Mina POV
Pagkatapos mag Proposed ni Hyuk kay Diri ay kumalat na sa bansa, hindi siya kinikilalang Leonni kasi nag iba na siya ng Pangalan pagkatapos ng trahedyang yun.Ang swerti ko kay Xiong dahil siya ang binigay sakin ng May kapal at nagpapasalamat ako dun. Secret relationship lang kami kaya wala pang nakaka-alam maliban sa dalawang yun.
Nandito ako sa Pinagta-trabahuan ni Xiong, hinihintay ko siyang matapos sa trabaho niya para maka pasyal kami. Namiss ko na kasi tong baby ko eh, Lumapit saakin si baby at inabutan ako ng Coffee.
"Konting tiis pa baby, matatapos na rin to. Sorry talaga." Hinawakan niya ang kamay ko at ngumiti ako sakanya.
"Its okay, nag e'enjoy naman akong panoorin ka eh. Go back to work. Okay lang ako dito baby." Kayang kaya ko maghintay kahit matagal tulad ng paghihintay ko sakanya nung umalis sila dito.
Lumakad na papalayo si Baby at bumalik sa trabaho niya, Ininom ko na rin ang kape na binigay niya sakin. Naramdaman kong nag vibrate ang phone ko at nag txt si dad.
From: Dad
Princess come to my Office now?Kinabahan ako bigla dahil kilalang kilala ko si Dad at pag nagagalit siya sakin ay hindi siya nagsasabi ng "i love you Princess." Tumingin ako kay Baby at mukhang tapos na siya.
"I'm done. Im sorry again baby." Umupo siya sa tabi ko at inakbayan ako. "Is there's something wrong?" Dagdag pa niya, Nakita niya ata na wala ako sa sarili ko dahil kay dad, "Ano kaya problima ni Dad?" Bulong ko.
"Ha? May sinasabi ka baby?" Umiling lang ako at ngumiti sakanya.
"Wala. Hali kana? May pupuntahan pa tayo?" Ngumiti siya sakin at hinalikan ako sa Pisngi.
Tumayo na kami at lumabas, Nag Commute lang kami dahil ayaw sumakay ni Baby sa kotse namin. Habang naglalakad kami ay hinawakan ni Baby ang kanang kamay ko.
"Baby, swerti nila Hyuk no?" Tumingin ako sakanya at pinisil ang pisngi niya.
"Oo nga eh, pero syempre mas Swerte ako sakanya no? Eh kasi naman minahal ako ng taong mahal ko." Ramdam ko na kinilig siya at yumuko.
"Haha! Ka-kaya Salamat dahil naghintay ka sakin? Kahit na hindi kita minahal in the First place." Nag pout naman ako at tumigil sa paglalakad.
"Its okay. Worth it naman ang paghihintay ko Baby. Halika na? Dalian na natin ang paglalakad?" Hinawakan ko muli ang kamay niya at hinila siya.
Naglalakad kami hanggang sa makarating na kami sa pupuntahan namin. Pumasok kami sa Restaurant at ng order ng makakain. Umupo lang ako at hinintay siyang makarating.
May nakita akong Tumitingin sakin at nung nahuli ko siya ay umiwas siya ng tingin. "Fans ko rin ba yun? Aissh! Nahalata niya ba ako?" Nakita kung pabalik na si Baby kaya kinalimutan ko nalang ang nakita ko.
"Baby sino tinitingnan mo? Sinisilip kasi kita pero sa ibang diriksyon ka nakatingin?" Nagulat ako sa sinabi niya.
"Ha? A-ano kaba? Wala no? Kain na tayo gutom na kasi ako baby." Sabay hipo sa tiyan ko at nag pout sakanya.
"Oh ito." Nilapag na niya ang pagkain at umupo siya sa tapat ko.
Kumain na kami at hindi pa rin ako mapakali sa nakita ko, parati ko nalang siyang nakikita kahit nasan ako. Hindi ko namamalayan na kinakaway na pala ni Baby ang kaliwang braso niya.
