57

131 16 2
                                    

[Chapter 57]

Seulgi's POV

Nasa may hotel ako ngayon. May kameeting ako, gusto ko kasing magtayo pa ng isang branch ng clothing line ko dito sa Philippines. Malayo kasi sa address ko yung outlet ng Philippine Branch. Mga dalawang oras pa biyahe dun.

Habang naglalakad ako papunta sa function hall ay may nakita akong pamilyar na lalaki. May kasama itong babae at nagtatawanan pa sila.

Kaya pala.

Agad kong sinundan ito at  nang makita kong paalis na ang kasama nitong babae ay nilapitan ko ito saka sinampal.

"ARAY! What the heck is your problem Seulgi?"

Nagmamaang-maangan ka pa talaga ah!

"SUNGJAE! HOW DARE YOU. ANG KAPAL NAMAN NG MUKHA MO NOH PARA SAKTAN SI JOY. KUNG ALAM KO LANG NA GANITO DIN NAMAN ANG GAGAWIN MO EDI SANA HINDI NALANG KITA TINULUNGAN NUNG HIGH SCHOOL"

"Teka Seulgi. Huminahon ka. Ano bang pinagsasabi mo?"aniya.

"Kung ayaw mo na kay Joy sabihin mo sa kanya. Makipaghiwalay ka sa kanya. Hindi itong pinapaasa mo lang siya. Alam mo bang konti nalang at mababaliw na ang kaibigan ko sa kakaisip kung anong problema niyong dalawa. Kung nagsasawa ka na sa kanya, tapusin mo na."

"Seulgi. Mali ang iniisip mo."pahayag ni Sungjae.

"Wow! Mali? Iexplain mo nga yung nakita ko. Ano yun childhood friend kayo tas nagkita ulit kayo ngayon after how many years. Ganon ba yun? Sungjae lumang style na yan. Pinagkatiwalaan ka namin. We thought you'll gonna love Joy until your last breathe pero mali kami. Sasaktan mo lang din naman siya."sabi ko.

"Seulgi listen. Walang namamagitan samin ng babaeng yun. Wala akong affair sa ibang babae. Si Joy lang ang tanging babaeng mahal ko. Mali yung iniisip mo. Hindi ko kayang saktan si Joy."Sungjae said.

"Kung ganun! Sino yung babaeng yun?"


"Organizer. An engagement organizer."


Agad naman akong napatakip ng bibig sa sinabi ni Sungjae. I was literally smiling. It means...

"I'm planning to propose on her. I want to marry Joy."he uttered.

Napapalakpak naman ako ng mahina sa sinabi niya. Men talaga. Men are full of surprises.

"So you mean...lahat ng actions mo sa kanya this past few days it was all planned? Plano mong maging cold sa kanya?"I asked.

He nodded. "Yup! Gusto kong magpamiss sa kanya. And habang busy siya sa kakaisip ng problema namin ay busy din ako sa paghahanda sa engagement na magaganap."

"My God Sungjae. I'm sorry kung nasampal pa kita. I'm sorry kung nasigawan kita. Akala ko lang talaga sinasaktan mo si Joy."saad ko.

"It's fine Seulgi. Wala ka namang alam dati eh."ani ni Sungjae.

"Wait. Maliban sakin, sino pa ang nakakaalam nito?"tanong ko.

"Siguro ngayon alam na ito ng buong EXO. Tinulungan kasi ako ni Chanyeol sa preparation and knowing him masyado yung madaldal. Ikaw, ang EXO, my parents and of course Joy's parents. Syempre nagpaalam na ako sa kanila last month pa. And luckily they all agreed."he answered.

"Gosh! Di pa talaga totally nagsisink-in sakin. Hindi magtatagal ay may magpapakasal na sa mga kaibigan ko."

"Seulgi thank you. Thank you kasi ikaw ang dahilan kung bakit kami naging ganito ni Joy. Without your help five years ago, hindi ko alam kung aabot kami sa ganito ni Joy. Kaya salamat talaga."napayakap naman ako kay Sungjae pagkatapos niyang magpasalamat.

For You I Will (KAI x SEULGI) [Unedited Version]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon