Channe POV.
Ilang buwan na simula nung pumunta kami dito ni Officer Leonni sa South Korea. Habang tumatagal mas lalong lumalalim ang Nararamdaman ko kay officer Leonni.Hindi ko masabi sakanya dahil nauunahan ako ng takot at kaba na baka pag tawanan lang niya ako pag sinabi ko sakanya. Nandito ako ngaun sa Hotel.
Wala akong magawa dito kundi mahiga lang at matulog. Naisipan kung puntahan nalang si Leonni sa bahay ni hyuk kasi Free time niya ngaun.
Naligo na ako at nag bihis. Bumaba na ako sa Hotel at sumakay na sa Kotse ko. Hindi naman ako pinag bawalan ni executive director jun men. May rason naman ako kung bakit at para yun kay officer Leonni.
Dumaan muna ako sa flowershop at bumili ng White roses. Gusto niya kasi ang maputing bulaklak simula nung bata pa kami. Sumakay na ako sa kotse ko at nag patuloy sa Biyahi.
Habang na sa daan ako ay naisip kung umamin na sakanya habang hindi pa huli ang lahat. Naguguluhan ako kung gagawin ko ba o hindi. Nakarating na ako sa Village nila at huminto ako sa tapat ng Gate ni Hyuk.
Nag door bell na ako at nakita ko si Leonni na binubuksan niya. Napangiti agad ako dahil naka pajamas lang siya.
"Channe?" Nag tataka niyang tanong at may good morning star pa siya.
"May muta kapa Leonni." Nabigla siya at agad na pinunasan ang mata niya.
"Ikaw kasi ang aga mo bumisita." Ngumiti lang ulit ako dahil nag mukha siyang bata habang nag po pout.
"Hindi mo ba ako papasukin?" Nabigla siya at agad na tumabi.
"Sorry. Nakalimutan ko. Halika Channe." Pumasok na rin ako sa loob. Umupo muna ako sa sala nila at nanood ng TV.
Nag paalam muna si Leonni na mag sisilamos lang muna siya. Nakita kung gising na si Hyuk at mukhang nagulat siya nung nakita niya ako dito sa bahay niya.
"Anong ginagawa mo dito?" Tiningnan niya ang Bulaklak na dala ko at hawak hawak ko pa rin.
"Binibisita ko lang naman si Leonni." Nainis siya sa sinabi ko at agad na hinanap sa paligid si Leonni. Nakita na naming lumabas si leonni galing CR.
Lumapit siya samin at mukhang nag tataka. Tumingin siya sa Dala kong Bulaklak at agad naman akong napatayo.
"Para sayo Leonni." Inabot ko sakanya ang bulaklak at agad na inamoy ito.
"Hindi mo pa rin pala Nakakalimutan ang Paborito kung bulaklak Channe. Ngumiti siya sakin at ganon rin ako.
"Ako pa? Hindi ko talaga yun makaka limutan Leonni." Nakangisi kung sabi at tumingin ako kay hyuk na parang nagagalit na. Nagtaka ako nung lumapit siya kay Leonni at hinawakan nito ang bewang ni Leonni.
"Yan pala ang Paborito mo ja-" siniko agad siya ni Leonni sa tagiliran at mukhang nasaktan siya.
"Aray! Ano ba ja- Leonni?!" Hindi ko alam kung anong ibig sabihin ni hyuk sa Ja?.
"Wala. Gusto mo ba mag kapi nalang muna tayo?" Alok ni Leonni samin at agad naman kaming pumayag. Hindi pa kaya ako nakaka pag kapi.
Umupo na kami at si hyuk naman ay masyadong dikit kay Leonni. Nag tataka na ako sa Dalawang to at hindi maganda yun.
"Channe salamat pala sa Bulaklak." Habang hinihigop niya ang kapi niya.
"Your welcome basta para sayo." Mukhang nagulat si Leonni sa sinabi ko dahil naibuga niya ang kapi na hinihigop niya. Kinuha agad ni hyuk ang tissue at agad itong pinunas kay Leonni.
"Okay ka lang ja-Leonni?" Nagtataka na ako sa Ja? Anong merun sa dalawang to? Tumango lang naman si Leonni. Natapos na kami mag kapi at tumayo na si Leonni. Umalis muna siya dahil pupunta siya ng kwarto niya.
"Anong ibig sabihin ng Ja mo hyuk?" Hindi na ako naka pag tiis at naitanong ko na sakanya.
"Saamin nalang yun at saka hindi mo na kailangan pang bigyan si Leonni ng bulaklak dahil panigurado itatapon lang niya yan mamaya." Nainis ako sa sinabi niya dahil binastos na niya nga ako at sasantuhin pa talaga ako.
"Sa tingin ko hindi dahil na sa kwarto pa niya ang Binibigay kung Bulaklak sakanya dati." Nainis siya sa sinabi ko at napatayo agad.
"Pwis! Ako ang tatapon!" Dahil rin sa narinig ko ay napatayo na rin ako.
"At bakit? Kaano ano ano mo ba si Leonni ha?" Nakita kung bumalik na si Leonni at parang nag tataka saaming dalawa.
"Anong nangyayari dito?" Hindi ako maka sagot.
"Wala Leonni. Nag uusap lang kami ni Channe." Sagot naman ni hyuk kay Leonni. Na ikumkum ko nalang ang kamao ko dahil sa inis.
"Ah ganon ba?" Tumango lang kaming dalawa ni hyuk at lumapit ako kay Leonni.
"Let's talk in the rooftop." Umalis na agad ako at pumunta sa Rooftop nila.
Umupo ako at nakita ko namang naka sunod lang si officer Leonni sakin. Nasa tabi ko siya ngaun at naghihintay sa sasabihin ko. Hindi ko alam kung aamin ba ako o hindi.
"Le-Leonni kamusta ang mission?" Nakaramdam agad ako ng takot kaya na iba nalang ang nasabi ko sakanya.
"Ah - eh Ok-okay naman." Nag tataka ako sa sinabi ni Leonni dahil nauutal siya habang sinasabi niya yun.
"Okay ka lang?" Tumango lang siya at huminga ng malalim. Mukhang may sasabihin ata si Leonni sakin.
"May sasabihin kaba Officer Leonni?" Humarap ako sakanya at tiningnan siya ng seryoso.
"Wala naman Officer channe. Tika para san yung bulaklak?" Nakaramdam ulit ako ng kaba at mukhang ako pa ang nanginginig.
"It-it's just a gift." Hindi ko alam kung bakit yun ang nasabi ko sakanya. Tumango nalang din siya.
"Nakakain kana ba?" Umiling lang ako at tumalikod ulit sakanya. Hindi ko na kaya ang nararamdaman ko para akong sasabog sa sobrang bilis ng tibok ng puso ko.
"Uuwi nalang ako. May pupuntahan pa kasi ako Leonni." Hindi ko na siya Hinintay na maka sagot at bumaba na ako sa rooftop. Nakita kung naghihintay si hyuk sa baba.
"Tapos na ba ang usapan niyo? Pwde ka ng umuwi." Naka tingin siya sakin ng Seryoso. Hindi ko nalang din pinansin si hyuk at nilagpasan siya.
Nakalabas na ako ng bahay nila at sumakay ulit sa kotse ko. Hinampas hampas ko ang manobela dahil hindi ko nasabi kay Leonni ang sadya ko dito.
"Bakit ba kasi ako natatakot!?" Sigaw ko sa kotse ko at hinawakan ko ang dibdib ko. Ang lakas pa rin ng tibok niya naisipan ko nalang na kumain sa Braii republic kaya umalis na ako sa village nila.
Update for today!!!
Akala ko hindi matatakutin si officer channe pero matakotin pala sa pag amin eh no? San nga ulit kayo kay Channe o kay Hyuk? Free to Comment and Vote. Follow me on wattpad.
BINABASA MO ANG
My Spy Girl
ActionMay isang babae na isang sundalo at binigyan siya ng mission at dapat ma accomplish niya yun kung hindi mawawalan siya ng trabaho at ang pangako niya sa tatay niya.