warning: typos and gramatical errors ahead.
---
[Chapter 78]Seulgi's POV
"SEULGI! PATAYIN MO BILIS! TURN IT DOWN!"Kai shouted in frustration. Sa sobrang inis ko din ay inihagis ko ang apron na suot-suot ko.
I don't know how cook. Tanging itlog, ham at hotdog lang ang alam ko. I'm a kitchen jinx. Ayaw yatang magcooperate ng kusina sakin eh. Kitchen hates me. Ngayon muntikan pa kaming masunog dahil nagliyab ang chicken na niluluto ko. Damn!
Feel ko naiiyak ako sa sobrang inis. I'm 23 yet I don't know how to cook even fried chicken. Nakakainis!
Agad naman akong niyakap ni Kai at pinunasan niya ang konti kong luha.
"I'm sorry."I sobbed.
"You don't have to be sorry Seulgi. I told you not to stress yourself. I can cook for the both of us. Pwede naman tayong magpadeliver nalang."sabi niya
"But I want to cook for you. Kahit yun man lang magawa ko kapalit ng pagpapatira mo sakin dito."sagot ko.
"Humingi ba ako ng kapalit? I didn't ask for anything, Seulgi. You with me is enough."
"Pero gusto ko pa din gawin to for you."
"Gusto mo talagang makabayad diba?"he asked.
Tumango ako.
"Then there's one I really need."
"Ano yun?"
Bigla siyang lumapit sakin at ngumuso. Alam ko na ang ibig sabihin ni Kai. At dahil gusto ko talagang makabawi man lang, binigyan ko siya ng smack.
"Ayan! Bayad na ako."
"Wow! Kailangan pala oras-oras kitang singilin. Marami ka pang dapat bayaran sakin Seul. Sinira mo pa yung kawali ko."pang-aasar niya.
"Ansama. Fine. Next time babayaran kita."
"Aasahan ko yan ah. By the way, I need to go. May dadaanan pa ako sa bahay."paalam niya.
"Aalis ka na? Hindi ka ba kakain man lang?"
"Seeing your face makes me full. Atsaka wala akong planong kainin yang sunog na manok noh."he said.
"Hmp! Ansama mo talaga. Umalis ka na nga."sabi ko saka ko siya hinatid sa may pintuan.
"Wala ba akong pabaon na kiss?"singit niya.
"Binigay ko na kanina matuto kang makontento."ani ko bago siya pinagsarhan ng pintuan.
"Sige sa pagbalik ko nalang kita sisingilin."
---
Kai's POVHabang papalapit ako sa bahay namin ay nakita ko ang madaming tao sa labas ng gate namin. May mga armadong lalaki ang nandun. May mga pulis din.
"Anong ibig sabihin nito?"tanong ko sa guard namin.
"Sir. Yung mga magulang po ni Seulgi nasa loob. Hinahanap nila si Seulgi."aniya.
Agad akong pumasok sa loob ng bahay namin at nakita ko doon ang mga magulang ni Seulgi pati na din ang mga magulang ko na sinusubukang pigilan ang mga pulis para halughugin ang bahay namin.
"Kai!"natatakot na sabi ni mommy sakin.
"Nandito ka din naman pala. Ilabas mo ang anak ko."galit na saad ng daddy ni Seulgi.
"Wala siya dito. Hindi ko alam kung nasaan siya kaya ang mabuti pa umalis na kayo sa bahay namin. Pwede namin kayong kasuhan ng trespassing."galit kong pahayag.
"Tinatakot mo ba ako?"Seulgi's dad.
"Sinasabi ko lang kung anong pwede naming gawin. Trespassing tong gunagawa niyo."sagot ko sa kanya.
Bahagyang tumawa ang daddy. "Aalis lang ako dito kapag nakuha na namin si Seulgi. Kaya kung ako sa iyo ilabas muna siya."
"Wala talaga si Seulgi dito. Teka nga---may ginawa ba kayo sa kanya para maglayas siya? Sinaktan niyo ba siya."tanong ko.
"Wala kang pakialam. Kung hindi mo ilalabas si Seulgi pwes ako ang magpapalabas sa kanya."
"Anong gagawin mo? Gigipitin mo siya? Sasaktan mo kami? Eh duwag ka pala eh. Naturingang ama ka na Seulgi pero di mo pinaparamdam sa kanya. Wala kang kwentang ama."saad ko.
Dahil sa sinabi ko ay agad akong nakatanggap ng isang malutong na suntok mula sa ama ni Seulgi.
"Kai!"mom shouted.
"LUMAYAS NA KAYO SA BAHAY NAMIN KUNG AYAW NIYONG KASUHAN NAMIN KAYO. LAYAS!"sigaw ni daddy.
"Ito tandaan niyo Kai. Hindi ko hahayaang mapunta si Seulgi sayo. Hindi ka nababagay sa kanya. I'll do whatever it takes, mabawi ko lang ang anak ko."sabi sakin ng daddy ni Seulgi.
"Hindi ko siya babawiin, hihintayin ko ang panahon na siya ang babalik samin."dagdag pa nito bago lumabas ng bahay namin.
---
Third Person's POVNang makauwi na ang mga magulang ni Seulgi sa bahay nila ay agad na inihagis ni Gian ang baso na nasa kanyang kamay. Galit na galit ito habang si Senna naman ay umiiyak na lamang.
"Babalik din si Seulgi dito. Sisiguraduhin kong babalik siya dito sa lalong madaling panahon."sabi ni Gian
"Hindi ko na pipiliting bumalik si Seulgi dito. Hahayaan ko siyang siya mismo ang magmakaawang bumalik sa bahay nato. And I'm sure hindi din iyon magtatagal. Tignan lang natin kung di siya babalik sa gagawin ko."
"Gian bakit di mo nalang hayaan silang dalawa?"sabi ni Senna.
"Naririnig mo ba ang sinasabi mo Senna? Hahayaan silang dalawa? Mamatay muna ako bago sila magiging masaya."sagot ni Gian sa asawa.
"Gian anak mo si Seulgi di naman siguro masama kung magiging masaya ka sa ikakasaya ng anak mo."Senna
"Oo nga, anak ko si Seulgi pero ang maging masaya sa kagaguhan niya ay di ko kayang gawin. Hindi ko hahayaang masira ang pangalan ng pamilya natin dahil lang sa katangahan ng anak mo."Gian
"Baka nakakalimutan mo anak natin siya. Hindi ko lang siya anak. Buong buhay ni Seulgi na kasama tayo puro mga gusto mo ang sinusunod niya, ngayon lang niya pinaglaban ang kagustuhan niya. Di naman siguro masamang suportahan ang anak natin diba?"saad ni Senna
Agad ay nakatanggap ng isang sampal si Senna mula kay Gian.
"Pareho talaga kayo ng anak mo. Hindi kayo nag-iisip. Pagdating sa pag-ibig napakatanga kayo. Estupida!"
"Oo tanga kami sa pag-ibig. At mas lalong tanga ako na ikaw ang minahal ko. Kung may pinagsisihan man ako ay yun ay ikaw ang naging ama ka ng anak ko. Wala kang kwentang ama!"
Muli ay nakatanggap si Senna ng isang malakas na sampal mula kay Gian at hindi pa nakuntento sinuntok pa nito ang tiyan niya.
"Balang araw papasalamatan mo din ako sa ginagawa ko. I'm doing this for our family."sabi ni Gian at hinatak ang buhok ni Senna.
"You're not doing this for our family, you're doing this for yourself. You're selfish!"
BINABASA MO ANG
For You I Will (KAI x SEULGI) [Unedited Version]
Teen FictionSeulgi and Kai grew up knowing that they are siblings. They care for each other. They love each other as 'sister-brother' . But what if it changes? Paano kung isang araw magbago na ang lahat? Paano kung malaman nila ang tunay nilang pagkatao? Magbab...