40

203 20 5
                                    

[Chapter 40]

Kai's POV

"Matutunaw si Seulgi niyan pre!"bulong sakin ni Sehun na ngayon ay katabi ko.

Kanina ko pa kasi tinititigan si Seulgi eh. She's with Jimin. Para ngang naniningkit ang mga mata ko sa tuwing tinitignan sila. How can she be happy with Jimin? I mean Jimin is nice pero I don't like him to be with her.

"I'm not staring at her dude."I denied.

"Asus! Sige si Jimin ang matutunaw diyan sa titig mo."sabat ni Chanyeol.

"Alam mo they're cute. Ayaw mo ba nun atleast kilala mo kong sino ang magiging boyfriend ni Seulgi."Baekhyun.

"Oo nga Kai. Kilala na natin si Jimin mula pa noon. Mabait naman siya tas sa nakikita namin parang seryoso talaga siya kay Seulgi. Ayaw mo bang siya ang makatuluyan ni Seulgi?"sabi naman ni Suho.

"Ayaw niya kasi gusto niya siya."mahinang sabi ni Kris.

"Ano? Anong sabi mo Kris? Gusto niyang siya?"Luhan.

"Ang ibig kong sabihin, gusto siguro niyang siya ang mamili para kay Seulgi."palusot ni Kris.

"Of course not! Bata pa si Seulgi. Bawal pa yun sa kanya."ganti ko.

Nang matapos ang klase namin ay lumabas ako at sakto namang nakita ko si Jimin.

"Pre! Pwede ka bang makausap?"tanong ko sa kanya.

"Oo naman Kai! Para saan?"Jimin.

"Tungkol kay Seulgi."direkta kong sagot.

Jimin smiled at nodded, "What about her?"

"Sinagot ka na ba niya?"I asked him. Please...sana hindi pa. Huwag naman sana.

Jimin shooked his head. Thank God!

"Darating din yang araw na yan Kai."nakangiti niyang sagot.

"Wala ka bang planong sumuko sa panliligaw sa kanya?"tanong ko.

"Of course wala! Seulgi deserves all of this. And I'm willing to wait just for her. Ganun ako kaseryoso sa kanya Kai."matigas na sabi ni Jimin.

"Then good! Mabuti naman at kaya mo siyang hintayin. Kasi sa pagkakaalam ko wala pa sa plano niya ang magkaboyfriend."

"Don't worry I'll wait for her. You know me Kai. Hindi ako madaling maiinip na tao. I love her and I'll wait for her even if it takes many years."Jimin replied.

May the best man win

-
Seulgi's POV

Habang breaktime ay napag-isipan namin na tumambay sa may computer lab.

"Ano bang ginagawa natin dito?"tanong ni Joy samin.

"Nagpasama kasi si Seulgi. May kailangan daw siyang isearch."sagot ni Irene.

"Ganun! Sige gora niyo na yan."sagot ni Joy.

I have to search for something.

"Harvard University?"nagtatakang tanong ni Wendy sakin ng mabasa niya ang sinearch ko.

"Harvard? Sikat yan ah! Bakit ka nagsesearch sa Harvard University Seulgi?"tanong naman ni Yeri sakin.

"Ah wala. Narinig ko kasing maganda daw ang school nato."pahayag ko.

"Sus! Para namang mag-aaral ka dun. Hello! Ang layo kaya ng Pinas sa US."sabat ni Joy

Mga chismosa talaga kahit kelan.

"Tinitignan ko lang naman kung anong kinaganda ng school nila ah."sabi ko sa kanila.

"Teka...maiba ako. Saan ba kayo magco-college?"pag-iiba ng topic ni Irene.

Napabuntong hininga nalang ako.

"Di pa sure eh. Pinagpipilian ko pa ang La Salle, Ateneo at UP."sagot ni Wendy sa kanya.

"Guys! Dapat parehas pa din tayo ng school. Kahit magkakaiba ang course na kukunin natin dapat iisa lang ang university na papasukan natin. Para naman palagi tayong magkikita."masayang banggit ni Irene.

Magkaiba kasi ang kursong plano naming kunin. Si Wendy gustong maging Chef. Alam niyo na, mahilig siya magbake at magluto. Si Joy naman gustong maging teacher. Gustong-gusto niya kasi ang mga bata eh. Si Yeri gustong maging business woman. Kasi siya ang magmamana ng mga ari-arian ng pamilya niya. Si Irene gustong maging nurse. Mahilig kasi siyang mag-alaga eh. Habang ako, gusto kong magkaroon ng sariling clothing line. Bata palang ako mahilig na akong gumuhit at magsketch ng mga damit.

"Oo naman! Kung sa Ateneo nalang kaya tayo."alok ni Wendy.

"Oo nga guys! Ateneo nalang tayo."pagsang-ayon ni Yeri sa kanila

"Sure! Basta sa Ateneo tayong lima ah. Walang maiiba."Irene.

Bigla naman akong napatahimik sa mga sinabi nila. Paano ko sila makakasama kung hindi naman pwede? Paano ko matutupad ang pangako namin na walang iwanan kong iiwan ko din naman sila. My life is getting harder everyday. Nalaman kong ampon ko, nakilala ko ang tunay kong mga magulang, pinag-agawan pa ako ng dalawa kong mga magulang, kailangan ko pang lumipat at palitan ang apelyido ko. At ngayon, aalis pa ako. Iiwanan ko pa ang mga kaibigan ko at ang mga taong mahal ko.

Why does it have to be me? Bakit kailangan sakin pa to mangyari?

Habang nagpapatuloy sila sa mga plano nila na kasama ako ay biglang nagvibrate ang phone ko.
.
.
.
.
.
.
.
.

"Your passport and ticket is ready. Were leaving after your graduation."

---
[A/N] Aalis si Seulgi? Waahh! Kai pigilan mo. Sabihin mo na ang tunay mong feelings. Please!

Hehehe! Don't forget to Vote and Comment guys! Mahal na mahal ko kayo ❤️💛💜.

-madamedamin

For You I Will (KAI x SEULGI) [Unedited Version]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon