42

173 18 6
                                    

[Chapter 42]

Irene's POV

"What??? Aalis ka? Saan ka naman pupunta aber?!"pasigaw kong tanong kay Seulgi.

Sabi niya kasi samin na aalis siya papuntang ibang bansa. Hindi para magbakasyon kundi dun tumira. Huhuhuhu yung bear ko. Iiwanan na ko.

"Seulgi naman! Akala ko ba walang iwanan? Iiwan mo na kami?"malungkot na sabi ni Wendy.

"Wala na akong magagawa guys. Ito yung gusto ng parents ko. Ayaw ko namang malungkot sila na hindi ako kasama. Atsaka gusto ko din kasi silang makasama eh."sagot ni Seulgi.

"Eh Seulgi. Huwag ka nalang kayang umalis? Pwede mo naman ifacetime ang parents mo eh. Huwag ka nalang kasing umalis."saad ni Yeri.

"Hindi pwede Yeri eh. Ready na lahat. Graduation nalang ang hinihintay ko. Don't worry hindi ko naman kakalimutang tawagan kayo. Kahit mahal ang long distance okay lang."Seulgi.

"Nakakainis ka! Nakapagplano na tayo para sa future natin na magkasama tas iiwanan mo din pala kami."nagtatampo kong sabi.

"Aigoo!"nilapitan ako ni Seulgi saka niyakap.

"Hala ka! Ang galing mo na talagang artista Irene

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Hala ka! Ang galing mo na talagang artista Irene. Sus!"komento ni Joy sakin.

I glared at her. "Shut up will you? Nagtatampo talaga ako."

"Irene hindi naman to permanent goodbye eh. Magkikita din naman tayo. And besides, may two weeks pa tayong magkasama bago kami aalis. Sulitin nalang natin yun. Kaya please huwag ka nang magtampo."paglalambing sakin ni Seulgi.

Ay grabe! Alam talaga ng babaeng to ang kahinaan ko pagdating sa kanya. Well, isa siya sa mga kahinaan ko. My very bestfriend mga diba!

"Basta Seulgi ah! Pag nasa US ka na hindi mo pa rin makakalimutang tumawag at kumustahin kami ah. Tapos viber at facetime din pag may time."Wendy said.

Seulgi nodded and smiled, "Of course. Kahit may makilala akong mga new friends dun kayo pa rin ang original at true friends ko."

"Samahan mo na din nang pasalubong pag umuwi ka."nakangising saad ni Joy.

-

Seulgi's POV

"Aalis ka daw?"tanong sakin ni Jimin nang makasalubong namin siya papasok ng classroom.

"Maiwan na namin kayo. Seulgi mauna na kami sa loob."paalam ni Wendy samin at sinang-ayunan ko naman. Saka ko binalingan ulit si Jimin.

For You I Will (KAI x SEULGI) [Unedited Version]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon