Channe POV.
Hindi na ako affected pag nakikita kung magkasama sila Leonni at hyuk. Hindi ko alam pero parang ginayuma ata ako ni Mina. Simula kasi nung umalis kami ay parati na siyang nag paparamdam sakin.Siya lang yung tumutulong sakin kahit nasa ibang bansa kami. Nung umalis kami ni Leonni ay walang wala kami. Sakanila yung may ari ng Chopper na yun. Siya din yung gumawa ng paraan para makatakas kami.
Hindi ko akalain na ang bait niya pala sa totoong buhay, akala ko kasi Maldita lang siya at kaartihan lang ang alam pero mali ako. Unti-unti akong nahuhulog sakanya.
Nandito ako ngaun sa restaurant na palaging pinupuntahan ni Mina. plano ko kasing supresahin si Mina. Hindi ko na hahayaang mawala pa siya sakin dahil lang sa huli ako magtapat. Ayaw kung magaya siya ni Leonni na maunahan pa ako ng Iba.
Hindi ko na sinabi sakanya na susuprisahin ko siya. Hindi nagtagal ay nakita ko siyang may kasamang ibang lalaki. Nakita niya rin ako at agad na tumakbo papunta saakin.
Tumayo na ako at paalis na sana kaso hinawakan ni Mina ang kamay ko. "Wait san ka pupunta?" Hindi ako lumingon sakanya. "Aalis na ako para ma enjoy niyo ang date niyong mag shota!" Nagulat ako dahil tumawa lang siya sa sinabi ko.
"Aissh! Hindi ko yan boyfriend no? Isa namin yan sa mga Staff. Ano kaba? Ikaw lang kaya tong hinihintay kung maging Boyfriend ko kaso ang tagal." Lumingon na ako sakanya at niyakap siya.
"Pasinsya kana kung matagal akong nagtapat sayo pero thankful ako dahil hindi mo ako sinukuan." Niyakap niya ako ng mahigpit at bumulong siya sakin.
"Okay lang. Worth it naman tong paghihintay ko sayo." Narinig ko ang ibang tao sa restaurant na nag "ayieeh"
Ang Swerte ko lang dahil hindi sumuko agad si Mina sa pagmamahal niya sakin. Kahit na pariho kaming sawi nung una sa pag ibig pero wagi naman kami sa pangalawang pagkakataon.
"Wait? Kumain kana ba?" Ngumiti lang ako at pina upo siya.
"Hindi pa kaya nga ako nandito para kumain at hintayin ka?" Tumawag siya bigla ng waiter at nag order ng best saler nilang food dito.
Wala pa rin siyang pinag bago. Natural beauty ata to siya? Hindi nag tagal ay dumating na rin ang Order namin. Nilagyan niya ng pagkain ang plate ko at kumain na kami.
"Kamusta na si Leonni? Balita ko ikakasal sila ni Hyuk?" Hindi ko muna sinagot ang tanong niya dahil kinakain ko pa ang pagkain ko.
"Oo." Ang tipid ko sumagot eh no? Pasinsya na pero ang sarap kasi ng inorder ng Mahal ko eh.
Hindi nagtagal ay natapos na rin kami. Nagpahinga muna ako dahil sa dami ng nakain ko. Ang sarap kasi eh, at saka ang tagal ko na kaya hindi nakakain ng ganyan kasarap.
"Channe kamusta yung plano mo?" Bigla akong napatigil sa pagkain at tumingin sakanya. Sinabi ko na sakanya kung bakit hindi niya ako pwdeng mahalin pero pinag patuloy niya pa rin.
"Successful naman, salamat sa tulong mo. Ikaw ang dahilan kung bakit kami nakabalik dito." Ngumiti siya sakin at hinawakan ang kamay ko.
"Walang anuman Channe. Syempre mahal kita kaya gagawin ko ang lahat para sayo." Ngumiti ako sakanya at pinagpatuloy ang pagkain.
Flashback..
Nag da drive kami nun ni Leonni, hindi ko siya iniwan kahit san ako mag punta. May nakita akong naka sunod samin na maitim na Kotse."Humawak ka ng Mabuti Leonni." Humawak din siya ng mabuti at tumingin sa side mirror.
"Sumusunod sila saatin." Tumango lang ako at binilisan ang pag drive.
Bigla silang nagpaputok, kinuha ni Leonni ang baril niya sa ilalim ng upuan at lumabas sa Bintana. Magaling si Leonni sa barilan, malapitan man o Malayuan. Napatumba niya ito kaya lang may Bago na naman.
Isang Dumb track, hindi kami nakalaban dahil auto lang ang ginamit namin. Binangga nila kami hanggang sa masira ang Kotse namin. Biglang nagliyab ang kotse ko.
"Leonni jump!" Binilisan ko muna ang pag drive ng sa ganon hindi nila makitang tumalon kami.
Nagpagulong gulong kami ni Leonni hanggang sa umabot na kami sa baba. Narinig kung sumabog na ang kotse ko at naghihiyawan ang mga taong bumangga nito.
"Yes! Tapos na! Mga failure kasi? Kukunin lang naman si Hyuk, hindi pa makuha! Maganda pa naman si Officer Leonni kaso tanga." Bigla akong nainis sa sinabi nung isa kaya tatayo na sana ako kaso pinigilan ako ni Leonni.
"Wag mo ng Patulan Channe." Humiga muna ako sa damuhan hanggang sa mag gabi.
Naramdaman naming wala ng tao sa taas kaya tumayo na kami, pinagpag namin ang mga damit namin. Umalis na kami at bumalik dito.
End of flashback....
Natapos na kaming kumain ni Mina, wala akong kotse ngaun kaya naglakad kami. Naka disguise naman siya Eh? Hindi ko alam kung nahuhulog na ba talaga ako sakanya o Hindi pa, basta ang alam ko masaya ako.
"Mina salamat ulit sa Tulong mo." Hinawakan ko ang kamay niya at bumilis na naman ang tibok ng puso ko.
"Okay lang, paulit ulit Channe? Ang importanti naging citizen na kayo dito ni Leonni. Pero tika? Dapat ginagamit niyo na ang bago niyong pangalan?" Oo nga pala, pinalitan na namin ang pangalan namin bilang bagong maninirahan dito sa South Korea.
Channe bilang Xiong, Leonni naman bilang diri. Hindi kami sanay na tawagin sa bago naming pangalan. Huminto si mina sa paglalakad at humarap sakin.
"Oh bakit Mina?" Hindi ko maipinta ang mukha niya dahil bigla siyang nalungkot.
"Wala xiong. Naisip ko lang? Ano na kaya ang trabaho mo dito?" Hindi ko rin naisip ang bagay na yan.
"Eh di maghahanap ako diba? Mahirap ba yun?" Ngumiti ako sakanya at inakbayan siya. Kitang kita ko naman na kinilig siya.
"Xiong alam mo dati, pinapangarap ko lang to?" Mas hinigpitan ko ang pag akbay sakanya para mapalapit siya lalo sakin.
"Eh di ngaun mas maganda dahil naging totoo na." Nagpatuloy lang kami sa paglalakad at nakita ko na ang kotse ni Mina.
"Bye xiong. Saranghe." Hindi ko alam pero bigla akong kinilig sa sinabi niya. Sasakay na sana siya kaso hinila ko papunta saakin ng sa ganon makayakap ko siya.
"Saranghe mina. Take care okay?" Nag wink ako sakanya at hinalikan siya sa noo. Bigla naman siyang naging pula sa ginawa ko. Ang cute niya tingnan, natatawa tuloy ako.
Sumakay na siya at nag wave ako sakanya. Nung nakita kung paalis na ang kotse niya ay nag isip ako kung ano ang kukunin kung trabaho. Hindi ko na kasi magamit ang Pagiging sundalo ko dahil iba ang pangalan ko ngaun.
Pauwi na sana ako nung may nakita akong Hiring as a waiter. Pumasok agad ako at nag apply, thanks to god ay natanggap na nila agad ako. Magsisimula lang ako bukas ng maaga.
Update for today!!!!
I thought wala na akong maisip pero merun pa pala. Oh guys? Gusto niyo bang naging tambalan si Mina at si Channe? Bagay ba sila? Free to comment and vote. Follow me on wattpad.-just Call me "aleinaV"
BINABASA MO ANG
My Spy Girl
AcciónMay isang babae na isang sundalo at binigyan siya ng mission at dapat ma accomplish niya yun kung hindi mawawalan siya ng trabaho at ang pangako niya sa tatay niya.