Channe POV.
Dito ako sa hotel hinihintay si Officer Leonni na dumating. Naisipan kung bumaba para sa main floor ko na siya makita at iba ang nakita ko dahil ang dami palang naka book dito na mga celebrity at nakita ko rin ang matalik kung kaibigan.Nakita ko silang magkayakap at hinalikan pa ni leonni sa pisngi si Hyuk. Hindi ko alam pero parang masakit tingnan. Nung makita kung papasok na si Leonni ay agad akong bumalik sa kinaroro onan ko.
Pumasok agad ako sa kwarto at huminga ng malalim pero hindi pa rin mawala yung sakit na Nararamdaman ko. Nakita kung bumukas ang pinto at pumasok na siya.
"Lets go." Mahinahon kung sabi at agad kinuha ang susi ko.
"Sige." Lumabas na kami ng kwarto at agad na bumaba sa hotel.
Sumakay na kami sa kotse at pina on na ang engine. Walang nag sasalita samin sa boung biyahi. Hindi ko kasi alam kung ano ang sasabihin ko simula nung makita ko silang magkayakap.
Nakarating na kami sa airport at agad na nag proceed sa waiting area. Tiningnan ko si officer Leonni at parang may kakaiba. Hangang sa tinawag na kami.
Tumayo na kami at pumuntang airplane para makasakay. Napapansin ko rin yung labi niya mas lalong Pumula. Bigla ulit tumibok ng malakas ang puso ko lalo na yung kinagatan niya. Hindi na ako mapakali kaya tinanong ko na siya.
"Anong merun officer Leonni?" Hindi pa rin ako maka tingin sakanya.
"W-wala. San mo nalaman ang nangyari kay mama." Nagtatakang tanong niya.
"Tinawag lang din sakin ng assistant ng executive director natin." This time tumingin na ako sakanya.
"Sana okay lang siya." Huminga ng malalim at pinikit ang mga mata niya.
Hindi nagtagal napansin kung tulug na pala siya at tiningnan ko siya ng maigi. Ang bilis pa rin ng tibok ng puso ko. Alam kung may gusto na ako sakanya pero hindi ko alam kung pano sakanya sabihin. Baka pag tawanan lang din ako eh.
Nakalapag na ang eroplano at agad kung ginising si officer Leonni. Kinuha na niya ang maliit niyang bagahi at bumaba na kami.
Namiss ko ang lugar na to. Lalo na yung masasayang araw namin ni Officer Leonni. Hindi ko alam kung naalala pa niya yun. Lumabas na kami sa airport at agad na nagpatungo sa bahay nila leonni.
"Umma" lumapit agad si Leonni sa mama niya at agad na niyakap ito.
"Oh anak nandito ka pala." Ngumiti ang mama niya kahit pilit lang.
"Oo. Umma ano po bang nararamdaman niyo?" Hinawakan niya ang kamay ng nanay niya at hinalikan ito. Isa Yan sa mga gusto ko kay officer Leonni. Mahal na mahal niya ang mga magulang niya.
"Hindi ko alam anak nahilo lang ako." Nakita ako ng mama niya at agad niya ako tinawag. Lumapit na ako sakanya
at nag bow."Good evening Ms. Kim." Kinuha ko ang kamay niya at hinalikan ito.
"Good evening din officer channe. Oh nasabi mo na ba asa anak ko ang." Umiling lang ako para sabihin na hindi pa.
"Oh I see. Nakakain na ba kayo?" Ngumiti lang ako at naghintay lang akong si Officer Leonni na ang mag salita.
"Nakakain napo kami umma." Pina tulog na lang niya ang nanay niya at tiningnan ako.
Tumayo na siya at nilapitan ako. Ngumiti lang ako sakanya at lumabas na sa kwarto ng nanay niya. Sinundan ko lang siya palabas.
"Ano yung dapat mong sabihin sakin?" Nabigla ako at hindi ko alam kung ano ang dapat kung sabihin.
"Ah eh yung ma-" hindi ko natapos ang sasabihin ko nung biglang tumunog ang Cellphone niya. Nakita kung ngumiti siya at sinagot ito.
"Hello" hindi ko rin alam pero parang may something habang kausap niya yung tumawag na sakanya.
"Oh dumating na kami. Ikaw?" Hindi naman sa chismosa ako para sa mga babae lang yun.
"Ah sige ingat ka. Hindi na ako magtatagal kaya papatayin ko na ito." Mas na bigla ako nung ngumiti siya at parang kinikilig siya.
Nag tago ako at halatang hinahanap niya ako. Napa kamot nalang siya sa ulo at narinig ko ang bulong niya.
"San na yung kausap ko? Aissh!" Umalis na siya at pumasok sa loob. Lumabas na ako sa kinatataguan ko at hindi ko alam kung bakit ako nasasaktan.
Aamin na sana ako kaso may disturbo. Pumasok na rin ako sa loob at nakita ko siyang inaalagaan niya ang nanay niya.
Pumunta muna ako sa kusina para maka pagluto ng pagkain. Gutom na kasi ako at alam kung nagugutom na rin si Leonni.
Hinanda ko na ang pagkain at nakita ko siyang lumabas sa kwarto niya. Lumapit siya agad at umupo na. Ang hilig talaga niya kumain. Natawa tuloy ako.
"Wow nagugutom na ako. Halika na umupo kana." Umupo na rin ako at tinitingnan siya habang kumakain.
"Ano ba yan officer channe. Hindi ako makakain ng maayos pag tumitingin ka." Naalala ko tuloy na kanina ko pa pala siya tinitingnan.
Kumain na din ako at walang nag sasalita samin. Nabibingi na ako sa katahimikan.
"Officer Leonni." Tumingin siya sakin at naghihintay sa sasabihin ko. Ang bilis nang tibok ng puso ko at parang kinakabahan ako.
"Kailan ang balik mo sa South Korea?" Iniba ko nalang ang sasabihin ko dahil parang nauunahan ako ng takot.
"Ah baka bukas. Ikaw?" Kumain ulit siya at nag hihintay siya sa isasagot ko.
"Sabay na tayo bukas." Ngumiti lang ako sa kanya at tumahimik na kami.
Natapos na kaming kumain at hindi ko pinayagan si officer Leonni na siya ang maglinis. Tumango nalang din siya at iniwan ako sa kusina.
Natapos na akong mag linis at pumasok na rin ako sa kwarto ko at humiga. Naiisip ko pa rin kung bakit ang saya niya nung kausap niya si hyuk.
Update for today!!!
Tsk. Bakit hindi pa sinabi eh. Nauunahan pa kasi ng takot. Poor officer channe at sana maka amin kana sa nararamdaman mo. Follow niyo po ako guys at free to comment and vote.
Gagawa na rin ako ng facebook page at isearch niyo nalang po. "AlienaV wattpaders"@iamsfatima-twitter
@Najma mgdla-instagram
Najma maguidala - facebook
BINABASA MO ANG
My Spy Girl
ActionMay isang babae na isang sundalo at binigyan siya ng mission at dapat ma accomplish niya yun kung hindi mawawalan siya ng trabaho at ang pangako niya sa tatay niya.