Hyuk POV.
Nandito ako ngaun sa Restaurant at kasama ko si Yaesi. Tinutulungan niya lang ako kung ano ang mga gusto ng mga babae sa tuwing ikakasal na sila. Alam kung alam niya kung ano dahil nakakatanda siya sakin.Nung matapos na kami mag usap ay agad akong umuwi sa bahay pero nagtataka ako kung bakit wala si Leonni dito. Tinatawagan ko siya pero hindi niya sinasagot. Nag aalala ako baka may nangyari na naman sakanya ulit.
Hindi ako sumuko sa kakatawag sakanya hanggang sa sinagot na niya ito.
"Hello ano!?" Nagulat ako dahil bigla siyang sumigaw sa kabilang linya.
"Bakit ngaun mo pa lang to sinagot? Aissh! Ano bang ginagawa mo? Nasan kaba?" Hindi ko alam kung anong dahilan bakit galit sakin si Jagiya ko.
"Ano bang paki mo ha?! Dun ka sa babae mo! Putcha!" Pinatay na niya ang tawag at napa upo ako sa sofa.
"Ano bang problima ng babaing yun? Red days ba niya ngaun kaya siya nagkakaganon?" Hindi ako mapakali kung ano ba dapat ang gagawin ko.
Naisipan kung i'track ang phone niya. Nakita kung nasa Line friends store siya. Umalis na ako sa bahay at agad na nagpunta sa LFS. Nagulat ako sa nakita ko, may kasama siyang lalaki at sino naman tong ugok na to!
"Gago ka!?" Sinuntok ko agad ang lalaki at natumba naman ito.
"Ano bang problima mo bro?" Nagulat ako sa nakita ko dahil hindi saakin lumapit si Leonni kundi sa lalaking to.
"Pasinsya na chen. Halika umuwi ka muna." Tinulungan niya itong makatayo at lumabas na sila sa LFS. Sinundan ko lang sila hanggang sa tumawag na si Leonni ng taxi.
Sumakay na siya at nakita kung nag wink ang lalaking yun sa Jagiya ko, bigla tuloy nainis. Lalakad na sana siya palayo pero hinawakan ko ang kamay niya.
"Jagiya?! Sino yun ha?" Lumingon siya saakin at sinampal ako.
"Ang lakas din ng loob mong itanong sakin yan no? Bakit ako tinanong ko ba sa iyo kung sino ang kasama mo kanina? Diba hindi!? Kaya bitawan mo ako!" Hindi ko hinayaang makawala siya sakin, lumapit ako sakanya ng sobra.
"Ano kaba Jagiya! Kung ano man ang nakita mo kanina ay wala yun. Nag uusap lang kami tungkol sa,?" Hindi ko dapat pwdeng sabihin kay Leonni ang proposal ko.
"Oh ano? Wala kang masabi? Pwde ba hayaan mo muna akong umalis ng sa ganon ay makapag isip ako kung dapat pa ba natin ituloy to." Bigla akong nawalan ng lakas dahil sa mga Narinig ko, seryoso ba siya? Hinayaan ko lang siya lumayo.
Ang sakit ng pakiramdam ko dahil sa mga Narinig ko. Hindi ko pwdeng isuko si Leonni ng dahil lang sa nakita niya. Tatawagan ko si Channe tungkol dito.
Calling Channe...
"Hello hyuk ano yun?" Hindi na ako nag dalawang isip na sabihin sakanya ang kailangan ko."Channe tulungan mo ako. Nag away kasi kami ngaun ni Jagiya at ngaun ko sana siya susuprisahin tungkol sa Proposal ko." Narinig kung tumawa siya, loko tong lalaking to ah? Porkit nagka lovelife, ganyan na siya? Aissh!
"Sure! Kami na ang bahala ni baby kaya chillax ka lang jan okay? Papapuntahin namin siya sa location na binigay mo." Hindi ko Alam kailan pa naging jejemon tong officer nato?
"Thank you. Maghihintay ako." Pinatay ko na ang tawag at tinawagan lahat ng kailangan ko mamaya.
Dapat maging successful to kung hindi Double dead ako sa jagiya ko. Lahat ng kakilala ko invited pati si direct. Kanina pa kami nandito, kulang nalang yung Fiance ko.
Nakita kung lumapit agad sakin si Channe at bumulong. "There she is." Bigla tuloy akong kinabahan sa pwdeng mangyari. Lumapit siya saakin at ang sama ng tingin niya.
"Oh ano na naman to?" Hindi ko alam pero kinakabahan ako.
"Ah eh. Ja-jagiya? Ito kasi ang rason kung bakit ako naging busy these past few days, pinaplanohan ko kasing i official ang engagement natin." Bigla siyang napa nga'nga sa sinabi ko at tumingin sa sahig.
"Talaga? Sorry kung nag away tayo kanina ikaw kasi akala ko nangangaliwa kana." Hinahampas hampas niya ako sa dibdib pero hindi naman ganon kalakas.
"Okay lang ang importanti okay na tayo ngaun? Basta wag ka na makikipag usap sa Chen na yun ha?" Ngumiti siya at lumapit saakin.
"Bakit nagseselos kaba?" Nakangisi niyang tanong sakin at ako naman ay napatango nalang, syempre nagseselos talaga ako no?
"Oo kaya wag kana maki-pag usap sakanya okay?" Tumingin siya sakin at hinawakan ang kamay ko.
"Wag kang mag alala Oppa, kahit marami akong kausap na lalaki. Ang lagi mong dapat tandaan ay ikaw ang mahal ko. Si Xiong nga Hindi ko pinansin." Narinig kung sumigaw si Mina at napalingon kami.
"Hey diri! Salamat at hindi mo pinansin tong si Baby ko kundi wala kami ngaun kaya thanks!" Nakangisi niyang sabi at hinalikan sa Pisngi si Xiong.
Hinawakan ko ang kamay niya at pumunta sa Gitna, pinatug-tug nila ang Themesong namin.
"Ikaw at ako- Tj Monterde"
"Jagiya hindi ko na to patatagalin pa," lumuhod ako at nilabas ang maliit na box. "Will you marry me?" Tinapik niya ang balikat ko.
"A-ano kaba Oppa? Sinagot na kita jan hindi ba?" Kitang kita sa mata niya ang kilig na kanina pa niya pinipigilan.
"Sagutin mo nalang kasi ako ulit? Maganda kasi sa Tainga eh, Please?" Naka puppy kung sagot, sagutin na niya kasi ulit para official na kami.
"Yes! I will marry you Kim Min Hyuk!" Pa kilig niyang sabi at pinasuot sakanya ang Weeding ring na binili namin ni Mina. Niyakap ko siya ng Mahigpit at bumulong. "Saranghe jagiya."
Narinig ko ang mga hiyawan sa paligid at lumapit sila samin, lahat sila sinasabing "Congrats". Nag party na kami at kami naman ni Jagiya ko ay umupo muna kasi kanina pa kami nakatayo.
"So jagiya? Kailan ang kasal?" Nakangisi kung tanong kasi naman excited na ako.
"Ikaw ba kailan ang gusto mo Oppa?" Hinawakan ko ang kamay niya at hinalikan ito.
"Pwde bukas?" Nagulat siya at hinampas ako sa Braso.
"Ang bilis naman?" Tumingin siya sa paligid at tumingin ulit sakin.
"How about after 10 yrs?" Akala ko nahulog na yung baba ko sa sinabi niya.
"Are you joking? No! It's not that I'm pressuring you but I'm very sure with my feelings for you." Nakita kung namula siya sa sinabi ko at niyakap niya ako.
"Oh sige. After 2 months okay?" Okay na din yun kaysa 10 yrs. ngumiti lang din ako at niyakap siya pabalik.
Update for today!!!
Okay Engaged na sila sana naman wala ng Problima hindi ba? para may Happy ending na? Hahaha! Okay.-AlienaV ❤️❤️
BINABASA MO ANG
My Spy Girl
ActionMay isang babae na isang sundalo at binigyan siya ng mission at dapat ma accomplish niya yun kung hindi mawawalan siya ng trabaho at ang pangako niya sa tatay niya.