Leonni POV.
Nakakatuwa lang tingnan tong dalawang to. Ang saya lang kasi silang tingnan lalo na sila ng Dalawa. Mabait pala si Mina, akala ko hindi, Nagkamali pala ako.Pagkatapos mag confessed ni Channe kay Mina ay naging masaya na ang paligid ko. Hindi ko alam kung bakit wala si Hyuk nung nangyari yun, busy daw kasi siya kaya hinayaan ko nalang.
Hindi ko ngaun kasama si Hyuk, ako lang ang nandito sa bahay niya. Aissh! Kailan ba yun naging busy? Siguro nangangaliwa na yun o di kaya ginawa na niya. Lagot sakin ang mokong na yun talaga pag tama ang hinala ko.
Walang magawa dito sa bahay niya, ang boring! Pano kaya siya nabubuhay dito mag isa? Aissh! Lalabas nalang muna ako dito at mamamasyal nalang ako.
Nag bihis na ako at lumabas na ng Bahay, Pumara ako ng taxi at sumakay na. Hindi nag tagal ay dumating na ako sa mall at bumaba na.
Pumunta muna ako sa mga damit at bumili ng kahit ano basta kasya sa pera ko. Naubos na kasi ang ipon ko ng umalis kami dito sa south korea. Ang nanay ko naman ay patay na. Namatay sa sakit na leukemia.
Natapos na akong mamili ng damit at kumain muna sa jyoti restaurant. Hindi nagtagal ay natapos na rin ako. Umalis na ako at balak kung puntahan si oppa sa trabaho niya.
Malapit na ako sa kinakatrabahuan niya. Bumaba na ako at papasok na sana sa studio ng makita ko siyang may kausap na babae. Ang saya nila ha? Samantala ako naiwan sa bahay niyang walang ka'tao tao.
Tumingin muna ako sa paligid baka acting lang to pero hindi. Ang sakit tingnan ang lahat ng nakikita ko. Gusto kung umalis pero hindi ako makagalaw.
Napag disisyonan kung umalis nalang sa kinatatayuan ko, wala naman akong makukuha dito eh. Hindi ko namamalayan na pumapatak na pala ang luha ko habang lumalakad ako.
Pumunta muna ako sa park at dun ako umiyak. Okay lang din sakin na tingnan nila ako, wala akong paki! Hindi ko kasi mapigilan ang mga luha ko. Bakit ganon? Ang sakit!
Habang umiiyak ako ay may umabot sakin ng Panyo, hindi ko makita ang mukha niya dahil sa silaw ng araw. Kinuha ko nalang ang panyo at agad na pinunasan ang mga luha ko.
"Salamat dito." Umupo siya sa tabi ko at tumingin sakin.
"Walang anuman. Pero tika bakit kaba umiiyak? Naagawan ka ba ng Candy?" Natawa tuloy ako sa sinabi niya. Bakit niya ba yun nasabi?
"Hindi ah. May inaalala lang." Ngumiti ako sakanya at mgumiti din siya sakin.
"Maganda ka pala pag ngumingiti kaya smile na." Hindi ko alam pero gumaan ang loob ko sakanya.
Ngumiti ulit ako sakanya at pinahid ulit ang luha ko. Basang basa na ang panyo, nakakahiya naman sa may ari. Tumayo siya at inabot niya sakin ang kamay niya.
"Halika? Mag libot muna tayo?" Inabot ko sakanya ang kamay ko at tumayo na rin.
"Isasauli ko lang tong panyo mo pag nalabhan na." Pinakita ko sakanya ang panyo niya at nilagay sa bulsa ko.
"Okay lang kahit hindi mo isauli." Ngumiti siya sakin at tumingin sa dinadaanan namin.
Habang naglalakad kami ay biglang tumunog ang phone ko. Tiningnan ko kung sino at si Hyuk pala, hindi ko sinagot dahil galit ako sakanya.
"Oh bakit ayaw mong sagutin?" Tumingin siya sakin at nagtataka.
"Wala to. Mangungutang lang ulit." Buti nalang hindi ako natawa sa sinabi ko dahil wala naman akong pera pang pautang.
"Ah ganon ba? Pero tika? Familiar ka sakin?" Hindi ako tumingin sakanya baka kalaban ko pala to.
"Ah eh b-baka nagkakamali ka?" Nauutal kung sagot.
"Ikaw ata yung ibig sabihin ni Hyuk na Long time girlfriend niya?" Bigla tuloy akong nalungkot sa narinig ko, ako long time girlfriend baka naman long time niloloko.
"Nagkakamali ka?" Hindi na ulit ako tumingin sakanya at nagpatuloy lang sa paglalakad. Nakalimutan ko na eh kaso pinaalala pa sakin tong gwapong nilalang nato.
"Ah ganon ba? Idi maganda para maligawan kita." Bigla tuloy akong inubo sa sinabi niya, seryoso ba siya? Ngaun pa lang kami nagkita ah?
"Wag mo nga akong lokohin jan." Bigla ulit nag ring ang Phone ko pero hindi ko lang pinapansin.
"Sino ba kasing tumatawag sayo?" Tinago ko ulit ang phone ko para hindi makita ng kasama ko na tama ang hinala niya.
"Pero tika? Ano ba ang pangalan mo? Kanina pa kasi tayo naglalakad." Huminto siya at humarap sakin.
"Im chen." Inabot niya sakin ang kamay niya para maki pag shake hands.
"Im le-diri." Buti nalang at hindi ako nadulas kung hindi mabubuhay ulit si Leonni.
"Hello diri. Nice to meet you." Napangiti tuloy ako sa inasta niya dahil nagmukha siyang bata. Bigla ulit tumunog ang phone ko at sinagot na to.
Incoming call hyuk oppa....
"Hello ano!?" Sa sobrang inis ko sakanya ay sinigawan ko na siya."Bakit ngaun mo pa lang to sinagot? Aissh! Ano bang ginagawa mo? Nasan kaba?" Hindi ko na natiis ang sarili ko kaya nasabi ko na agad ang dapat kung sabihin sakanya.
"Ano bang paki mo ha?! Dun ka sa babae mo! Putcha!" Pinatay ko na agad ang tawag at tumingin sa kasama ko. Hindi ko alam kung bakit siya lumayo ng kunti.
"Oh bakit Chen?" Tiningnan ko siya ng Seryoso.
"Boyfriend mo ba yun? O asawa mo?" Natawa tuloy ako sa sinabi niya, boyfriend oo, pero asawa hindi na.
"Hindi no. Halika na nga." Hinila ko siya agad at pumunta kami sa Line friends store.
Libre niya ngaun dahil alam niyang badtrip ako ngaun. Nag usap lang kami ng kahit ano hanggang sa may nakita akong humawak sa Collar ni Chen.
"Gago ka!?" Sinuntok agad ni Hyuk si chen sa mukha at natumba naman si Chen.
"Ano bang problima mo bro?" Lumapit ako kay Chen at kinuha ang panyo na pinahiram niya sakin.
"Pasinsya na chen. Halika umuwi ka muna." Tinulungan ko siyang makatayo at lumabas kami sa LFS. Tumawag ako ng taxi dahil malayo pa dito ang kotse niya.
Sumakay na siya at nag wink sakin, gago yun ah? Nasuntok na nga may gana pang mag Wink. Umalis na yung taxi at lalakad na sana ako paalis pero hinawakan ni Hyuk ang kamay ko.
"Jagiya?! Sino yun ha?" Lumingon ako sakanya at sinampal siya.
"Ang lakas din ng loob mong itanong sakin yan no? Bakit ako tinanong ko ba sa iyo kung sino ang kasama mo kanina? Diba hindi!? Kaya bitawan mo ako!" Hindi ako makawala sa pagkakahawak niya sakin at lumapit siya sakin ng mahigpit.
"Ano kaba Jagiya! Kung ano man ang nakita mo kanina ay wala yun. Nag uusap lang kami tungkol sa,?" Hinihintay ko siyang tapusin ang sasabihin niya pero hindi niya tinapos.
"Oh ano? Wala kang masabi? Pwde ba hayaan mo muna akong umalis ng sa ganon ay makapag isip ako kung dapat pa ba natin ituloy to." Bigla niya akong binitawan at lumakad na ako papalayo sakanya. Hindi ko rin alam kung bakit ko nasabi ang mga yun baka nadala lang ako sa galit ko.
Update for today!!!
Kawawa naman si Chen, nadamay tuloy sa away ng mag shota. Haha! Ano sa tingin niyo guys hahayaan ba nilang matapos ang relasyon nila ng ganon ganon nalang? Free to Comment and vote.-AlienaV ❤️❤️
BINABASA MO ANG
My Spy Girl
AcciónMay isang babae na isang sundalo at binigyan siya ng mission at dapat ma accomplish niya yun kung hindi mawawalan siya ng trabaho at ang pangako niya sa tatay niya.