Channe POV.
Galing ako sa bahay ni mina. Masaya pala siya kasama dahil sa kakahabol niya sakin. Hindi ko naman alam na may hika pala siya kaya nung nahulog sakanya ay nag alala talaga ako sakanya.Nandito ako ngaun sa kotse ko at papunta na ako kay officer Leonni dahil gusto ko siyang kamustahin. Naiisip ko kung ano na nangyayari sa Mission ni Officer Leonni. Nagtataka ako sa mga kinikilos niya.
Nakarating na ako sa Location nila at tamang tama ang dating ko dahil ngaun pa nila sisimulan. Umupo ako sa sulok at tinitingnan lang silang umaarti. Ramdam ko ang emosyon nila at parang totoo yun.
Nasa set sila ngaun at mag kayakap. Nasasaktan ako sa tuwing nakikita ko siyang may kayakap na iba. Para bang tinutusok ang puso ko. Hindi ko namamalayan na may tumulo pa lang luha sa gilid ng mata ko. Napansin kung palapit saakin si Officer Leonni.
Agad kung pinunasan ang luha sa mata ko at nasa harap ko na pala si Leonni."Are you okay?" Nag aalalang tanong niya. Ngumiti lang ako sakanya.
"Oo. Good job." Ngumiti lang din siya sakin tapos lumapit saamin si Hyuk at inakbayan si Leonni.
"Ja-Leonni halika na? Mag pahinga muna tayo?" Sabay abot sa kamay niya. Ngumiti lang ako ng pilit kahit masakit sa loob.
Iniwan nila ako dito at nag mumukhang tanga. Naisipan kung umalis na lang pero may pumipigil sakin. Lumapit nalang ako kay Leonni at agad siyang hinila.
"Anong nangyayari sayo Officer channe?" Pabulong niyang tanong habang hila hila ko pa rin siya.
"May sasabihin ako sayong importanti." Palabas na kami at sumakay kami sa Kotse ko.
Nag drive na ako ng mabilis hanggang sa umabot na kami sa hotel. "Officer channe Ano ba?! Nasasaktan ako?!" Binitawan ko lang siya sa loob ng room ko at agad na humarap sa Bintana.
Kinaka bahan ako kung sasabihin ko ba sakanya o hindi. Nauunahan na naman ako ng takot pero pinipigilan ko. Baka mag sisisi pa ako sa huli pag hindi ko sinabi.
"Officer Channe! Ano bang nangyayari sayo ha? Bakit mo ako pinapunta dito sa kwarto mo! Anong problima mo!" Galit na tanong sakin ni Leonni at nag dadabog siya.
"Leonni ah eh?" Nauutal kung sabi hindi ko alam kung san ko uumpisahan.
"Ano!?" Galit na galit na siya dahil hindi niya alam kung anong ginagawa niya dito!
"Mahal kita!?" Napasigaw na rin ako kaya napatahimik siya. Alam kung nagulat siya pero kailangan kung sabihin sakanya ito.
"Wag ka ngan'g magbiro ng ganyan Officer Channe. Hindi nakaka tuwa kasi kung biro lang yan uuwi na ako. Wala akong oras ngaun maki pag biro sayo." Lumapit ako sakanya at niyakap ko siya.
BINABASA MO ANG
My Spy Girl
ActionMay isang babae na isang sundalo at binigyan siya ng mission at dapat ma accomplish niya yun kung hindi mawawalan siya ng trabaho at ang pangako niya sa tatay niya.