Leonni POV.
Nandito ako ngaun sa Hotel kasama si Channe. Hindi kami nagsasalita dahil pinapakinggan ko ang pinagsasabi ni Hyuk sa Reporter. Hindi ako makapaniwala dahil pinagkalat niya sa lahat na kami na. Gustong gusto kung lumabas para yakapin siya pero may pumipigil sakin.Hindi nag tagal ay wala na kaming naririnig na ingay sa labas. Tiningnan ko si Channe na nakatayo sa bintana. Gusto ko siyang kausapin pero natatakot ako. Lalabas nalang ako para magpahangin.
"San ka pupunta?" Biglang nagsalita si Channe, kahit kailan talaga parang manghuhula tong Bestfriend ko.
"Ah eh? Jan lang sa tabi." Lumingon siya sakin ng nakakatakot ang mukha.
"Alam ko kung asan ka pupunta?" Hala! Grabi to! Alam niya ba talaga?
"S-sorry. Kailangan ko eh. Pasinsya kana talaga." Lumapit siya sakin tapos tiningnan niya ako sa mata.
"Okay lang Leonni. Kasalanan ko naman talaga eh. Nahuli ako sa pagtatapat sayo." Alam kung nasasaktan siya sa mga sinasabi niya ngaun pero tama lang ang ginagawa niya.
"Huwag mong sabihin yan Channe. Hindi lang talaga tayo ang nakalaan para sa isa't isa, malay mo dumating yung taong para sayo talaga oh kaya nanjan na pero ako pa rin ang nakikita mo." Niyakap niya ako bigla at tumulo na ang luha niya.
"Alam ko Leonni. Ngaun palang pinapalaya na kita. Kahit masa-masakit, gagawin ko dahil mahal kita. Sa ngaun kailangan mo munang iwan si Hyuk baka madamay pa siya dito." Tama siya. Kailangan ko munang iwan si hyuk at babalik ako. Kumalas na ako sa yakap at nginitian siya.
"Salamat Channe." Tumalikod na siya at humarap ulit sa salamin.
"Oh sige pumunta kana muna kay Hyuk, Mag paalam ka. Dalian mo baka mag iba bigla ang disisyon ko." Hindi na ako nag dalawang isip kaya umalis na ako.
Pumunta ako sa bahay ni hyuk para silipin siya. Nakita ko siyang umiinom na naman. Pinapanood ko lang siya habang binabasag niya lahat ng mahahawakan niya. Hindi ko na natiis ang sarili ko kaya nagpakita na ako sakanya.
Lumapit siya agad sakin at niyakap niya ako. "Sabi ko na nga eh? Hi-hindi mo ako iiwan." Habang niyayakap niya ako ng mahigpit.
"Oppa patawarin mo ako kung niloko kita, minahal kita sa totoo lang pero mali ang pagmamahalan natin to kaya iiwan na kita. Sana makahanap ka ng ba-bago mung mamahalin." Kakalas sana ako sa yakap niya pero mas hinigpitan niya ang yakap niya saakin.
"Kung mahal mo talaga ako? Hindi mo ako iiwan, ipaglalaban kita Leonni kahit ano man ang mangyari, kahit isa ka mang sundalo dahil mahal kita ja-jagiya." Nabigla ako dahil bigla siyang nahimatay. Naisip kung dalhin siya sa Kwarto niya kahit mabigat siya. Nag kuha ako ng pamunas sakanya.
Niyakap niya ulit ako ng mahigpit. "Jagiya wag mo akong iwan please?" Niyakap ko na rin siya sa huling pagkakataon at bumulong ako sakanya. "Hindi pwde oppa?" Hindi ko alam pero parang umiiyak siya dahil naramdaman kung nababasa ang likod ko.
Naisipan kung umalis na dahil mas mahihirapan ako kung magtatagal ako dito. Nilinis ko muna ang boung bahay para pag gising niya hindi siya mapapagod. Gumawa ako ng letter at dinikit ko sa freezer.
Sana mabasa niya yung sinulat ko. Papunta kami ngaun ni Channe sa bundok, ito lang kasi ang way para makalabas kami agad ng South Korea. May susundo samin dito na Chopper.
May nakita kaming isang malaking kwiba. Naisipan naming pumasok dun para makatago dahil ang balita namin ay ipapatay kami ni jun men. Dapat maging alerto kami sa lahat ng Oras.
Hindi nagtagal ay lumabas muna si Channe para makahanap ng makakain. Naiwan ako ditong mag isa, naalala ko pala ang binigay sakin ni Hyuk na Kwintas. Kinuha ko ito at tiningnan, ang ganda talaga mukhang mamahalin.
Naramdaman kung may taong papasok sa kwiba, kumuha ako ng Baril if sakali mang kalaban. Nagkamali ako nung nakita ko siya, tutok na tutok sakanya ang baril.
"Oppa? Bakit ka nandito?" Lumapit siya agad sakin at niyakap.
"Jagiya? Hindi ko kayang iwan mo ko. Please? Sasama ako sayo?" Tiningnan ko siya at ngumiti ako.
"Oppa? Pano ka nakapunta dito?" Iniba ko nalang ang topic dahil hindi talaga pwde na sumama siya sakin.
"Syempre na track kita. Oh bakit mo tinangal ang kwintas?" Kinuha niya sakin to at sinuot.
"Oppa, sorry?" Tumingin siya sakin at ngumiti.
"Shhhh, Wag mong sabihin yan okay? Basta wag mo akong iiwan?" Ngumiti lang ako sakanya at pinahiga siya sa paa ko.
"Matulog ka nalang muna okay? Halatang hindi ka nakatulog ng maayos kagabi." Tumango lang siya at sinimulan ng matulog.
Pasinsya kana oppa pero kailangan kitang iwan dahil kung isasama kita? Hindi ka nila papayagang maka uwi. Sorry talaga. Nakita kung pumasok na si Channe at nakita niya si Hyuk.
"Grabi talaga yang mokong na yan! Hinabol ka talaga dito pero pasinsya kana Leonni, alamong hindi pwde. Kailangan nating tapusin muna tong mission na to." Tumango lang ako at kumuha ng pagkain na dala niya.
"San mo to nakuha Channe?" Ngumiti lang siya sakin tapos tinuro kung san.
"Jan lang. Naki pag away nga muna ako bago ko to makuha." Grabi! Naki pag away muna siya? Kanino naman? Sa mga unggoy ba?
"Buti nanalo ka?" Tawang tawa lang ako dahil sa imagination ko palang. Nakakatawa na.
"Buti nga nanalo ako kaysa naman sa siya ang manalo." Alam kung galing yun sa puso niya, grabi siya makahugot.
"Hugot lang?" Ngumiti ako ng pilit sakanya para hindi awkward.
"Hahaha. Kainin mo na yan aalis na tayo dito dahil darating na ang sundo natin." Tumingin muna ako kay hyuk ng matagal at hinaplos ang mukha niya.
"Mamimiss ko tong oppa ko." Ngumiti ako at hinalikan ang noo niya. Hindi ko mapigilang maiyak.
"Huwag kang umiyak Leonni kaya nga kita pinalaya hindi ba? Wag kang mag alala, pagkatapos nating magpanggap na namatay tayo saka tayo babalik dito at dito na tayo titira." Pinunasan ko agad ang luha ko at binaba ang ulo ni Hyuk sa sahig.
"Babalik ako oppa, promise ko yan sayo. Mahal na mahal kita, sakin muna tong Kwintas na bigay mo ha?" Lumapit ako ulit sakanya at hinalikan siya sa noo niya.
Hinawakan ni channe ang balikat ko at ngumiti. "Tara na? Nanjan na yung Sundo natin." Tumango lang ako at lumabas na. Hindi ko mapigilang umiyak dahil iiwan ko ang kaligayahan ko. Hindi ko alam kailan ako makakabalik baka nga hindi na.
Dumating na kami sa Location kung san hihinto ang Chopper. Sumakay na kami at tumingin muna ako sa paligid. "Akala ko aalis ako dito na successful pero hindi pala." Narinig kung nagsalita si Channe. "Babalik tayo dito Leonni, magtiwala ka lang sakin okay?" Ngumiti ako sakanya at niyakap. Kailangan ko to ngaun dahil siya lang ang pwde kung sandalan sa mga problima ko.
Update for today!!!
Ouch! Iniwan ba talaga for sure ni Leonni si hyuk? Kawawa naman si hyuk kung ganon. Ano sa tingin niyo guys mahihintay ba ni hyuk si Leonni ng matagal? Free to comment and vote. Follow me on wattpad.-just call me "AlienaV"
BINABASA MO ANG
My Spy Girl
ActionMay isang babae na isang sundalo at binigyan siya ng mission at dapat ma accomplish niya yun kung hindi mawawalan siya ng trabaho at ang pangako niya sa tatay niya.