Wakas
"Kevin!" Padabog kong ibinaba ang controller ng aking PS4 sa couch nang marinig ko ang baritonong boses ng aking lolo mula sa living room ng aming bahay. Bago ako lumabas ay pinakiramdaman ko muna kung uulitin ba niyang tawagin ako o hahayaan niya akong gawin ang aking gusto sa sarili kong oras.
Nang hindi ko muling narinig ang aking pangalan ay dinampot ko ulit ang controller at nagsimulang maglarong muli ng Left for Dead. Wala pa akong isang minutong naglalaro nang bumukas ang pinto ng aking kwarto. "Kevin! Tinatawag kita." Sumimangot ako at nilingon si Lolo.
"Lo, you're such a kill joy. I'm playing." Reklamo ko at kinuha ang aking baseball cap. Ayaw ko na sanang sumama pero alam kong di ako hahayaan ni lolo na maiwan dito sa bahay. There's a party at our neighbor's house... Housewarming party, iyon ang sabi sakin ni mommy kagabi. Kaibigan daw ni lolo iyong magulang ng mag-asawa na bago naming neighbor, at high school batch mate naman sila ni daddy.
Naunang lumabas si lolo sa akin dahil sa di malamang dahilan ay excited siyang magpunta doon! Kung mas excited pa siya kaysa kina mommy at daddy, sana ay sila nalang ang nagpunta. "Kevin!" Rinig kong tawag ni Lolo mula sa labas kaya wala akong nagawa kung hindi sumunod sa kanila.
Because they live adjacent to our house, getting there was simple. Maraming tao, they look like they are very friendly people. "Katherine, Adrien!" Nakatawang bati ni Lolo doon sa mag-asawa na tingin ko ay mag-ari ng bahay.
"Tito Louie!" Nag-beso si Tita Katherine kay Lolo, nakipag-kamay naman si Tito Adrien. "This is my firstborn and probably the last of our legacy, Kevin."
"Good evening po..." I said politely bago nagmano sa kanilang dalawa. "You're tall, hijo... Ilang taon ka na?" Nakangiting tanong sa akin ni Tita Katherine.
"I'm turning 7 on January, po..." Napaatras ako ng kaunti ng biglang pumalakpak sa tuwa si Tita Katherine. "You're not much older! I have a 7 year old daughter! I think magkakasundo kayo..."
"Kate!" Tawag ni Tita Katherine sa isang batang babae na nakasuot ng sneakers at ballcap tulad ko. Iyong mahaba niyang buhok ay medyo magulo at nakaipit sa suot niyang ballcap na may nakalagay na kulay puti na check. "Ang gulo naman ng buhok mo, anak..." Reklamo ni Tita Katherine at tinanggal ang ballcap.
Sumabog pagbaba ang mahabang buhok noong bata, inamoy ni tita Katherine iyong buhok niya at ngumiwi. "My goodness, anak! Go take a bath! Amoy araw ka na!"
"Mama, mamaya nalang! Jon and I are still playing!" Reklamo niya, kahit tingin ko ay mas lalaki pa siya sa akin, ay malambing iyong boses niya. "Magmano ka muna kay Tito Louie..."
Humarap siya sa amin at tiningnan si lolo. When she reached for my lolo's hand, he chuckled. "Your daughter is pretty, Katherine. How old are you, hija?"
"I just turned 5." Aniya at nag-excuse para bumalik sa kanilang nilalari. "Pagpasensyahan niyo na ang anak ko, Tito Louie. Her cousins are here, tingin ko ay na-miss nila ang isa't isa... Nasaan po si Eduardo at Claudia?"
"They'll be here anytime soon... Na-traffic daw sila sa SCTEx." Lolo's smiling face is making me cringe a little. Bakit sa bahay ay lagi niya akong pinapagalitan, samantalang dito ay hindi mawala ang ngiti sa mukha niya? This is really, really, weird!
I didn't see that annoying kid after that because I went to Manila shortly after. Ang sabi ni lolo ay doon ako mag-aaral so I stayed there for a couple years but ended up back in the province. Pagkababa ko palang ng sasakyan ay nakaabang na si lolo sa front door ng aming bahay.
He's watching me like a hawk behindh is spectacles as I slowly got out of our car. "Saan kami nagkulang ng pagpapangaral sayo, Kevin?" He said, disappointed. "It wasn't my fault, lo..."
![](https://img.wattpad.com/cover/73467319-288-k962822.jpg)
BINABASA MO ANG
Can't Help Falling In Love
Romance(Filipino/English) Kate Adriana Estacio is not your typical office girl. She's not the kind of woman who wear heels, tight fitting top, skirt, and most of all... Not the typical office girl who goes head over heels her boss, who also happened to be...