[Chapter 2]Kai's POV
"Paburger ka naman diyan Kai!"request ni DO. Nasa may cafeteria kami ngayon. Break eh.
Dalawang araw na ang lumipas mula nung ipost ang mga honor students. Palagi nila akong kinukulit na ilibre ko daw sila.
"Wala nga kasi akong pera. Atsaka may pinag-iipunan ako."tanggi ko.
"Anong walang pera? Eh ang yaman niyo nga eh. Ikaw? Nag-iipon? Pre! Ikakasal ka na ba?"binatukan ko naman agad si Chen. Ano bang pinagsasabi niya.
"Porket ba nag-iipon, ikakasal na agad? Hindi ba pwedeng may bibilhin lang."saad ko.
"Kuripot mo naman. Yung kapatid mo nga nanlibre sa mga kaibigan niya. Tapos ikaw hindi."Sehun.
"Hayaan niyo siya. Ngayon pa niya natry manlibre dahil honor student siya. Ako, ilang taon na akong nanlilibre sa inyo. Next quarter nalang."
"Sabi mo yan ah. May utang ka na samin."seryosong saad ni Luhan.
Ako pa ang may utang ngayon? Mga gago talaga.
"Okay fine!"hindi ko naman sila matanggihan dahil nga kaibigan ko sila. In good times and in bad times.
Bumalik agad kami sa classroom bago magring ang bell. Mahirap na medyo may pagka terror ang math teacher namin. Takot nga si Seulgi sa kanya.
"Okay! Get one whole sheet of paper. We will have a surprise quiz."sabi agad ni Mrs. Butang nang makapasok siya sa classroom namin. Nakita ko namang napakamot ng ulo si Seulgi. She really hates math.
Wala pang kalahating oras ay natapos na ako. Easy lang nito eh! Trigo lang naman. Nilingon ko ang mga kaibigan ko. May pasolve solve pang nalalaman, kung alam ko lang gumuguhit lang yan sa scratch paper nila.
Tinignan ko naman ang kapatid ko na ngayon ay hinahawakan ang ulo. Sumasakit yata ang ulo niya sa quiz. Sabihin na nating nasa average stage lang ang IQ niya habang ako nasa advance stage.
Nang biglang lumabas si Mrs. Butang ay binato ko kaagad kay Seulgi ang scratch paper ko kung saan nandun lahat ng answer at solution. Wala namang nakakita dahil nakayuko silang lahat at busy sa pagsagot.
"Class dismissed."napayawn naman lahat nang mga kaklase ko ng magpaalam Mrs. Butang.
"Grabe! Ang sakit sa ulo ng Math."Lay complained.
"Hindi lang ulo mo ang masakit. Pati na din sakin noh. Nakakainis! Hindi man lang sinabi na magkakaroon ng surprise quiz."sabay kamot sa batok si Chanyeol.
"Surprise nga diba? Saan ka ba nakakita ng surprise na sinasabi muna."pang-aasar ni Chen kay Chanyeol.
"Math is definitely not my style"komento ni Kris.
"Wala ka naman yatang style eh."Tao.
"Of course not. Sleeping is my style"sagot ni Kris.
"Mabuti pa to si Baekhyun at Kai. Parang ang dali-dali lang sa kanila"Suho said.
"Nagkataon lang talaga na favorite ko ang math."Baekhyun answered.
"Edi kayo na ang gifted!"sabi ni Sehun.
Napatawa nalang ako sa mga kaibigan ko. They're stressing theirselves.
"KUYA!"napalingon naman ako sa tumawag sakin.
It's Seulgi. Sino pa ba ang tumatawag sakin na kuya? Siya lang naman. Lumapit siya sakin saka ako inakbayan.
"Thank you ha."sabi niya. I smiled at her. Kahit kailan hindi ko magagawang pabayaan siya. Wala akong pakialam kong sabihin nilang cheating yun, ang mahalaga natulungan ko si Seulgi.
"Anong thank you?"ang chismoso ni Chen. Promise!
"Wala."sagot ni Seulgi sa kanya saka ako tignan. "Kuya punta muna kami sa may cafeteria ha. Nagugutom na kasi ako eh."paalam niya sakin.
"O sige ba. May pera ka pa ba diyan? You can use my credit card."offer ko sa kanya. Umiling naman siya.
"I have my own credit card also kuya. Atsaka may cash pa naman ako eh. Sige mauna na ako sa inyo."sabi niya saka umalis.
"Ang sabi mo nagtitipid ka, tapos ipapagamit mo kay Seulgi ang credit card mo? Nasaan ang hustisya Kai?"umaarte na naman tong si Sehun.
"Sa inyo wala akong budget pero sa kapatid ko meron! Tss."saka ako bumalik sa upuan ko at nagsoundtrip nalang.
***
Seulgi's POV
"Seulgi! Nagustuhan ba ni Kai ang gift ko?"salubong sakin ni Maureen nang makapasok kami sa cafeteria.
"Uhmm..." I don't know what to say. Sabi kasi ni Kuya hindi siya mahilig sa anime. Eh anime miniature ang regalo ni Maureen sa kanya eh. Ang malala pa, binigay ni Kuya sakin ang miniature. Kahit hindi ko din gusto tinanggap ko nalang. Sayang naman kong itapon lang.
Tinignan ko si Maureen ngayon na parang nalulungkot.
"Of course. Sabi nga ni Kuya. Thank you daw."pagsisinungaling ko. Bigla namang ngumiti si Maureen.
"Really? Thank you talaga Seulgi. You're the best."She said before leaving the cafe.
Maureen and I know each other for about two years. Magkasama kasi kami sa Glee Club eh. Pero hindi kami magkaklase. Nasa section B siya habang ako na pinalad na makapasok sa Section A.
"Did Kai really liked the gift?"tanong ni Wendy nang makapila kami sa cafeteria. Kaming dalawa lang kasi ang bumili. Pagod ang tatlo.
I shooked my head. Kahit ayaw kong magsinungaling, kailangan. Para hindi masaktan si Maureen. Kawawa naman kasi.
"Bad Seulgi."napailing nalang si Wendy.
"Masisisi mo ba ako? I don't want Maureen to get hurt. O kahit na sino pa diyan. Atsaka totoo namang nagthank you si Kuya talaga."sabi ko.
"Pag nalaman ni Kai na nagsisinungaling ka, magagalit yun"Wendy.
"He won't. Mahal niya ko kaya hindi niya magagawang pagalitan ako. And besides, hindi niya malalaman kung hindi mo sasabihin."nagpacute naman ako kay Wendy. Alam ko weakness nito eh, ang cuteness ko!
"Pasalamat ka malakas ka sakin"nakangisi niyang sagot.
Nang bumalik kami sa classroom ay wala pa ang next subject teacher namin kaya nilabas ko ang drawing book ko. Drawing is one of my talent. Mahilig talaga akong gumuhit. Mapasceneries man, portrait o kahit ano.
"Hindi ka man gifted sa IQ. Gifted ka naman sa pagguhit."napalingon naman ako sa nagsalita sa likuran ko.
"Oo nga eh. Patunay lang to Kuya na 'Nobody's perfect'."sagot ko kay Kuya.
"Iguhit mo naman ako oh."request niya.
"Ang hirap mo kayang iguhit."reklamo ko.
"Mahirap? Sa gwapo kong to?"pagmamayabang niya. Well, he's right. For me, Kuya is the most handsome man in the world. Syempre next sa daddy namin. Daddy's girl kaya ako.
"Yun na nga eh. Masyado kang gwapo. Baka pumangit ka sa guhit ko"nagtawanan naman kami sa sinabi ko. I'm really lucky to have him as my brother. Pero mas maswerte ang babaeng mamahalin ni Kuya.
----
[A/N] Two chapters in one day. How is it? Mga SeulKai shippers o mga sinong readers man diyan huwag naman kayong maging silent reader. Sige kayo, nakakabingi yan. Dejoke! Please support and love my story.Vote, Comment and Spread the Word!
Don't forget to follow me! Promise mabait ako. You can communicate with me.
-madamedamin
BINABASA MO ANG
For You I Will (KAI x SEULGI) [Unedited Version]
Ficção AdolescenteSeulgi and Kai grew up knowing that they are siblings. They care for each other. They love each other as 'sister-brother' . But what if it changes? Paano kung isang araw magbago na ang lahat? Paano kung malaman nila ang tunay nilang pagkatao? Magbab...