"Baby kanina pa ako nag sasalita dito pero hindi ka nakikinig." Nakalimutan kung nasa harap ko pala si Xiong.
"Ah eh w-wala. May iniisip lang ako tungkol sa New project ko." Ngumiti ako ng pilit sakanya para hindi na siya mag alala sakin.
Tinapos ko nalang ang pagkain ko at tumingin sa Window. Nakita ko ulit siya at natatakot na ako. "Sino kaba? Bakit palagi nalang kita nakikita?" Bulong ko sa isip ko.
Binalik ko nalang ang tingin ko kay xiong na ngaun ay patapos ng kumain. Ang gwapo niya talaga kahit hindi ngumingiti. Mas gwapo siya syempre kaysa kay hyuk. Patapos na siya at pinunasan ang bibig niya ng Tissue.
"Busog kana ba sa kakatitig sakin baby?" Napangiti tuloy ako sa sinabi niya.
"Oo eh, bakit ba kasi ang gwapo ng lalaking nasa harap ko?" Napangiti rin siya sa sinabi ko at hinawakan ang kamay ko.
"Maganda rin kaya ang nasa harap ko ngaun." Hinalikan niya ang kamay ko ng dahilan ng pamumula ko.
"Nilalanggam na tayo dito baby." Sabay kaming napatawa at mukhang lahat ng tao ay napatingin samin.
Nakalimutan namin na may mga kasama kaming tao dito sa resto. Iba talaga pag in love ka, hindi mo namamalayan na may tao pala sa paligid mo.
Lumabas na kami sa resto at naglakad muli, nakita kung papalapit samin ang driver ko at mukhang hingal na hingal.
"Ms. Mina, Pinapatawag po kayo ng dad niyo." Naalala ko tuloy si Dad na mukhang may problima ngaun.
"Okay." Umalis na siya at sumakay na sa Kotse. Tumingin ako sa katabi ko at pilit na ngumiti.
"Oh baby, aalis muna ako ha? Alam mo na pinapatawag ako ni Dad. Sorry." Hinalikan ko siya sa Pisngi at nag wave na sakanya.
Sumakay na ako at agad namang pinaharorot ni manong ang kotse. Ngumiti lang sakin si Baby habang papalayo na kami.
Hindi nag tagal ay dumating na kami sa Bahay. Binuksan sakin ng alalay namin ang Pinto at bumaba na ako. Pumasok na ako sa loob at nag tungo sa Office ni Dad.
Pumasok na ako sa Office ni dad at nakita siyang nakatalikod mula saakin. Naka upo siya sa swivel chair niya. "Set princess!" Sambit naman ni dad na may halong galit ang tono.
"What is the problem dad?" Umupo na ako sa harap ng table niya at pinaikot niya ang upuan niya.
"Ano yung nababalitaan ko na may Boyfriend ka na?!" This time nagulat ako dahil sumigaw na siya at napatayo sa kinakaupan niya.
"D-dad, I'm sorry." Nauutal kung sabi dahil takot ako pag nagagalit si Dad.
"Kailan mo pa to tinatago mina!?" Sumisigaw na siya ng mas malakas at ako naman ay umiiyak na na parang bata.
"D-dad I-I'm sorry." Yan nalang nasabi ko dahil takot na talaga ako. Lumapit siya sakin at ako naman ay nakayuko lang habang umiiyak.
"I will accept your apology if the two of you will break up."Napatingin agad ako sa kanya at hinawakan ang braso niya.
"D-dad no, I don't want please don't do this to me." Patuloy pa rin ang pag agos ng Luha ko dahil hindi ko kaya na mahiwalay sakanya.
Update for today!!!
Sa tingin niyo guys? Papayag ba ang dad ni Mina makipag shota sa Driver? Free to comment and vote.-AlienaV
BINABASA MO ANG
My Spy Girl
ActionMay isang babae na isang sundalo at binigyan siya ng mission at dapat ma accomplish niya yun kung hindi mawawalan siya ng trabaho at ang pangako niya sa tatay niya.