Irresistible

645 12 0
                                    

Hyuk POV.
Hindi kona mapigilan ang sarili ko nung hinahalikan ko si Leonni. Naakit niya kasi ako nung sinout niya yung Dress na yun. Mas gumanda siya lalo. Nakalimutan kung nasa shooting kami.

Na bitin ako nung hinila siya ni Channe. Na bwisit tuloy ako, ano ba kasing nangyayari sakin? Dapat kasi nagagalit ako sakanya eh, pero hindi. Mas gusto ko siyang makasama?

Ang hirap naman mag mahal ng isang Soldier. Palagi akong nasa hospital para bantayan siya ng Patago kaso isang araw na huli niya ata akong nakatayo sa Pintuan niya. Aissh! San ba dadalhin ni Channe si Leonni?

Makahabol na nga? Hinabol ko sila hanggang sa makalabas sila. Huminto si Channe at hinarap si Leonni. Narinig ko ang pag uusap nila.

"Leonni!? Ano ba? Nasasaktan na ako sa tuwing nakikita kitang kasama mo siya!" Ayun naman pala, may pagmamahal pala siya kay Leonni pero Huli na siya para magtapat kasi Kukunin ko ulit si Leonni, kahit ano man siya!

"Channe sorry kung, kung nasasaktan kita? Hindi ko sinasadya pero?" Mas pinakinggan ko lalo ang isasagot ni Leonni.

"Pero ano!? Please lang Leonni? Hindi kayo bagay!" Lahat ng tao ay nakatingin na sa kanila at napag taasan na ng boses si Leonni.

"Oo tama ka! Hindi kami bagay! Kaya nga Iniiwasan ko na siya hindi ba?! Hindi mo ba napapansin yun Channe?! Lahat ng nakita mo ay Arti lang! Trabaho lang!?" Nakita kung umiyak na si Leonni. Gusto ko siyang lapitan pero naunahan na ako ni Channe, niyakap niya si Leonni ng mahigpit. Nasasaktan tuloy ako!

"Pwis! Aalis na tayo dito Leonni! Hindi na natin kailangan tapusin ang pilikulang to o ang?" Ayokong iwan ako ni Leonni dahil lang sa Hindi niya natapos ang Mission niya. Hindi ako papayag na iwan niya ako dito, sasama ako kahit ano man ang mangyari.

"Oo Channe. aalis na ako dito! Hindi na dapat ako mag tagal dito." This time si Leonni na ang yumakap kay Channe. Hindi ko na napigilan ang sarili ko sa mga narinig ko. Lumapit ako sakanila at hinila si Leonni sa pagkakayakap niya kay Channe.

"Hindi ako papayag jagiya! Dito ka lang sa tabi ko." Hinila ko siya papunta saakin. Hindi makapaniwala si Leonni sa sinabi ko.

"Hindi na namin kailangan tapusin ang pilikulang to Hyuk dahil aalis na kami ni Leonni." Sambit naman ni Hyuk. Hindi ko gustong umalis si Leonni dito. Ayaw kung mangyari yun.

"Leonni please dito ka lang?" Pagmamakaawa ko kay Leonni pero hindi niya ako pinansin.

"Pasinsia kana hyuk pero hindi Pwde. Aalis na kami ni Channe dito." Binitawan niya ang kamay ko at inabot niya ang kamay ni Channe. Hindi ko alam pero bigla nalang tumulo ang luha ko. Wala akong paki-alam kahit makita ng lahat ng tao dito.

Iniwan nila akong nakatayo dito at nakatulala. Hindi ako makapaniwala sa Sinabi ni Leonni, talaga bang iiwan niya ako? Hindi ba niya ako mahal? Bwisit! Hindi ako papayag! Kailangan kung habulin Si Leonni.

Sumakay na ako sa kotse ko at hinabol ko ang kotse ni Channe. Nahalata ni Channe na hinahabol ko sila kaya binilisan niya ang takbo. Huminto sila sa Hotel at bumaba na sila.

Hinabol ko sila kahit maraming tao ang nakatingin. Hindi kasi ako naka disguised, wala akong oras ngaun para diyan. Pumasok na sila at ako naman ay tumatakbo pahabol pero huli na ako dahil sira na ang pintuan.

Nakita kung may reporter na palapit sakin. Mukhang paparazzi ata to? "Hyuk? Bakit niyo po hinahabol si Ms. Leonni? At ano po ang mga narinig namin dun sa Set niyo?" Nagtatakang tanong ng reporter. Huminga muna ako ng malalim bago ko sila sagutin.

"First of all, girlfriend ko po si Leonni sa totoong buhay at mahal ko po siya!" Hindi ko natapos ang sasabihin ko dahil nagtanong na naman ang reporter. "Eh sino yung kasama niya ngaun? Boyfriend niya rin ba yun?" Hindi ko nagustuhan ang sinabi nitong reporter nato, baka masapak ko pa! "Hindi niya yun boyfriend dahil ako lang! Bestfriend lang niya yun! Kaya pwde ba mamaya niyo na ako interview'in?" Lumapit yung mga security at pina alis ang mga reporter.

"Jagiya lumabas kana diyan? Wag mo akong iwan! Hindi ko kaya!" Habang kinakatok ko ng malakas ang pintuan pero hindi pa rin nila ito binubuksan.

Hindi ko na napigilan ang sarili ko at sinipa ko na ang pinto. Nagulat ako dahil wala na sila, nakita kung bukas ang Bintana at mukhang tumakas sila. Bakit niya ito nagawa sakin? Hindi niya ba talaga ako mahal? Pero sa tuwing sasabihin niya na mahal niya ako ay parang totoo, kitang kita ko yun sa mga mata niya.

Umalis na ako at bumalik sa bahay ko. Hindi ko mapigilan na maiyak ng husto dahil iniwan niya talaga ako. Nakarating na ako sa bahay at lahat ng makita ko ay binabasag ko. Kumuha ako ng wine at ini'isa isa tong inumin pagkatapos ay binabasag ko.

"Leonni! Bakit?! Minahal naman kita ah?!" Ininum ko na naman ang bagong wine na kinuha ko pagkatapos ay binasag ko. Lahat ng gamit ko sa bahay ay basag na.

Nahihilo na ako at parang nakita ko si Leonni na nakatayo. Hindi siya masyadong klaro dahil sa mga luha ko. Lumapit ako at niyakap siya. "Sabi ko na nga eh? Hi-hindi mo ako iiwan." Habang niyayakap ko siya ng mahigpit.

"Oppa patawarin mo ako kung niloko kita, minahal kita sa totoo lang pero mali ang pagmamahalan natin to kaya iiwan na kita. Sana makahanap ka ng ba-bago mung mamahalin." Kakalas sana siya sa yakap ko pero mas hinigpitan ko ang yakap ko sakanya.

"Kung mahal mo talaga ako? Hindi mo ako iiwan, ipaglalaban kita Leonni kahit ano man ang mangyari, kahit isa ka mang sundalo dahil mahal kita ja-jagiya." Hindi ko namamalayan na nahimatay na pala ako dahil sa mga alak na nainum ko.

Nararamdaman kung pinupunasan ako ni Leonni ng malamig na tubig para mahimas masan ako. Niyakap ko ulit siya ng mahigpit. "Jagiya wag mo akong iwan please?" Niyakap niya rin ako at bumulong siya sakin. "Hindi pwde oppa?" Tumulo ulit ang luha ko dahil sa narinig ko.

Naramdaman ko nalang na wala na siya sa tabi ko kinabukasan. Hindi ako makapaniwala na iniwan niya talaga ako. Tumayo na ako at parang wala ng mga basag na gamit dito sa bahay ko.

Bumaba na ako at nalinis na rin ang mga basag na gamit. Kunti nalang gamit ko dito sa bahay. Pumunta ako sa kusina para uminom ng tubig, may nakita akong nakadikit sa freezer. Binasa ko ito.

Dear oppa,
Mahirap saakin ang gagawin ko dahil mahal kita, hindi ko gustong lumayo sayo pero kailangan. Sa ikalawang pagkakataon sana mapatawad mo ako. Mahal na mahal kita.

Hindi ko gustong iwan mo ako Leonni. Asan kaba kasi Pupunta ha? Sana mapuntahan kita kahit asan ka man. Sasama ako sayo dahil mahal kita. Naisipan kung I track ulit siya.

Update for today!!!
Sana makita ni Hyuk si Leonni. Pray guys. Hahaha. Sorry kung Medyo libog libog ang update ko ngaun. Free to comment and Vote.

-AlienaV ❤️❤️

My Spy GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon