Kabanata 2

8.6K 129 12
                                        

Kabanata 2
Spur of the Moment

Dahil na rin sa kahilingan ni daddy ay hindi na muna ako sumama talaga paluwas kay Kevin. Ani daddy ay hanggang sa makarecover siya nang tuluyan ay gusto niyang naroon ako. Mainit ngayon sa probinsya dahil summer na, pero malamig sa gabi. Okay lang din siguro na dito muna ako. Nasabihan ko naman na ang supervisor ng aming department at si Kevin na dito na muna ako hahang nagpapagaling si daddy.

Halos isang buwan na ako dito sa bahay namin at isang buwan narin kaming di nagkakausap ni Kevin. Pinatay ko lahat ng social networking sites ko at patay din ang phone ko kaya wala talaga. I just didn't like talking to him at all.

Isang gabi ay nanunuod ako nang isang movie franchise tungkol sa mga meta-humans nang pumasok si mommy sa kwarto. Halatang binunot sa kama dahil nakasingkit pa ang isang mata. Hawak niya ang kanyang cellphone na ibinibigay niya sa akin. "Nasa cellphone si Kevin.. Hindi mo raw sinasagot ang mga tawag niya. Nasiraan daw siya sa bandang bayan. Sunduin mo." Naiinis na sabi ni mommy sabay ibinaba ang cellphone sa may paanan ko.

Nakita kong tumatakbo ang oras doon kaya kinuha ko iyon at itnapat sa aking tenga. "Bakit?"

"Finally!" Singhap niya sa kabilang linya. "Why aren't you answering your phone?"

"Lowbatt ang phone ko. Wala akong charger." Totoong nasa Manila ang charger ko. pwede naman akong bumili pero hindi ko ginawa. Mainly, because of this. Ayaw ko siyang makausap.

"Seriously, Kate?" Bahagyang tumaas ang boses niya na para bang nakumpirma niya na iniiwasan ko siya. "Pwdeng sunduin mo ako dito sa Manson? Nasira ang sasakyan ko."

"Edi magtricycle ka!"

"Seriously Kate, seriously? Kanina pa ako dito! Mabuti nalang at natatandaan kong nag-send ka nang number ni tita sa messenger!"

Umirap ako at bumangon. "Oo, na! Ito na babangon na!" Pinatayan ko nang tawag si Kevin at kinuha ang susi nang motor sa may bulsa nang pantalon ko. Hindi ako gaanong marunong sa four wheels pero kaya ko itong motor.

Kumuha din ako nang jacket at lumabas nang bahay. "Bwisit, hassle!" Nagmaneho ako hanggang Manson sa pagbaba ng tulay at nakita ko nga si Kevin na nakatayo at palakad lakad na para bang inip na inip. Malinis ang kalsada kaya naman pala di siya makapagtricycle kasi wala naman pala.

Huminto ako malapit sa kanya kaya agad rin akong napansin. "Finally!"

"Sumakay ka na at nang maihatid na kita sa inyo. Istorbo ka sa movie marathon ko e." Tumayo siya sa tapat ko at pinapababa ako.

"Bumaba ka. Ako ang magmamaneho."

"Ang OA mo naman, Kev! Marunong ako nito, don't worry! Ikaw nagturo sakin, diba?"

"Baba." Umirap ako at bumaba nalang para wala ng maraming usapan. Nang sumakay siya ay sumakay din ako sa likod niya. Pinaandar niya ang motor pero hindi siya nagmaneho. "Ano, Kev? Hanggang bukas ba tayo dito?"

Nilingon niya ako at hinila ang dalawang kamay paikot sa kanyang bewang. Akmang tatanggalin ko sana ang kamay ko pero naunahan ako ni Kevin. "Wag mong tatanggalin ang kamay mo." Aniya sa isang seryosong boses. Pero dahil naiinis ako ay itinaggal ko iyon at humalukipkip.

"Kapag hindi mo yan ibinalik, Kate Adriana, dito kita iuupo sa harap ko." Umirap ako at bumuntong hininga para malaman niyang nakakairita itong gusto niyang mangyari. Ang ginawa ko ay sa jacket niya ako kumapit. I refuse to circle my hands around his waist because I just don't want to!

"Umuwi na nga tayo." Tahimik lang kaming dalawa pauwi pero laking gulat ko nang nilagpasan niya ang madilim nilang bahay. "Saan mo pa ba balak maglakwatsa, Kevin Rafael? It's almost dawn!"

Can't Help Falling In LoveMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon