I'm Leonni kim at may mission ako na dapat kung tuparin kung hindi mawawalan ako ng trabaho at ang pangako ko sa tatay ko.
Nakatira ako sa North korea at isasalin nila ako sa South korea para makuha ang Famous artist nila dun na si kim min hyuk. Nag iimpaki na ako ng damit ko para makapunta na ako sa Airport at matapos na ang mission na to. Natapos ko na ang pagliligpit at tumingin ako sa Paligid.
"I will surely Miss this Place and specially the memories with my Father." As I sighed at lumabas na ako ng bahay. Nakita ko ang pinapasundo nila sakin at si Channe ang Bestfriend ko simula bata pa kami. He is also a Soldier like me.
"Hopped in" Minsan naiisip ko na ang Strict niya sakin at parang hindi niya ako Bestfriend kung maka asta pero sanay na rin ako sa Ugali niya.
"Okay" Pumasok na ako sa loob at pumasok na rin si channe. Pina andar na niya ang Kotse at agad tong pinaharorot.
"Are you ready for this Mission Officer Leonni? Kung hindi mas mabuti pang itigil mo na lang ang pag susundalo mo?" Habang nakatingin siya sa daan at ang sungit ng Mukha.
"Yes I'm ready" Nakaka insulto sa sarili ang sinabi ng Bestfriend ko. Sa tingin niya kasi hindi ko kaya ang Mission nato.
Tumingin nalang ako sa Bintana at inilabas ang kamay ko para mahagip niya ang hangin. "I will miss this place" bulong ko.
Hindi nag tagal dumating na rin kami sa Airport at nandun na rin ang Executive director namin.
"Officer leonni i hope that this time you will not failed this mission?" Nakaupo lang siya sa Kotse niya at hindi man lang siya makatingin sakin.
"Yes sir. I will do my best" As I bow at kinuha ko na ang mga damit ko pupuntang airport.
"And officer leonni add this to your mission. Take care with my daughter there." Tumalikod na siya at sumakay na sa kotse. Hindi man lang niya hinintay ang sagot ko.
"Yes sir" Sumagot na lang ako kahit wala na siya sa Harap ko. To show some respect. Tatalikod na sana ako kaso may humawak sa Balikat ko.
"Take care officer leonni" lumingon ako at agad ko siyang niyakap as a Bestfriend dahil Mamimiss ko talaga ang strikto kung Bestfriend.
"I will officer channe" Niyakap niya rin ako at pagkatapos tumalikod na ako sakanya at pumasok na sa loob ng airport.
Nandito ako ngaun sa loob ng Airplane, Naghihintay lang ako ng ilang minuto para lumipad. Habang naghihintay ako, nakikinig ako sa earphones ko para hindi masyadong boring.
Hindi nag tagal lumipad narin ang eroplano at unti-unti siyang umaangat. Tumingin ako sa labas at puro ilaw lang sa baba ang nakikita ko.
"I will miss this place already" bulong ko at natulog muna ako para pagdating ko sa South Korea ay may lakas na ako.
Ginising ako ng katabi ko at tumayo na siya. Mukhang nandito na kami sa South Korea. Kinuha ko na ang mga gamit ko at tuluyan ng bumaba sa eroplano.
May nakita akong isang Malaking banner at may nakasulat na "Welcome to South Korea Officer Leonni" Agad akong lumapit sakanya at nakipag shake hands ako.
"Anneoungsayo! I'm Mr lee and I'm the one will tour you in South Korea Officer." Sabay yuko at binuksan niya sakin ang door ng sasakyan.
"No need. I just want to rest now." Sabay pumasok sa loob ng sasakyan at agad naman niya tong sinara.
"Okay Officer." Pina andar na niya ang kotse at agad na umalis sa Airport. Habang nagda-drive siya ay tumingin ako sa labas at ang ganda, Ibang iba sa North Korea.
BINABASA MO ANG
My Spy Girl
AcciónMay isang babae na isang sundalo at binigyan siya ng mission at dapat ma accomplish niya yun kung hindi mawawalan siya ng trabaho at ang pangako niya sa tatay niya.