Leonni POV.
Nagtataka ako sa mga kinikilos ni hyuk. Minsan mabait minsan hindi. Ano ba ang nakain nito at pumayag na sumabay kami kumain ng dessert. Sa mamahalin pa talaga.Dumating na kami sa bahay at di na niya gustong ibaba ang mga Malita niya? Ganyan ba ang epekto ng Line Friends Store? Sabagay pangalan palang FRIEND!?
Bumaba na akong walang mga dalang Malita. Ang sarap sa Feeling hindi na sasakit likod ko nito. Pumasok na kami at umakyat na ang boss ko sa kwarto niya.
Pumasok na rin ako sa Kwarto at nagbihis ng Pajama. Pang tulog ko kasi to. Ang cute kaya Hello kitty ang design. Pumunta ako sa Kusina para makakain ulit. Hangang tila'ok lang kasi ang dessert.
Kimchi lang merun na madaling lutu-in. Di nag tagal tapos narin ako magluto at kinain ko na ang Kimchi. Nakalimutan kung basahin ang Mga rules ni Hyuk. Pumunta ako ng Kwarto at kinuha ko ang Rules bilang Personal assistant niya.
Naisipan kung sa Rooftop ko nalang babasahin at kakainin ang Kimchi ko. Umakyat na ako tapos umupo sa sulok. Sinimulan ko na magbasa. Nakakatawa ang Rule no. 5.
Rules of being my Personal assistant!
#1. Kung hindi malinis ang Bahay dapat linisin ng Mabuti.#2. Dapat laging susunod sa mga utos ko.
#3. Kung may nasabi o nagawa na hindi maganda. Refer to rule #2
#4. Free time mo kapag Sunday.
#5. Last but not the least. DONT YOU DARE FALL IN LOVE WITH ME.
Oh see? Capital letter pa talaga. Baka ikaw nga tong main love sakin mokong ka. Kinain ko nalang ulit ang pagkain ko at tumingin sa ilaw ng mga syudad. Ang ganda tingnan. Nasa itaas kasi ang bahay ni hyuk. Kitang kita lahat ng mga ilaw.
Tatayo na sana ako kaso bigla nag beep ang phone ko. Hindi ko muna tiningnan kung sino kasi uubusin ko muna ang pagkain ko. Tiningnan ko na dahil baka importanti. Malapit ko ng maibuga ang kinakain ko dahil sa nabasa ko. Patay ako nito kay Officer Channe.
1 txt new message
From: Officer Channe
Ang tagal ko na dito Leonni at di ka man lang sumipot. Sana sinabi mo para maka uwi na ako.To: officer Channe
Pasinsia kana talaga kung hindi ko nasabi sayo agad agad. Napasarap kasi ang kain ko ng Line friends store. At saka hindi ako pinayagan ng boss ko. Maybe sa Free time ko nalang Channe.Alam kung galit na sakin si Officer channe eh kasi naman si hyuk hindi pa ako pinayagan pero okay na rin kasi naka libre ako ng Dessert sakanya. Sana ganyan nalang siya parati para rin hindi mainit ang ulo ko.
Bumaba na ako galing rooftop at nakita kung nakatayo pala sa may pintuan si Hyuk. Nagtataka ako kung bakit ganyan na naman ang mukha niya.
"O-oh bakit?" Hindi ko alam kung bakit ako natatakot sa mga ganyan na titig. Yun bang parang gagasain ka.
"Akala ko ba natulog kana?"kinamot niya pa talaga ulo niya.
"Eh h-hindi kasi ako makatulog at saka nag pahangin lang naman ako sa taas." Aalis na sana ako kaso hinawakan niya ang kamay ko.
"Lutuan mo ko ng Kimchi. Nagugutom ako." Binitawan na niya ang kamay ko at tumalikod na.
Sinunod ko nalang din ang inutos niya at tuluyan na akong pumunta ng kusina. Naalala ko naman ang sinabi sakin ni Officer channe. Inihanda ko na ang kimchi ni hyuk.
Naghihintay lang siya sa sofa at nanunuod lang ng Pilikula. Lumapit na ako sakanya at inilahad ang Kimchi. Iniwan ko siya at pumunta na ng Kwarto ko. Naghilamos muna ako at natulog na.
Kinabukasan naligo na ako ng maaga at naghanda na. Sinilip ko si Hyuk pero wala siya sa Kwarto niya. Umupo nalang ako sa sofa at hinihintay siyang makarating.
Nakarating na siya at parang galing siya sa Jogging. Nagtataka ako kung bakit kinuha niya ang remote ng TV at ni On to. Nagulat ako sa nalaman kung balita.
"Bakit ang headline sa news kaming dalawa ni Hyuk?" Nagtataka kung tanong.
"Shit! Hindi to pwde!" Kinuha na niya ang Cellphone niya sa taas at may tinawagan siya.
Nilalaro ko na naman ang mga daliri ko at paikot ikot lang ako. "Bakit ako kasama sa News? Wait yun yung kumain kami sa Line Friends Store?! Sino ba ang nag picture nun? Sabi niya suki na niya ang mga Nag ta-trabaho dun?" Bulong ko.
Nakita kung bumaba na si Hyuk galing sa Kwarto niya at lumabas siya sa bahay ng mabilis. Sumama na ako sakanya dahil hindi ko pa Free time para maka pag pahinga.
Pumunta kami sa manager niya para klaruhin ang balita na yun at ma Presscon na mahirap baka lumala pa. Ang ganda talaga ng pagkaka kuha ng Larawan na yun.
Yung pinahid niya yung Baba ng Labi ko. Bakit ba kasi ginawa niya pa yun. Bwisit. Lumabas na sila at nagpatawag ng Presscon.
Di nag tagal dumating na ang mga Reporter at naghanda na si Hyuk sa sabihin niya. Kitang kita ko sa mata niya ang tensyon.
"Ang larawan na nakalat po ay Hindi totoo. Sinamahan lang ako ng Personal Assistant ko sa Line Friends Store at walang halong Malisya yun." Tumayo na si Hyuk at pumunta ng Room niya.
Hinabol ko lang din siya at pumasok sa Room niya. Pinatibay ko lang ang loob ko kung magagalit siya. Ang ganda kasi ng Headline eh. "Kim min Hyuk Has A Girlfriend"
"Umupo ka muna Leonni" tinuro niya sakin ang Upuan at kinakabahan na ako sa Totoo lang.
"Ang swerti mo naman kung ikaw ang magiging girlfriend ko Leonni" Nainis ako bigla sa sinabi niya.
"Eh bakit po ba boss? Gusto rin ba kitang maging Boyfriend." Inis kong sagot.
Halatang nainis siya sa sinabi ko. Anong paki ko eh siya ang nagsimula. Tapos siya pa tong may ganang Magalit!?
"Bakit niyo po ba ako kinausap boss" pinapakalma ko lang ang pag tanong ko.
"Wag mo ng Pansinin yun. Mawawala din yun" Tumalikod siya sakin at ginamit niya ang Earphones niya.
Tumayo na ako at Tumalikod na rin ako. Lumabas na ako sa room. Naisipan kung magpahangin muna. Nagugutom na rin kasi ako. Pumunta muna ako sa Garosu-gil ako pumunta dahil Open Air siya.
Habang papunta ako dun ay tumunog na ang Cellphone ko at tiningnan ko na agad. Sakto naman si Officer channe ang tumatawag para maka bawi ako.
Incoming call officer channe......
"Hello officer Channe""Puntahan mo ako dito. Wag mo akong baliwalain." Pinatay na niya ang tawag at hindi man niya sinabi kung san ang Location.
Buti nalang at soldier ako kaya alam ko kung pano siya hahanapin. Ang tracking device. "Sapol! Nahanap din kita Officer Channe"
Pumunta na ako sa jyooti restaurant. Dun ko kasi siya na track eh. Nakarating na ako at nakita ko si Officer channe na naka upo. Lumapit na ako at umupo sa harap niya.
Update for today!!!
Magagalit kaya si hyuk pag nalaman niyang wala si Leonni sa studio. Abangan.
BINABASA MO ANG
My Spy Girl
ActionMay isang babae na isang sundalo at binigyan siya ng mission at dapat ma accomplish niya yun kung hindi mawawalan siya ng trabaho at ang pangako niya sa tatay niya.