Leonni POV.
Hindi ko rin alam kung ano ang dapat kung maramdaman. Litong lito rin ako dahil ang utak ko sinasabing mission lang to pero ang puso ko iba ang sinisigaw. Hinahayaan ko nalang siyang yakapin ako dahil parang gusto ko munang sulitin to."Pwdeng umupo muna tayo kasi kanina pa tayo magkayakap." Sabi ko sakanya at tumingin sakin. Hindi ko alam kung bakit siya ngumiti ng ganon at nakaramdam ako ng kung ano pero hindi ko nga alam.
"Oh sorry Leonni." Hinawakan niya ang kamay ko at umupo kami sa table.
"Talaga bang mahal mo ako?" Tumango siya at ngumiti.
"Hindi ko rin nga alam kung bakit ako nagka gusto sayo." Hinawakan niya ng mahigpit ang kamay ko at dinugtungan ang sinabi niya. "Basta ang alam ko lang ay gustong gusto kita Leonni"
Biglang bumilis ang tibok ng puso ko dahil sa sinabi niya. Ngumiti lang din ako sakanya at pinaglalaruan ulit ang mga daliri ko.
Tumayo siya at lumapit sakin. Kinabahan ako pero hinawakan niya ang kamay ko at ngumiti sakin ng matamis. Nasisiraan ata to eh.
"Halika labas tayo." Pinatayo na niya ako at lumabas kami. Nag suot siya ng Cap at sun glasses para hindi siya makilala.
"San tayo pupunta?" Hila hila niya pa rin ang kamay ko palabas ng hotel.
"Basta mag e'enjoy tayo ngaun." Nakasakay na ako sa kotse niya at agad niyang pinaandar. Habang nag da-drive siya ay tumitingin pala ako sakanya.
Ang tangos ng ilong at ang haba ng pilik mata. Mapupula rin ang labi. Ngaun ko lang napansin ang mga yan dahil nung una hindi ko siya tinititigan. nabigla ako nung tumingin siya sakin at ngumiti ng malapad.
"Okay lang natitigan mo ko basta wag mo lang akong iwan ulit okay kasi hindi ko makakaya." Hindi ko alam pero parang uminit ang pisngi ko sa sinabi niya. Hinawakan niya ang kamay ko at nagdrive na ulit.
"Welcome in everland leonni" namangha ako sa sobrang ganda at lahat ng nakikita namin mga sikat din.
BINABASA MO ANG
My Spy Girl
AçãoMay isang babae na isang sundalo at binigyan siya ng mission at dapat ma accomplish niya yun kung hindi mawawalan siya ng trabaho at ang pangako niya sa tatay niya.