Kabanata 54

4.2K 76 14
                                    

           

Kabanata 54

Blueberry


Habang ginagawa ko ang frosting noong cupcakes ay pasimple kong tinatapunan ng tingin si Kevin every 10 seconds. Nakahiga siya sa sofa at nanunuod ng kung ano sa TV, I think news. Tatlumpung minuto na simula nang magising ako ay narito pa rin si Kevin. Only God knows how long has he been here.

"Why are you here?" Ulit ko nang hindi ako nakatiis. Itinigil ko iyong paghahalo ng cream cheese at tiningnan si Kevin. Wala akong ibang maisip na dahilan kung bakit siya naririto ngayon. We're not exactly in the friendly mode as of the recent events.

Wala akong narinig na kahit ano kay Kevin. Umarte siya na para bang wala ako doon. "Why are you here?" Ulit ko.

"Stop asking." That's all I got, then he ignored me again. Nagpatuloy siya sa panunuod ng TV. Nag-isip ulit ako ng pwedeng dahil kung bakit siya narito sa apartment ko pero wala talaga akong maisip.

I shook my head then resumed with the frosting. Kung ano ang dahilan at naririto siya ay bahala na siya sa buhay niya. Wala akong balak mag-over think. Luto ang cupcakes ko at hindi iyon sunog. That's what matters to me the most right now.

Pagkatapos kong malagyan ang last piece ng red velvet cupcake ko ay nag-timpla ako ng coffee. Kevin must've smelt the coffee because I saw him walking towards the kitchen. "Meron ba?"

Tumango ako at tiningnan ang coffee maker. Sinundan ko ng mata ang likod ni Kevin. Kinuha niya iyong mug na kulay itim, iyong mug na palagi niyang ginagamit kapag nandito siya. He poured himself some coffee then took a seat across from me.

Tahimik lang akong kumakain ng cupcake at tiningnan siyang kumuha ng isa at kumagat. "Taste better." Yes, he's right. Cider vinegar iyong nawawalang ingredient na hindi ko maalala ko. Of all people, ay si Kevin pa talaga ang nakasagot ng tanong ko.

Tahimik kaming kumakain ng cupcake. Hindi niya ako tinitingnan, kung hindi sa cupcake ay doon siya coffee siya nakatingin. Something's off...

"Why are you here, Kevin?" I asked for the nth time. "Hindi ka talaga titigil kakatanong, no?"

"Sumagot ka nalang kasi..."

"I case you missed it..." Aniya at tingnan ako. Tumayo siya at iniwan iyong half-eaten na red velvet sa platito. "You looked terrible earlier. Parang isang tulak nalang sayo tutumba ka na sa sobrang antok..."

"But you were fussing about your cupcakes, knowing your curiousity... Alam kong mag-b-bake ka muna bago matulog. And then I thought..." Aniya at naglakad palayo sa akin. Kinuha niya iyong coate niya na nasa sandalan ng single couch at isinabit sa kanyang braso. "What if she bakes and then fell asleep?"

"Which you did." Aniya at dumiretso sa pinto para lumabas. Hindi ako nakaglaw dahil sa gulat at dahil narin sa mga sinabi niya. So, nandito siya dahil alam niyang makakatulog ako habang nag-b-bake?  What is he afraid of? Me burning down my apartment or me burning down with it?

Naramdaman ko ang pag-init nang aking pisngi. Bakit parang gusto ko atang kiligin?

Hindi ko na nagawa pa iyon dahil sumara na ang pinto at wala na si Kevin. I don't know what just happened... I shook my head. I shouldn't. I should start moving on, he's getting engaged.  I need to help myself to stand up again. 

Pagpasok ko sa office kinabukasan ay nagkakagulo ang mga officemates, nang buksan ko ang glassdoor ay tumingin sila sa akin at napatilig. Kumunot ang noo ko dahil doon. As I slowly made my way to where the commotion is, they detached from the group one by one, hanggang ang naroon nalang ay sina Myrcella at Margaery.

Can't Help Falling In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon