76

104 16 6
                                    

warning: typos and gramatical errors ahead.


---
[Chapter 76]

Seulgi's POV

Grounded for three weeks. Nararamdaman kong para akong priso nito. Ni hindi ko man lang magawang itext sina Kai at ang mga kaibigan ko. Kain, kulong sa kwarto at tulog. Yan nalang ang daily routine ko for three weeks.

Nang makaramdam ako ng gutom ay bumaba na ako pero bago pa ako makababa ay narinig ko muna ang pag-uusap nila nommy at daddy.

"Anong plano mo sa anak natin? Ikukulong mo lang siya habang buhay."rinig kong tanong ni mommy.

"Hindi yan ang plano ko Senna. Pansamantala lang yan, inaasikaso ko pa lahat ng mga kailangang asikasuhin para kay Seulgi. Babalik tayo sa US."Dad replied.

"Ano?"

"Hindi sapat na ikulong ko lang siya dito sa bahay. Kailangan ko siyang ilayo sa Kai na yun. Hindi ko hahayaang masira ang pangalan ng pamilya natin dahil lang sa lalaking yun. Kaya sa lalong madaling panahon, babalik tayo sa US."Daddy.

Agad akong bumalik sa kwarto ng marinig ko ang pag-uusap nila. Akala ko matatapos na ang pagdudusa ko pero yun pala madadagdagan. Dad is planning to separate Kai and me. Ibabalik niya ako sa US for Christ's sake. Hindi ako papayag. I can't leave Kai. Hindi ko siya iiwan.

Nag-isip ako ng paraan para di matuloy ang pagbalik namin sa US. You left me with no choice dad. I'm sorry but this is the best thing to do. Buong buhay ko na kasama kita puro gusto mo ang palagi kong sinusunod. It will be not too selfish to follow what I like and I love this time.

Agad akong nag-impake ng mga importanteng gamit. Yung mga damit lang na kailangan ko ang tanging dadalhin ko. Pagkatapos nun ay humanap ako ng tyempo. Dad and Mom are going to a business meeting kaya mas mapapadali ang pagtakas ko. Nang makita kong nakaalis na sila ay ang mga bodyguard nalang sa gate ang pinoproblema ko.

"Seulgi!"napatingin nalang ako sa may pintuan ng pumasok si Liz.

"Shhhh."

Sinirado niya ang pinto at nilapitan ako. Nakita niya ang dala kong bag. "Saan ka pupunta?"tanong niya.

"I need to escape Liz. Mom and Dad are planning to go back to US at isasama nila ako. Hindi ko pwedeng iwan si Kai. Kaya please...tulungan mo ko."

"Sige. Paano ba kita matutulungan?"

Sumigaw ako ng napakalakas ng marinig ito ng mga bodyguard namin. I'm sure lahat sila pupunta sa kwarto ko. Si Liz naman nakatalukbong ng kumot para akalain ng mga bodyguard na ako ang nasa loob at hindi siya. Kinuha ako ang pagkakaton na iyon para makadaan sa may terrace ng kwarto ko.

"Thank you."sabi ko bago tuluyang bumaba gamit ang hagdanan sa gilid nito.

Nang sa wakas makalabas na ako ng bahay namin ay mabilis akong tumakbo papalabas ng village. Hindi nila ako pwedeng mahuli. Hindi nila ako pwedeng maibalik dun. Dahil sigurado ako kapag bumalik ako doon mas lalong hihigpit sila at sigurado akong dadalhin na agad ako sa US nito.

Wala ng ibang pumasok sa isip ko na pwedeng puntahan maliban nalang kina Kai. I need to ask for his help. Agad akong nagtungo sa bahay nila.

For You I Will (KAI x SEULGI) [Unedited Version]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon