25

220 20 4
                                    

[Chapter 25]

Joy's POV

"UY! May bulaklak na naman siya"tukso sakin ni Wendy.

Kakarating lang namin sa classroom ay agad akong may nakitang bulaklak sa arm chair ko. Hindi ko nga alam kung kanino galing eh. Tatlong araw na tong may naglalagay ng bulaklak sa upuan ko. Hindi ko naman masisisi ang secret admirer ko. Sa ganda ko ba namang ito, bakla lang hindi magkakagusto.

"Kanino ba yan galing Joy?"tanong ni Irene.

I just shrugged. Hindi ko din naman kasi alam kung kanino galing.

Tinignan ko naman ang mga classmates kong lalaki. Lahat sila may ginagawa. Hindi naman siguro isa sa kanila ang nagbigay nito. Nang tignan ko ang EXO, lahat sila nag-uusap...maliban nalang sa isa na tinitignan ako. He's looking at me---Chanyeol is smiling at me. Don't tell me sa kanya galing ang mga bulaklak ko.

After the class we went to cafeteria. Syempre kakain na kami. Tambay-tambay din pag may time. Habang kumakain kami ay may nahagip ang magaganda kong mata.

The heck!

"Si Sungjae ba yun?"tanong ni Wendy sabay nguso sa may kabilang table.

We saw Sungjae sitting on the other table with a girl. May pa 'you found your special someone' pa siyang  nalalaman yun naman pala may iba na siyang nililigawan kaya siya tumigil sa panliligaw sakin. Pareho lang talaga ang mga lalaki sa mundo. Mga manloloko at paasa! Except sa daddy ko oi.

"Okay ka lang Joy?"tanong ni Irene na katabi ko.

I gave her a weak smile, "Yup"

"You know what he looks so happy with her. Bagay sila."singit ni Seulgi.

"I don't care."I uttered.

"Maglaro tayo guys!"masayang sambit ni Yeri.

"Ha? Anong laro naman yan Yeri?"tanong ni Wendy sa kanya.

"Taguan ng feelings!"sagot ni Yeri.

"Ang daya! Panalo na si Joy niyan."Irene said.

"Ewan ko sa inyo! Kumain nalang kayo."sabi ko sa kanila saka nagpatuloy sa pagkain.

Habang kumakain ako ay hindi ko mapigilang hindi mapatingin kina Sungjae. Mukhang masaya nga siya kasama ang babaeng yun. I think, transferee yung babae. Ngayon ko lang siya nakita.

"Pasulyap-sulyap lang~~~"napakanta naman si Wendy.

"Hindi ako sumusulyap sa kanya."tanggi ko.

"Ano namang kinalaman mo sa kanta ko? I'm just singing, you know."Wendy replied.

I glared at her.

Habang kumakain kami ay biglang sumulpot ang EXO. Mga kabute talaga kahit kailan. Tinignan ko naman si Wendy. She's twinkling her eyes. So inlove---nakakaoverdose yan. Ang sarap mag-growl. May pa-call me baby pa silang nalalaman ni DO. Ipalapa ko kaya tong dalawang to sa wolf.

"Kuya! Anong ginagawa niyo dito?"tanong ni Seulgi sa kuya niyang si Kai.

"Kakain kami. Is there any problem?"Kai answered.

"Paano ba naman Kai. Pupunta din dito si Jimin."singit ni Yeri.

"Seryoso talaga siya sa panliligaw niya kay Seulgi."komento ni Luhan.

Napasmirk naman si Kai. Nakapaover protective talaga ni Kai kay Seulgi. Kung hindi lang sila magkapatid matagal ko nang naisip na nagseselos siya at siya ang gustong manligaw kay Seulgi.

For You I Will (KAI x SEULGI) [Unedited Version]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon