4

298 28 8
                                    


[Chapter 4]

Seulgi's POV

"Pwede ba Kuya! Stop pestering me!"inis kong sabi.

Palabas na kami ng bahay pero palagi niya pa rin akong ginugulo.

"Sige na Seul. Bati na tayo."kanina pa talaga yang line na yan mula sa bibig niya.

I don't want to. Naiinis pa din ako sa kanya. He promised for Christ's sake.

"Tss."

"I won't stop until you forgive me"Kuya said.

Kanina pa niya ako ginugulo. He keeps pinching my cheeks. Drawing circles on my arms. Anong akala niya drawing book ang braso ko?

"STOP NA KUYA!"I shouted.

He just chuckled and continued pestering me. Nagmadali ako sa paglalakad.

"Kapag hindi ka talaga tumigil Kuya, wala nang chance na magbabati tayo"pambabanta ko sa kanya.

Napatigil naman siya sa panggugulo sakin at lumapit sa sasakyan ni Suho. He's really scared, huh? As if naman tototohanin ko ang sinabi ko. He's my brother and there's no way I wouldn't talk to him.

Nauna akong nakarating sa school at nagmadali agad ako papuntang classroom. Nakasalubong ko pa nga ang EXO eh. Pero hindi ko nalang sila pinansin. Ayaw ko munang kasabay si Kuya ngayon.

"SEULGI!" rinig kong sigaw ng EXO pero hindi ko pa din sila pinansin.

Takbo.
Takbo.
Takbo.
Takbo.
Takbo.

"Mukha kang hinahabol ng isang daang aso teh!"asar ni Joy sakin.

Sa wakas ay nakarating na din ako sa classroom.

"Whatever."sagot ko saka umupo. Hindi nagtagal ay dumating na ang EXO kasama si Kuya.

"Here!"nakita ko namang inabutan ako ni Kuya nang panyo. "Naliligo ka na sa pawis."he continued.

Tinanggap ko naman ang panyo mula sa kanya. Akala ko guguluhin niya ulit ako pero dumiretso agad siya sa upuan niya.

What's happening to you Seulgi? Bakit ka ba nagtatampo sa kuya mo? Umaasta ka na parang may boyfriend na walang oras sayo. Dapat iniintindi mo ang kapatid mo! Aish!

***

"Kai thank you nga pala sa paghatid mo kagabi?"I was shocked when I heard those words from Naeun. Hinatid siya ni Kuya? Now I know kung bakit matagal umuwi si Kuya kagabi.

"Welcome."Kuya answered.

Nilagpasan nalang kami ni Naeun. Kasama ko na ang EXO ngayon. Kahit gustuhin ko mang pahabain ang pride ko hindi ko naman magawa. He's my brother and I can't stand not talking to him.

"Hinatid mo siya kagabi?"tanong ko. Were here in the lobby. Papunta ng cafeteria para maglunch. Sabi kasi ni Kuya na gusto niya sabay nalang ako maglunch sa kanila.

He nodded.

"Anong nangyari Kai?"tanong ni Luhan.

"Hinatid ko lang siya sa bahay nila"sagot ni Kuya.

"Wala bang nangyaring exciting?"Chen.

"CHEN!"sigaw ko. Nagulat naman sila sakin. They looked at me and base on their faces, they're shocked.

"What?"tanong ko sa kanila saka tinignan si Kuya. "I told you! No monkey business."sabi ko kay Kuya.

I saw him laugh. Anong nakakatawa? Dahil sa inis ko ay iniwanan ko nalang sila dun at nauna sa cafeteria. Magsama sila ni Naeun. Kay Naeun may time siya para ihatid pero sakin... I mean sa pasta na niluto ko wala. Edi sana si Naeun nalang ang kapatid niya!

For You I Will (KAI x SEULGI) [Unedited Version]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon