Seulgi and Kai grew up knowing that they are siblings. They care for each other. They love each other as 'sister-brother' . But what if it changes? Paano kung isang araw magbago na ang lahat? Paano kung malaman nila ang tunay nilang pagkatao? Magbab...
Marahan akong bumaba mula sa taxi na sinasakyan ko. Nandito na ako sa Happiness Park, dito ang lugar na sinabi sa sulat kung saan kami magkikita ng SK na yun. This is now or never! Desperada na ako. I even lied to my parents na may usapan kami nila Irene, sana lang hindi sila magtanong sa kanila.
I took a deep breathe. Pawis na pawis na ako. Siguro dahil sa kaba at takot. Bago ako pumasok ay pinikit ko muna ang mga mata ko.
This is it!
Nang makapasok na ako sa mismong park ay may nakita agad akong babae na nakatalikod at halatang may hinihintay. Siya na kaya yun? Siya na kaya si SK?
"Excuse me..."hindi ko pa nga natatapos ang sasabihin ko ng bigla siyang humarap sakin.
"Seulgi"she said and hugged me tightly.
"Uhmmm...hindi ako makahinga."reklamo ko at agad naman siyang bumitaw sa yakap.
Hinawakan niya ang mukha ko at hinaplos ito. "Ang laki laki mo na Seulgi. Kamukhang-kamukha ka talaga niya"
"Excuse me po. Una sa lahat hindi ko po alam ang pinagsasabi niyo atsaka anong kamukha niya talaga ako? How did you know my name?"naguguluhan kong tanong.
"Seulgi, ang saya-saya ko at sa wakas nahawakan at nakita na rin kita. Patawarin mo ko sa ginawa ko sayo dati. Bata pa ako nun at hindi ko alam kung anong gagawin ko. Hindi pa ako handa nong panahon na yun kaya iniwan kita."
I started to become more curious. Hindi pa siya handa noon? Iniwan niya ako? Sino ba talaga siya?
"Can you please be straight forward? Sino ka ba talaga?"naiinis kong tanong.
"Seulgi... I'm Senna Kang--- your mother."
Hindi ko alam pero bigla nalang nanghina ang mga tuhod ko na kahit anong oras pwede akong matumba. Parang jelly ace sa sobrang lambot. Naramdaman ko nalang bigla ang pagpatak ng mga luha ko.
I tried to gave her a sarcastic smile, "Mawalang galang nalang po pero nababaliw ka na ba? Okay... you looked rich and educated but how come nagagawa mong magsinungaling at manloko. Ako? Anak mo? Oh come on! Sabi ko na nga ba walang magandang patutunguhan tong pagkikitang to."
Tatalikuran ko na sana siya nang bigla niyang hawakan ang braso ko.
"I know mahirap paniwalaan. For 18 years you lived with the Kims but I'm saying the truth. Ako ang ina mo Seulgi. I'm your biological mom. I can give you proofs if you want."binitawan niya ang pagkakahawak sa braso ko at may kinuha siya sa bag niya.
She handed me a picture. It's me. Ako ang nasa larawan. Picture ko nung sanggol pa ako. Nakita ko na din kasi ito sa photo album namin sa bahay.
"Kyla gave me that picture 18 years ago. It was the time when I gave you to them."she said.
She held my hands, " Seulgi...I was young and too ambitious when I had you. Ang dami ko pang pangarap noon. That time I worked on your dad's company. It was my stepping stone para maabot ko ang mga pangarap ko. I want to work abroad pero hindi ko na nagawa yun dahil nabuntis ako nang business partner nang daddy mo. Hindi ko alam kung anong gagawin ko that time. Kaya napagdesisyunan kong iwan ka kina Kyla noon. Alam ko hindi sapat ang rason ko para iwan ko Seulgi pero gulong-gulo talaga ang isipan ko noon,"
I don't know but I suddenly felt deep inside like she's telling the truth. Kitang-kita sa mga mata niya na totoo ang mga sinasabi niya.
"No! Seulgi! Alam mo na ang mga tao ngayon magagaling na umarte. It's just an acting. Hindi totoo lahat ng mga sinasabi niya. She's lying."sabi ko sa isipan ko.
Hinawi ko ang kamay ko mula sa pagkakahawak niya.
"You know what I don't believe you. Sabi sakin ng parents ko na hindi ako ampon. At kumpara sayo mas maniniwala ako sa kanila. Kung wala kang magawa sa buhay mo huwag mo kong guluhin. You're not my mother. I'm not a Kang!"saka ako tumakbo papalabas ng park.
Kai's POV
"Where's Seulgi?" I asked mom and dad as soon as I went down stairs.
"Nagpa-alam siya kanina Kai na may lakad daw siya kasama sina Irene."sagot ni mommy.
Lumapit ako sa kanila saka sila tinabihan.
"Mom, I just want to ask. Hanggang kelan tayo magsisinungaling kay Seulgi. Parang hindi ko na kayang magsinungaling sa kanya. Kinakain na ako nang konsensiya ko."
"Anak sa maniwala ka man o sa hindi, 18 years kaming hindi pinapatulog nang konsensiya namin. Lying to her is the worst sin we ever did. We need to protect her, mahal namin si Seulgi kaya din namin siya kayang saktan. Kung pwede lang habang buhay naming itago sa kanya to basta lang di siya magalit satin gagawin namin."dad explained.
"We can't afford to lose her Kai. Hindi man nagmula sakin si Seulgi, nanggaling naman siya sa puso ko. I know were being too selfish pero mahal na mahal lang namin si Seulgi na ayaw naming mawala siya satin."mom
"I understand dad and mom. I can be selfish too for her. Ganyan ko siya kamahal..."I paused for a while
"pero mom paano pag nalaman to ni Seulgi?"
"I don't know Kai. We just don't know what will happen. Yan ang kinakatakutan ko ang malaman ni Seulgi na hindi siya isang Kim. Na hindi namin siya anak."
Nang matapos magsalita si mommy ay bigla nalang kaming nakadinig nang isang malakas na pagsalampak ng pinto. She's there standing. She's damn crying for Pete's sake. Bigla nalang kaming naistatwa nang makita siya. I'm sure she heard it.
"Seulgi..."
"So totoo pala na hindi niyo ko anak. Na hindi ako isang Kim. You lied to me, lahat kayo!I hate you!"
--- [A/N]
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Ansama makatingin ni kaisshi! Hehehe ❤️
---Pasensya na talaga guys! Hindi ako ganun kagaling gumawa ng mga ganitong scene. Yung may revelation na. Nahihirapan ako sa mga ganyan eh. Pero babawi ako promise!
Thank you nga pala sa mga walang sawang sumusuporta nito at hindi bumibitaw. Mahal na mahal ko kayo guyth! ❤️❤️❤️
Sino naghihintay dito ng Red Velvet comeback? Karamay niyo ko diyan! Sana magcomeback na talaga sila. Miss ko na sila lalo na si Seulgi 🐻