Kabanata 11
Change
Around 6AM ay nakaalis na ang mga kaibigan ko para umuwi sa kanikanilang bahay. Pagkapasok ko sa loob ay inabutan ko si mommy roon na naghuhugas ng mga pinagkainan namin. "Wala ka po ba pasok, mommy? Ako na ang maghuhugas.."
"Maaga pa naman, anak.. You go to your room and rest.. Alam kong pagod ka."
"Okay, ma." Dumiretso ako sa kwarto at nilapitan ang kakapatay lang na screen ng phone ko. Dinampot ko iyon at tiningnan kung sino ang nag-text.
It was from Moira.
Moira:
Anong nangyari sa inyo ni Kev?
Ako:
Nagkatampuhan lang..
Ilang segundo lang ang lumipas ay naka-flash na ang mukha ni Moira sa screen ko. Tumatawag siya sa Facetime. Hinugot ko sa outlet ang phone ko at dumiretso sa kama bago sinagot ang tawag ni Moira.
"Ano ba ang nangyayari sa inyong dalawa?" She preambled. Wala ng hi or hello. "Sinabi ko sa kanya.."
"Ang alin.. Oh, my God, sinabi mo sa kanya?" Kita ko ang gulat sa mukha ni Moira dahil doon.
"Yes.. I told him I want it behind us. Like nothing ever happened.."
"And?"
"He said if that's what I want.. Yun lang at lumabas na siya ng kwarto."
"Damn, ano ba ang nangyayari sa inyo? I called him pagdating ko but he's not answering.. Jesus, Kate.. Bakit ganoon? Hindi ka dapat nagpa-dalos dalos.."
Umiling si Moira na para bang disappointed sa ginawa ko. "I also told him that I love him.." Nanlaki ang mata niya sandali. "Oh, my God? Tapos ay ganito? Nababaliw ka na ba?"
"He doesn't think of me romantically, Moira.. Mas mabuti na iyong malinaw ang usapan namin. Simula ngayon ay mag-m-move on na ako."
"God, Kate! Wala pa man din ay mag-m-move on ka na? And bakit mo naman pinangunahan si Kevin? What if, Kate.. You forgot about the what ifs.."
"Ayaw kong umasa sa what ifs, ate.. Those what ifs will only cause harm.. Ayaw ko ng masaktan pa."
"Bakit mo kasi pinapangunahan ang sarili mo? At pati narin si Kevin! What if naghihintay lang pala siya sayo.."
"Ate, alam ko.. Alam ko wala.. Kasi kung meron bakit hindi pa, dati hindi ba?" I saw a faint amount of realization on her face pero kaagad ay nawala rin iyon. "You will regret this one day, Kate.. I swear to you."
"Be my guest.. Ate, I'm really tired.. Mamaya nalang tayo mag-usap.." Tumango siya kaya pinatay ko na ang tawag. Agad rin akong nakatulog dahil sa pagod.
Isang katok ang gumising sa akin. Di ko namalayan na medyo madilim na pala. Ganoon pala ako kapagod? "Kate? Dinner na tayo.."
"Lalabas na po.." Naghilamos muna ako bago lumabas ng kwarto. Inabutan kong naroon na rin si Daddy at nagbabasa ng newspaper. Nagmano ako kay daddy at nagbeso naman kay mommy. "Hindi ka nag-lunch? Or hindi mo nabasa ang text ko na nasa microwave ang lunch mo?"
"Tulog lang po ako maghapon, ma.. Di ko po namalayan ang gutom sa pagod.."
"Is that so? Umupo ka na.."
Tahimik kaming kumakain, nakikita kong nagtitinginan ng simplehan ang mga magulang ko bago nagtanong si mommy. "Kate, kamusta ang trabaho?"
"Mabuti naman po.. Tingin ko ay ma-i-close naman po iyong deal na sinadya namin overseas.."
BINABASA MO ANG
Can't Help Falling In Love
Romance(Filipino/English) Kate Adriana Estacio is not your typical office girl. She's not the kind of woman who wear heels, tight fitting top, skirt, and most of all... Not the typical office girl who goes head over heels her boss, who also happened to be...
