[Chapter 33]
Joy's POV
"Guys! Sampalin niyo nga ako!"utos ko sa kanilang tatlo. Yes! Tatlo lang kaming nasa cafeteria ngayon kasi madalas nang hindi sumasabay samin si Seulgi eh. She's avoiding us.
*PAK
"ARAY KO! BAKIT MO AKO SINAMPAL "sigaw ko kay Yeri.
"Loko ka talaga noh! Sabi mo sampalin ka kaya sinampal kita. Tas tatanungin mo ko kung bakita kita sinampal? Nakadrugs ka ba?"saad ni Yeri.
"Baka nakaSungjae drugs."nakangising saad ni Wendy!
"AISHHH! Pero seryoso nga, hindi pa din nagsisink in sa isipan ko na ampon si Seulgi!"
"JOY!"Irene shouted.
"What?"
"Baka marinig ka ni Seulgi. Be sensitive naman paminsan-minsan."saway ni Irene sakin. Agad ko namang zinip ang bibig ko.
"Okay... I still can't believe that Seulgi is not a Kim."mahina kong sabi.
"Ako nga din eh. Naawa talaga ako sa kanya."Wendy commented.
"Kilala natin si Seulgi. Matapang siya. She's a fighter. Malalagpasan din niya to. Ang mabuting gawin nating mga kaibigan niya ay ang suportahan siya at ipakita sa kanya na we are always here for her."sabi naman ni Irene.
Tumango naman kaming tatlo sa sinabi ni umma---este Irene pala.
Habang kumakain kami ay biglang lumapit naman sa amin si Jimin.
"Oy! Long time no chat Jimin. Akala namin tinapon ka na sa Bermuda Triangle."pagbibiro ni Yeri.
Jimin smiled. "Oo nga eh. Ilang araw ko na din kayong hindi nakakausap. Pero wait...parang kulang kayo ah. Nasaan si Seulgi? Nalaman ko nalang na totoo pala ang lahat na kumakalat na chismis. Alam niyo ba kung nasaan siya? I badly want to comfort her."
"Naku! Hindi nga namin alam kong nasaan si Seulgi eh. Paiba-iba siya ng routine. Mas gusto niyang mapag-isa."sagot ni Wendy.
"Oo nga Jimin tas kapag gusto naman namin sumama sa kanya bigla namang bumibilis ang lakad niya dahilan upang hindi kami makasunod sa kanya. Kapag nasa classroom naman tayo, hindi siya nakikipag-usap samin mas gusto niyang magsoundtrip or magdrawing nalang."sabat ko.
"She's totally different Jimin. Oo, medyo may pagka shy type si Seul. Pero hindi naman siya snob at umiiwas samin dati eh. Parang may sarili na siyang mundo. Ang tanging kinakatakutan lang namin ay baka lumayo na ng tuluyan ng loob niya samin."Irene said sadly.
"Don't worry girls! Ako bahala. I'll talk to her."saka tumakbo si Jimin papalabas ng cafeteria.
"Sana lang talaga makiusapan niya si Seulgi na sumama na satin. Namimiss ko na si Bear eh."halata naman talagang namimiss ni Irene si Seulgi eh. Kanina nga kumain si Irene ng pringles kahit hindi siya palaging kumakain nito. Iniisip niya siguro na kapag nakita yun ni Seulgi sasabay yun samin. Maski naman din ako eh, namimiss ko na si Seulgi.
Sana talaga maging okay na lahat
Nauna na akong magexcuse sa kanilang dalawa kasi may tatapusin pa akong output. Dahil dakilang masipag ako, ako nalang ang hindi nagpass. Sipag ko noh? Talbog kayo!
"Joy!"ayan na. Tinatawag nako ng honeybunch ko. Yuckss! Honeybunch? San galing yun?
"Sungjae!"patakbo akong lumapit sa kanya at niyakap siya agad. Wala lang namiss ko siya. Isang oras ko kasi siyang di nakita eh. Ganun talaga pagmahal mo madali mo lang mamiss.
BINABASA MO ANG
For You I Will (KAI x SEULGI) [Unedited Version]
Teen FictionSeulgi and Kai grew up knowing that they are siblings. They care for each other. They love each other as 'sister-brother' . But what if it changes? Paano kung isang araw magbago na ang lahat? Paano kung malaman nila ang tunay nilang pagkatao? Magbab...