14

224 22 2
                                    

[Chapter 14]

Wendy's POV

"Hoy! Irene titigas na yang bibig mo sa kakangisi mo diyan. Kanina ka pa ah!"saway ko kay Irene. Paano ba naman kasi kanina pa ngisi ng ngisi diyan. Para siyang nababaliw.

"Pwede ba Wendy hayaan mo na tong si Irene, kinikilig yan."sabat ni Yeri.

"Tss."

"Oh nandito na pala sina Seulgi."sabi ni Joy na nakatingin sa may pintuan ng cafeteria.

Papasok sina Seulgi kasama ang EXO sa cafeteria. Nilingon ko naman ang kaharap ko na si Irene na kanina pa nakangiti at ngayon ay tinititigan na si Kai. Ang sarap kantahan ng Twinkle  Twinkle Little Star.

Tss. Kaya ayaw kong mainlove eh. Nakakabaliw yan.

"Hay! Ang tagal niyo naman."reklamo ko nang makalapit na sila sa table namin.

"Pasensya na. Ito kasing si Kuya ang bagal kumilos."sagot ni Seulgi.

"Saan ba kayo galing?"tanong ni Joy.

"Practice ng basketball. Palipas oras lang."sagot ni Chanyeol.

Nagpalipas oras pa talaga sila? Ang tagal kaya naming naghintay dito.

"Dito nalang kayo umupo. Kasya naman tayo dito eh."alok ni Irene sa kanila

Ang sabihin mo gusto mo lang makatabi si Kai.

At tama nga ako. Tumabi si Kai sa kanya at tinutukso naman sila ng EXO.
Tinignan ko naman ang katabi ko ngayon na Seulgi. Parang ang tahimik niya ata at walang kaekspresyon ekspresyon ang mukha.

"Problema mo?"mahina kong tanong sa kanya.

"Wala. Gutom lang."sagot niya at nagsimula ng kumain.

***

"Kyung!" I called out his name.

He's walking in the hallway. He's alone kaya nilapitan ko agad siya.

"Tss."sagot niya.

Agad ko naman siyang nilapitan at inakbayan. Miss ko na siyang kausap eh.

"Ang sungit mo talaga Kyung."sabi ko sabay pisil ng pisngi niya.

Kyungsoo is my childhood bestfriend. Magkaibigan kami bago pa niya nakilala sina Seulgi at ang EXO.

"Galit ka pa rin ba sakin Kyung? Do you hate me?"I asked him.

He stopped walking.

He looked at me, "I don't hate you, I just don't want to be friends with you anymore. So please... stay away from me."he said before leaving.

Awts! Ang sakit nun ah. Kahit hindi niya sabihin alam kong galit pa din siya sakin. Anim na taon ko na siyang sinusuyo pero wa epek pa din. Sa anim na taon na yun palagi niya akong iniiwasan kahit palagi kaming nagkikita o nagkakasama.

I can't blame him. I left him. Nangako akong babalikan ko siya pero di ko nagawa agad.

My mom and dad decided to migrate in the US. Dun na daw muna kami titira. Ang sabi nila ibabalik daw nila agad ako kay lola pero hindi nila tinupad yun. Ang pitong buwan na pinangako ko kay Kyungsoo ay naging pitong taon. Pitong taon bago ako nakabalik sa Pinas. Nang makabalik ako ay agad kong pinuntahan ang dating address nila pero wala na sila dun. Ang sabi matagal na daw silang lumipat.

Nang maghigh school ako ay dun ko naging kaibigan si Seulgi. And fourtunately, kaibigan niya din si Kyungsoo. Nagpakilala ako sa kanya at inakala kong matutuwa siya sa pagkikita namin. But I'm wrong. Definitely wrong.

For You I Will (KAI x SEULGI) [Unedited Version]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon