8

271 21 2
                                    

[Chapter 8]

Jimin's POV

"Jimin!"rinig kong sigaw ng EXO sakin. Papalapit palang ako sa kanila ngayon. Umagang-umaga pero mukhang may hinihintay sila.

"Anong ginagawa niyo dito?"tanong ko ng makalapit ako sa kanila.

"Hinihintay namin si Kai."sagot ni DO.

"Ganun ba? Sama nalang din ako sa inyo."saka ako naupo sa tabi ni Kris.

Nakaheadset siya ngayon. Napakacold talaga ng expression. Kahit nga nung summer classes namin, halos walang salita ang lumalabas sa kanya.

"Sus! Ang sabihin mo hinihintay mo din si Seulgi."tukso ni Sehun sakin.

Hindi ko alam pero kapag naririnig ko ang pangalan niya... napapangiti nalang ako.

Matagal na din kasi talaga akong interesadong makilala si Seulgi. Dati kasi palagi siyang napag-uusapan ng EXO. They described her as simple but very unique. May pagkalalaki daw gumalaw paminsan-minsan pero babae naman ang puso. Tapos idagdag pa daw ang unique feature niya, ang kanyang monolid. Nakakatawa nga eh, siya lang ang may monolid sa kanilang pamilya. Sabi pa nila cute daw ito at napakatalented. Kahit medyo hirap daw sa academics napakasipag naman daw mag-aral.

"Hindi nuh!"I denied.

"Aigoo! Denial king ka na ba? Gusto mo naman siya diba? Bakit hindi mo siya ligawan. Malakas ka naman kay Kai"sabi ni Chanyeol. Sinapak naman siya ni Chen.

"Gago ka ba? Narinig mo ba ang sinabi ni Kai? Hindi porket kaibigan ay basta-basta ng makakapanligaw. Atsaka pano pagsinaktan niya si Seulgi?  Friendship over na tayo? Dahil sigurado akong magagalit talaga si Kai nun. Damay-damay na tayo dun"sabi ni Chen.

"That will never happen."singit ko.

"Naks! Seryoso ka talaga kay Seulgi?"tanong ni Tao.

I smiled then, "Seryoso agad? Hindi pa nga kami eh. Ang akin lang kung magiging kami, hindi ko siya sasaktan"

"Seryoso ka nga. So liligawan mo na siya?"Xiumin.

"Hindi pa! Gusto ko muna mapalapit sa kanya at gusto ko may approval na mula kay Kai. And I'm sure hindi yun magtatagal."kampante kong sagot.

"Oh ayan na pala sila!"sigaw ni Lay.

Dumating na ang isang Ferrari at unang lumabas dito si Kai mula sa front seat kasunod si Seulgi na nasa back seat. Bago sila pumunta samin ay nagpaalam muna sila sa nagmaneho. Baka daddy nila yun.

"Finally!"tanging sigaw ni Kris. Nakalimutan ko pala, ayaw niyang nagihihintay  nang matagal. Medyo mainipin eh.

"Pasensya na. Nagkaroon kasi ng aberya kanina eh. Naflattan kami."sabi ni Kai.

"Okay lang yun! Hali na kayo."Suho..

Naglakad naman kami at nakita kung nasa dulo si Seulgi. Okay, medyo OP siya sa mga lalaking to kaya chance ko para lumapit sa kanya.

"Seulgi! Come here."lalapit na sana ako kaso bigla siyang tinawag ni Kai at pinatabi niya sa paglalakad.

It's okay. Kuya siya eh kaya may karapatan siyang kumilatis ng mga kaibigan ng kapatid niya. Papatunayan ko sa kanya na I deserve Seulgi more than anyone else.

Seulgi's POV

"Alone?"nagulat naman ako kung sino ang tanong sumasabay sakin sa paglalakad.

It's Jimin.

"Nope. Nandiyan ka na eh."sagot ko.

"Naks! Kililigin na ba ako?"nakangisi niyang saad.

"Depende sayo."sagot ko sa kanya.

For You I Will (KAI x SEULGI) [Unedited Version]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon