Going home

1.2K 26 0
                                    

Channe POV.
Kilalang kilala ko talaga si Officer Leonni dahil pag kinakabahan siya kitang kita mo sa mga daliri niya. Totoo naman talaga yung sinabi ko na naiinip na talaga si Executive director.

Mukhang okay na din si Officer Leonni dahil nakaka tayo naman din siya ng matuwid. Kailangan na niyang umpisahan ang mission niya para ma accomplished na.

"Okay ka na ba Officer Leonni?" Kumuha siya ng prutas na dala ko.

"Oo. Mas gagaling ako kung kakain ako nito." Tinuro niya ang mansanas at agad na kinagatan.

"Buti ng sa ganon maka uwi na tayo officer Leonni. Kailangan munang simulan ang Mission mo." Umupo ako sa kama niya.

"I will officer  channe." Naging seryoso ang mukha niya.

"So halika na Officer Leonni." Lumabas na ako at sumunod naman din siya.

Pababa na kami sa 1st floor at agad lumabas sa hospital. Binuksan ko na ang pintuan at pinasakay siya. Tahimik lang kami sa Biyahi.

"Nakaka tawa ang suot ko officer channe." Oo nga pala naka suot pa siya ng Pag aari ng Hospital.

"Hindi naman. bagay nga sayo." Nginitian ko nalang siya. Ngumiti lang din siya sakin.

"Ano pang sabi sayo ng executive director natin officer channe?" Nakatingin lang siya sakin at nag hihintay sa isasagot ko.

"Tutulungan daw kita sa mission mo officer Leonni." Nakita ko sa mata niya ang pag ka lungkot.

"Ga-ganon ba? B-buti kung ganon." Pilit siyang ngumiti sakin at tumingin agad sa Bintana. Alam kung dismaya siya dahil gusto niya itong matapos na siya lang gumagawa.

Dumating na kami sa Hotel na tinitirahan ko ngaun. Bumaba kami at pumasok na sa loob.

"Kilala mo na pala ang pamilya ni Mr lee?" Oo nga pala nakalimutan kung sabihin sa kanya.

"Oo. Ang ganda nga ng pakiki tungo nila sakin. Lalo na yung si rinsi." Natawa siya nung sinabi kung si rinsi.

"Oo nga. Nakaka gigil si Rinsi ang taba niya." Tumawa siya at mukhang nang gigigil talaga siya.

Nakarating na ako sa kwarto ko at agad na pumasok sa loob. Nakita kung humiga ulit si Leonni at parang namiss niya ang lugar na to.

"Na miss ko to grabi. " habang hinahaplos haplos niya ang kama.

"Bakit hindi mo ba gusto sa bahay ni Kim min hyuk?" Nagtataka kung tanong.

"Hindi. Gusto ko lang dun ay ang rooftop." Umupo na siya ng maayos nung biglang tumunog ang Telepono dito.

"Hello ."

"Nasa hotel po ako ngaun kasama ang kaibigan ko." Nag iba ang aura niya nung sumagot na yung kausap niya.

"Boss! Wala po kayong karapatan na Husgahan ako dahil wala akong ginagawang masama!" Napasigaw siya bigla parang galit na galit.

"Sige po boss pupunta na ako jan." Pinatay na niya ang tawag at agad na tumayo. Lumapit siya sakin at hinawakan sa Balikat.

"Salamat ulit officer channe. Sa susunod ulit." Aalis na sana siya kaso hinawakan ko siya sa kamay.

"Officer Leonni anong sabi ni Hyuk?" Nag alala ako kung bakit napasigaw si Leonni ng ganon na lang.

"Galit siya sakin dahil dapat daw nag papahinga ako pero tumakas pa daw ako."

"Oh ano yung narinig ko na wala kang ginagawa na masama." Nabigla siya sa sinabi ko at parang nalungkot siya.

"Eh akala niya kasi nakikipag landian ako dito sa Hotel." Hindi ko alam pero biglang ng init ang katawan ko sa narinig ko.

"Bwisit! Asan siya?" Gusto kung makita ang mukha niya para masapak ko.

"nasa bahay nila at hinihintay ako. Oh sige Pupunta na ako dun Officer channe." Umalis na siya at iniwan na ako dito sa Room ko.

Bwisit! Gusto ko pa sana siyang makasama kahit isang araw lang pero yung boss niya panira. Ano ba kasi ang nararamdaman ko. "Gusto ko ba si Leonni?" Bulong ko.

Update for today!!!
Sorry kung hindi masyadong mataas ang update ko wala na kasi akong maisip. Follow niyo po ako
@iamsfatima-twitter
@Najmamgdla-instagram
Najma maguidala - facebook

My Spy GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon