1 year after

875 14 0
                                    

Hyuk POV.
Nagising nalang ako at wala na si Leonni sa tabi ko. Hinanap ko siya kahit saan, lumabas ako para hanapin siya pero wala talaga. Ilang oras na akong nandito baka sakaling babalik siya pero hindi eh, mali ang hinala ko.

Umuwi ako sa bahay at inaalala ang masasaya naming pagsasama. Naalala kung may record pala ako kay Leonni, pinakinggan ko to hanggang sa maiyak ako. Hindi ako makapaniwala na iniwan niya talaga ako.

 Hindi ako makapaniwala na iniwan niya talaga ako

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

1 year after!

Nandito ako sa taping at kasama ko si yaesi. Maganda siya at mabait, siya yung naging sandalan ko nung iniwan ako ni Leonni. Hindi na ako umasa na babalik siya. Natapos ko na ang shooting at pumunta muna sa Resto para kumain.

Hindi ko pinupuntahan ang pinupuntahan namin ni Leonni. Wala na akong paki-alam sakanya. Balita ko si mina ay naghihintay pa rin kay Channe. Pumasok na ako at umorder, may nakita akong familiar na babae.

Akala ko ay si Leonni pero hindi, ano ba tong iniisip ko? Umaasa pa rin ba ako sa wala? Aissh! Ayaw ko na, napapagod na ako. Binilisan ko na ang pagkain at umalis na ako.

Bumalik ako sa bahay at naligo ulit, pawis na pawis ako kanina sa Shooting.  Nagpahinga muna ako bago umalis. Biglang tumunog ang Phone ko at ang ringtone ko ay si Leonni. "Nandito pa parin pala to? Aissh! Kaya pala hindi pa ako nakakalimut dahil dito." Bulong ko, Ididilit ko na sana kaso may biglang nag txt.

1 new message...
"Hi oppa?" Biglang bumilis ang tibok ng puso ko dahil iisa lang naman ang tumatawag sakin ng Oppa, Si Leonni?
Nag reply agad ako.

"Leonni? Ikaw ba to?" Nakita kung tumatawag na siya, sinagot ko agad.

"Hello Oppa. Oo ako to? At bakit Leonni lang ang tawag mo sakin? Hindi mo na ba ako mahal?" Ang bilis pa rin ng tibok ng puso ko, hindi ko alam ang sasabihin ko.

"Ja-jagiya? Ikaw ba talaga to? Asan ka? Pu-puntahan kita?" Hindi ko alam pero napaluha ako, parang bumabalik lahat ng pagmamahal ko sakanya.

"Ja-jagiya? Ikaw ba talaga to? Asan ka? Pu-puntahan kita?" Hindi ko alam pero napaluha ako, parang bumabalik lahat ng pagmamahal ko sakanya

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Ito nasa Airport. Hinihintay kita kaso hindi ka dumarating, na miss kita Oppa! Dalian mo baka umalis ulit si Channe at isama ako." Bumangon na ako at kinuha ang susi. Akala ko nung una ay hindi na siya babalik pero ito, ito na ang tamang Panahon para samin.

My Spy GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon