dahil halata sa mukha niya.

"Ah eh. Nadapa kasi ako nung naglalakad ako kahapon." Nag sinungaling pa talaga dapat nga sinumbong niya.

"Ganon ba? Oh sige. Kukuha lang ako ng First aid kit. Hintayin mo ako dito." Kumuha siya at di nag tagal bumalik na. Naiinis na talaga ako sa nakikita ko.

"Salamat channe" ngumiti si Leonni pagkatapos gamutin ni Channe. Hindi na ako sumilip dahil baka sasabog ako bigla at di maka pag timpi.

"Okay guys. Balik kayo bukas okay? Kasi gagawin na natin ang pilikula bukas. Huwag mo na ngaun dahil hahanapin ko pa ang script." Mas nainis ako. Dapat pala hindi na ako pumunta. Aissh. Tumayo na ako at nakita kung umalis na rin ang dalawa.

Hindi ko alam kung bakit naging stalker ako nitong dalawa. Pinasakay na niya si Leonni sa kotse niya at umalis na.

Pumasok na rin ako sa kotse ko at sinundan sila. Nag punta sila sa isang Restaurant. Bumaba na sila at sumusunod naman ako. Ginamit ko na ang Cap ko na black at Sun glasses na black at saka Mask at News paper.

Pumasok na ako at nakita kung umorder na si Channe. Umupo ako sa katabi nilang upuan para klaro ang pag dinig ko. Bumalik na si Channe na may dalang dalang pagkain.

"Wow. Sarap naman yan?" Nakaharap sakin si Leonni at tinitingnan ang mga ngiti niyang naka paka lapad.

"Syempre naman. Kasama kita eh." Nainis ako sa narinig ko dahil parang tuwang tuwa namang tong babaing to.

"Hindi na ba mahapdi ang tuhod mo Leonni?" Ngumiti lang siya tapos umiling.

"Hindi na at saka ginamot muna eh. Salamat talaga. Ang tanga ko kasi bakit pa ako pumunta dun." Hindi ko maintindihan ang punto niyang yun.

"San kaba kasi pumunta?" Ngumiti lang ulit si Leonni at kumain na. Kumain na rin si Channe at ako naman to parang tanga na nakatingin sa kanilang dalawa.

Hindi nag tagal ay naubos na ni Leonni ang pagkain niya at tiningnan niya lang si Channe habang kumakain.

"Wag mo akong titigan Leonni." Tumawa lang si Leonni at hinawakan ang mag kabilang pisngi ni Channe.

Naiinis na ako dito kaya napatayo ako at umalis na. Ang tanga ko kasi bakit ko pa tinaboy si Leonni nung dumating siya sa bahay! Sumakay na ako sa Kotse ko at pumunta ng Bar.

Dumating ako ng bar at agad na bumaba. Nag order ako ng Maraming Alak at agad na pumunta sa VIP room.

Malapit ko na maubos ang alak na iniinum ko at nahihilo na ako. Napag disisyonan ko ng umuwi dahil pagod na pagod na ako. Nag drive ako ng hindi mabilis at buti nalang naka rating na ako sa bahay.

Bumaba na ako at nagtaka ako kung bakit naka bukas ang ilaw samantalang walang tao naman dun. Pumasok na ako at nakita ko si Leonni na papasok sa kwarto niya.

"Babalik ka naman pala Leonni pinapahirapan mo pa ako hahaah." Lumingon siya sakin at nag tataka. Habang ako Tawa lang ng tawa dahil sa alak na ininum ko.

"Hindi ako nandito para bumalik. Kukunin ko lang ang mga damit ko at aalis na ako." Nasaktan ako sa narinig ko dahil akala ko babalik na siya pero hindi pala. Lumapit ako sakanya at agad na hinawakan ang dalawang balikat niya.

"Oh san ka naman titira ha? Kay Channe?" Ngumiti ako kahit pilit sana mali ang hinala ko.

"Oo bakit?" Bigla ko nalang siyang niyakap at umiyak ulit sa likod niya. Hindi ko na kayang nakikita kitang may kasamang iba.

Update for today!!!
Guys Message kayo kung anong magiging reaksyon ulit ni Leonni? Aalis ba siya o mag stay sa tabi ni Hyuk? Follow me on wattpad.

-AlienaV ❤️❤️

My Spy GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon