Kabanata 49

3.6K 50 16
                                        


Kabanata 49

Always


Maaga pa lamang ng linggo ay tumatawag na sa akin si Jeanne. Pinapapunta na niya kami sa Batangas, kung saan gagaapin ang kasal nina Moira at Charles. Kahapon pa sila naroon ni Scott kaya ngayon ay pinapaunta na niya ako.

Sa Basilica of St. Martin de Tours ikakasal ang dalawa. Ang sabi ni Moira ay dito ikinasal ang kanyang parents, kaya dito rin niya gustong ikasal.

Tuesday ang wedding dahil iyon din ang araw ng anniversary nila, sa totoo lang ay sentimental ang dalawang iyon. I couldn't remember Moira's words exactly but I think she mentioned something about continuation of their love.

"Kate, please? Ngayon din ang punta nina Raven, I can call them so you guys can carpool!"

"Fine, fine, fine..." Alam kong hindi ako titigilan ni Jeanne hanggang hindi niya nakukuha ang gusto niya kaya pumayag na ako. "I'll be there, okay? Pupunta rito sila mommy at isasabay ko na sila."

"Okay! I'll see you later!" Tinawanan ko na lamang si Jeanne dahil doon. Hindi talaga marunong magpatalo ang isang iyon. Tumawag si mommy sa akin kanina umaga sinasabing papunta na sila dito. Invited din ang parents ko dahil halos ampunin na ni mama ang mga kaibigan ko nitong nakaraang mga taon.

Habang naghihintay sa aking mga magulang ay napagisip kong maglinis muna ng aking apartment. Alam kong kapag inabutan itong makalat ni mama ay may kasama pang sermon ang pagpunta nila dito. Ayaw muna sana nilang magpunta dahil dalawang araw silang liliban sa trabaho, pero napilit ko rin sila. I told them to relax a little, matatanda na sila at dapat ay nagrerelax nalang sila sa bahay.

Inuna kong puntahan ang aking kwarto. Medyo makalat talaga ngayon doon. Ang aking laundry ay mapupuno na, ang mga sapatos ay hindi maayos na nasa sahig. Nameywang ako at inikot ang paningin, hindi ko alam kung saan ako unang magsisimula.

Ang ginawa ko ay inuna ko ang mga drawers sa aking dresser. Umupo ako sa sahig at nagsimulang hilahin ang mga drawer sa aking cabinet.

Nang hilahin ko ang pangatlong drawer ay nakita ko doon ang isang square na velvet box. Nang buksan ko ay nakita ko doon ang isang pamilyar na singsing. White gold iyon na puno ng maliliit na diamonds.

Ito iyong singsing na dala ni Kevin noong birthday ko. When he asked me to marry him, after saying no, iniwan niya iyong singsing sa sidetable ko at hindi niya na iyon nakuha pa. Inikot ikot ko sa aking daliri ang singsing, doon ko nakita na mayroon palang naka-engrave sa gitna.

"Semper fidelis." Iyon ang nakalagay sa engraving sa loob ng singsing at ang date noon araw na iyon. Wala sa sariling isinuot koi iyon sa akin daliri. The ring is a perfect fit, parang hinulma iyon para lamang sa akin. The ring adorned my finger beautifully.

Di tulad ng engagement ring ni Moira na may malaking diamond sa gitna, ay simple lang ang binigay ni Kevin. Alam niyang ayaw ko ng may malaking diamond kaya ganito ang napili niya. I smiled at the thought of Kevin putting my needs before him. Kahit alam kong ang gusto niya ay iyong pinakamaganda at pinakamahal, ay inisip niya parin na mas gugustuhin ko iyong ganito.

"Semper fidelis..." Ulit ko sa mga salitang nasa loob ng singsing. "Always faithful."

Hindi ko pa nakakausap ulit si Kevin simula noong iwan niya ako sa orphanage. I haven't had the guts to call him and apologize. Now, that I think of it... How he must've felt when he thought that I was choosing someone else over him. It must've been awful. To know that the person you love chose someone over you.

Kinuha ko iyong cellphone ko na nakapatong sa aking kama at hinanap ang contact ni Kevin. I don't know what to say... The continuous blinking of the cursor made my mind even more blank. I want to talk to him but I don't know what to say, and he's mad at me.

Can't Help Falling In LoveMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon