Being his fiance

829 13 0
                                    

Diri POV.
Ang hirap maging Fiance ng sikat na artista dito, Ang daming komokontra merun ding hindi. Nandito ako ngaun sa shooting, kinuha ako ulit ni Direk dahil magaling daw ako umakting tulad nung dati kung ginawa.

Kinuha niya ako as a Model in magazine, wala pa daw kasing Movie na naiisip niya eh. Busy din si Oppa sa bago niyang Movie kasama yung yaesi na yun.

Mabait naman si Yaesi sakin at kilala na nila ako dito as a Fiance of Hyuk. Malapit na rin ang kasal namin ni Hyuk at kinakabahan ako sa pwdeng mangyari.

Nakita kung pumasok bigla si Channe dito. "Nandito ba si Mina?" Hindi ko alam kung anong sasabihin ko kaya nagalit siya sakin. Hindi ko rin alam kung anong nangyayari kay Mina this past few weeks.

Lagi nalang siyang may kasamang lalaki, nagagalit nga ako pag nakikita ko yun eh. Gusto ko siyang sampalin pero hindi ko magawa. Lumabas na si Channe at naiwan ako dito na nakatulala.

Nakita kung pumasok na rin si Mina kasabay yung palagi niyang kasama. May nakikita akong lungkot sa mata niya pero hindi ko alam kung bakit, nilapitan ko siya at huminto sa harap niya.

"Bakit?" Bumalik na naman ang dati niyang ugali na masama. Gusto ko siyang tanungin tungkol sa kanila ni Channe.

"Pwde ba kitang makausap?" Hindi siya tumingin sakin at nilagpasan ako.

"Wala akong oras maki pag usap sa mga Loser!" Nagulat ako sa sinabi niya, gusto ko siyang sakalin dahil naiinis na talaga ako.

"Ah talaga! Congrats ha? Sana masaya kana sa panglolokong ginawa mo sa Bestfriend ko." Nagpatuloy na siya sa paglalakad at ako naman ay bumalik na sa upuan ko.

Bakit ba kasi ako umaasa na magbabago yang bruha na yan. Sana makahanap ng ibang mamahalin si Channe. Naawa kasi ako sakanya at sana mapatawad niya ako.

Biglang nag vibrate ang phone ko at tiningnan ko kung sino ang nag txt.

From: Oppa ❤️❤️
Hi jagiya. Sorry ha kung wala ako ngaun sa tabi mo? Kasi naman busy na ako sa pilikula ko. Wag kang lalapit sa ibang lalaki ha? Baka mapatay ko eh. Sige bye ingat ka palagi jagiya. Uuwi rin ako ❤️

Napangiti tuloy ako at nakalimutan ang nangyari kanina. Ang laki talaga ng topak ng Fiance ko eh no? Dudumihan pa talaga ang kamay niya para lang sakin.

Natapos na kami at naisipan kung umuwi na ng bahay. Nakakapagod kasi ang buhay ng isang Model. Lahat ng pose nagawa ko na, buti nalang at ma'y inspirasyon ako.

Kinabukasan ay naisipan kung mag Jogging muna sa Village namin. Nag hilamos muna ako bago ako lumabas ng bahay at nag disguised na ako.

Naisipan kung pumunta nalang sa inuupahan na bahay ni Channe at pumara ako ng Taxi. Hindi nag tagal ay dumating na ako at bumaba na. Kumatok ako at agad naman niya itong binuksan.

"H-hi C-Channe." Nauutal ko pang sabi kasi naman natatakot ako sa aura niya ngaun na magkasalubong ang dalawa niyang kilay.

"Anong ginagawa mo dito?" Seryoso niyang sabi at ako naman ay nilalaro ko na ang mga daliri ko.

"A-eh, binibisita ko lang ang matalik kung kaibigan." Sabay ngiti sakanya ng malapad alam kung hindi niya ako matatanggihan pag ngumiti ako ng ganito.

"Sige pasok ka." Sabi ko na nga eh. He can't resist my precious smile.

"Thank you." Pumasok na ako at umupo sa sofa. Naka barot lang siya ngaun at kitang kita ang mga malalaki niyang Muscle. Mas nainitan tuloy ako.

"Mainit ba?" Lagot nahalata niya, aissh! Bakit ba kasi siya naka barot lang.

"Hindi ah! Mag T-shirt ka Nga Channe." Umiwas ako ng tingin sakanya, napangiti tuloy siya sa sinabi ko at pumunta sa Kwarto niya.

Tiningnan ko ang paligid at sakto lang ito sa iisang tao. Hindi nag tagal ay bumalik na siya at naka t-shirt na sa wakas.

"Bakit ka ba kasi nandito?" Umupo siya sa tapat ko at tiningnan ako ng Seryoso.

"Sorry talaga sa inasta ko kahapon, hindi ko kasi alam ang sasabihin ko kasi naman si Mina eh, parati nalang niya kasama ang lalaking yun." Nakita ko ang lungkot sa mata niya at yumuko siya. Lagot baka nagagalit na ito.

"Oo nga eh. Ang tanga ko para hindi malaman yun. Haha! O-okay lang, yun naman ang gusto niya eh kaya pinapalaya ko na siya kahit masakit tulad ng paglaya ko sayo." Nagulat ako sa sinabi niya at napayuko na rin tuloy.

"W-wag mo nga akong idamay jan Channe." Nakakahiya kasi binabalik pa niya ang nakaraan. Aissh! Na awkward tuloy ako.

"Joke lang. Affected naman siya, nakalimutan ko na kaya yun." Sabay tingin sakin at ngumiti siya sakin.

"Gusto mo bang lumabas? Wala kasi akong magawa sa bahay ng Fiance ko, wala akong kasama. Ano?" Nag isip isip muna siya bago sumagot.

"Oh sige. Pero yan na ba isusuot mo?" Napatingin ako sa sout ko at oo nga pala naka jogging attire lang pala ako.

"Ah eh. Mgbibihis lang muna ako. Babalik ako dito promise." Sabay promise sign sakanya. Napangiti tuloy siya sa ginawa ko.

"Silly Kid! Wag na, ako nalang ang pupunta sayo. Hintayin mo ako sa Bahay mo ah?" Tumango nalang ako at ng paalam na sakanya. Kailangan kung maligo kasi amoy pawis na ako.

Hindi nag tagal ay nakarating na ako sa bahay at agad akong naligo. Nag bihis lang ako ng Formal at nag shades na rin. Narinig kung may nag doorbell na.

Bumaba na ako at binuksan ito. Naka jeans lang siya at naka T-shirts. Ang simple lang niya manamit. "Ang ganda mo ngaun ah?" Tiningnan niya ako mula paa hanggang ulo, kinilig tuloy ako sa sinabi niya.

"Haha! Salamat, ikaw rin." Pumasok na kami sa loob at umupo siya sa Sofa. Kinuha ko naman ang bag ko at bumaba na.

"Let's go." Tumayo na siya at lumapit sakin.

"Okay." Sambit ko naman. Lumabas na kami sa bahay at naglakad lang. Pariho kasi kaming walang kotse kaya ito naglalakad lang kami.

Update for today!!!
Ouch! Tanggap na ni Channe na wala na sila ni Mina, ano ba kasi ang rason ni Mina kung bakit bigla nalang siya nang iwan sa Ere? Ano sa tingin niyo? Free to Comment and vote

-AlienaV ❤️❤️

My Spy GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon