Recover

1.5K 30 0
                                    

Leonni POV.
Nagtataka ako kung bakit nandito kanina si Hyuk? Buti nalang at nagising ako kundi baka may binabalak yung Mokong na yun. Hindi pa rin ako maka tulog sa sakit ng nararamdaman ko.

Ang sakit pa rin ng Likod ko bwisit ang mga mokong na yun! Tamaan ba naman ako sa Likod ng maka dalawang bisis. Syempre babae rin ako. Kukunin ko sana ang Cellphone ko pero wala.

Bwisit asan nila yun nilagay. Ayaw kung bumili ng Bagong Cellphone. Aissh! Pinikit ko nalang ang mata ko ng sa ganon maka tulog ako.

Napaniginipan ko na naman nung naka sakay ako sa likod ni appa. Yun yung gusto kung balik balikan At yung bilin niya sakin.

Flashback ......
"Anak anong gusto mong maging?" Tanong sakin ni tatay nung bata pa ako.

"Syempre tay gusto ko maging katulad niyo na isang Sundalo." Ang saya ko nun dahil kasama ko pa si tatay.

"Wow. Kaya mo ba? Mahirap maging sundalo anak pero kung gusto mo talaga. Eh di susuportahan kita jan." Nag high five pa kami nun at nagpatuloy na maglakad.

Ngunit nawala ang tatay ko dahil sa sakit niya. Lalong tumatagal mas lalong lumala, May lung Cancer kasi siya at stage 4 na.

End of flashback.....

Nagising ako bigla nung naramdaman kung may pumasok na Nurse at Chenick up ako. Umaga na pala. Nalungkot ako bigla nung naalala ko ang panaginip ko. Namimiss ko na ang tatay ko.

Hindi na masyadong masakit ang likod ko hindi tulad ng Dati. Na ang sakit sakit parang may nakalagay na malaking bato. Umalis na yung nurse at nakita kung pumasok si Hyuk.

Buti pa siya bugbog lang pero ako Baseball bat. Walang patawad lang man yung sakin. Kung makikita ko ulit yung bwisit na mga taong yun. Bugbog din sila sakin.

"Okay ka na ba?" Wow may gana pa siyang ngumiti ha? Nang iinis ba to?

"Okay na ako boss" umupo ako ng sa ganon Komportabli ako.

"Okay ka na pala kaya umuwi na tayo." Ang aga naman mas gusto ko dito.

"Oh sige. Magbibihis muna ako." Naalala ko palang hindi ko bahay to.

"Wag ka na magbihis. Soutin mo nalang yung suot mo kahapon." Seryoso ba siya? Nagamit ko na yun eh.

"Sige." Hindi na ako umangal baka mas lalong lumala ang nararamdaman ko.

Tatayo na sana ako nung malapit na akong matumba. Buti nalang at nasalo ako ni Hyuk.

"Sabi mo okay ka?" Kitang kita sa mata niya na nag aalala siya.

"Yun nga rin akala ko eh." Binalik na niya ako sa kama at pinahiga.

"Dito mo na tayo hanggang sa Gumaling ka Leonni." Sumang ayon na rin ako syempre.

"Salamat." Ngumiti siya sakin at ngumiti rin ako pabalik sa kanya.

"Oh sige May pupuntahan pa ako may Shooting pa ako." Aalis na sana siya pero nagsalita ako.

"Pasinsia kana kung hindi ako makakasama." Ngumiti lang din siya at nag sign ng Okay lang. Mabait pala tong boss ko paminsan minsan.

Tumingin ako sa paligid at nakita ko si Mr. Lee na papasok. Nagulat ako nung may kasama siyang babae. "Sino kaya yan?" Bulong ko.

"Officer Leonni okay napo ba kayo?" Tumango lang ako at tumingin sa kasama niya.

"Oh asawa't anak ko yan Officer Leonni." Lumapit sakin yung batang babae at ang taba niya.

"Hi officer Leonni." Mas lalo akong na cute tan nung ngumiti na siya mas lumaki ang Pisngi niya.

"Hello baby." Nabigla ako dahil bigla siyang nalungkot.

"Unnie hindi napo ako Baby." Natawa ako nung nag pout siya.

"Sorry na Po officer Leonni sadyang makulit lang yang anak ko." Sabi naman nung babae asawa niya ata.

"Okay lang po. Tika asan ulit si Officer channe?" Hindi kasi nila kasama.

"Ah pinatawag Ng Executive director niyo officer Leonni." Kinabahan ako nung narinig ko ang Executive director.

"Ngaun po ba siya pinatawag?" Tumango lang sila at kinabahan ako dahil hindi ko pa natatapos ang mission ko at malapit na akong mag tagal dito sa South Korea.

"Gusto niyo po bang kumain? May dala po ako dito." Tumango lang din ako at inilahad niya sakin ang Baon na ang daming pagkain.

"Ang sarap po Mrs Lee." Tumawa lang din siya sakin.

"Parihas kayo ng sinabi ni officer channe." Nagtaka ako kung bakit niya kilala si Officer channe.

"Kilala niyo si Officer channe?" Nagtataka kung tanong pero tumawa lang din siya ulit. Nasisiraan naba tong asawa niya?

"Oo officer Leonni sa katunayan nga pumunta pa ng bahay namin kahapon." Kahapon diba magkasama kami. Naubos ko na ang pagkain at sa totoo lang wala ng natira.

"Sorry po. Gutom lang talaga." Tumawa lang naman ulit sakin ang asawa niya.

"Okay lang officer Leonni para sayo talaga yan." Tinapik siya ni Mr. Lee sa likod parang nahalata na niya yung nararamdaman ko.

"Oh sige Officer Leonni uuwi na po kami. Magpaka galing ka jan ng sa ganon maka uwi ka na." Hinawakan na niya sa Braso si Cuty at ang asawa niya.

"Tika lang. Anong pangalan niya?" Tinuro ko sakanya si Cuty at parang ngumiti ng malapad si Cuty.

"Unnie ako po si Rinsi." Inabot niya sakin ang kamay niya pero niyakap ko lang agad siya ng gigigil ako eh.

"Unni hindi ako maka hinga." Natauhan ako nung mahigpit pala talaga ang pagkayakap ko sakanya.

"Sorry Rinsi. Hindi ko sinasadya."

"Okay lang unnie. Sige po bye unnie." Nag wave na sila sakin tapos umalis na sila sa kwarto. Mag isa nalang ako sa kwartong to tapos hindi pa ako maka tayo.

Bakit ba kasi nila ako Kinidnapped. Hindi naman ako Girlfriend ni kim min hyuk at saka hindi ko pina ngarap yun! Aissh! Kasalanan niya to eh! Nawala pa ang Cellphone.

Bumangon ako sa kama kasi hindi ako sanay na nakahiga lang parati. Sumilip ako sa Bintana at nabigla ako nung may nakita akong Pamilyar na Kotse. "Kay Officer channe yan ah?" Bulong ko.

Habang sumisilip ako ay may naramdaman akong pumasok ulit sa Kwarto ko. Lumingon ako at nakita ko si Officer channe na may dalang mga Fruits.

"Hello office Leonni." Inilapag niya sa table ang mga prutas na dala niya.

"Hello officer channe. Sayo ba yung kotse na nasa labas?" Tinuro ko sakanya ang naka parada sa labas.

"Ah oo. Ni request ko yan kay executive director." Kinabahan ulit ako nung narinig ko ang pangalan ni Executive director.

"O-ah g-ganon ba? A-ano sabi niya officer channe." Halatang kinakabahan ako dahil aissh! Hindi ko alam.

"Malapit na siyang mainis Officer Leonni dahil ang tagal mo na dito pero wala pa ring nangyayari." Natakot ako ng sinasabi niya yun dahil napaka seryoso niya.

"I'm sorry officer channe" yan nalang nasabi ko dahil sa kaba ko. Nilalaro ko na naman ang mga daliri ko.

Update for today!!!
Sorry talaga dahil ngaun pa naka pag Update. Enjoy po malapit napo yung Kilig Factor. Kunting tiis lang.

Follow niyo po ako :)

My Spy GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon