Kabanata 44

4K 59 8
                                    

Kabanata 44

Touch

The dinner was a blur! Excited na ang lahat para sa party! Kahit 10PM pa naman ang start ay nagdesisyon na kaming magpunta sa bar para mag-chill at doon na rin maghintay.

Wala akong dalang sasakyan, wala din si Kevin, kaya heto kaming dalawa at nakisabay kina Charles at Moira. Sa loob nang sasakyan ay tahimik kaming apat. "So, Kev... Mag-l-leave ba kayo ni Kate para next week? I don't want to bother you two but I know Moira will appreciate it if you guys are all there before and after the wedding..."

"I want Kate with me before and after! Please?" Ani Moira at hinarap pa kami, na para bang sinasabi na wala na kaming magagawa. "Sure, yeah. No problem."

"Yeah..." I second. Nilingon ko si Kevin, pero tahimik lamang siyang nagmamasid sa labas. Ang tanging ingay lang sa loob ng sasakyan ay ang pagtunog ng phone ko. Nang silipin koi yon ay naka-flash ang mukha ni Roose sa akin screen.

I ignored his called then stuffed my phone in my bag. "Why didn't you answer? I'm supposed to tell you to answer your phone, right?"

"But you're asking me instead." Irap ko. Ewan ko sayo, Kevin. Kanina ay hindi mo ako pinapansin pero ngayong may tumatawag sa akin ay saka ka magsasalita? What the hell, right?

"So?" Dugtong niya. "Why aren't you? You don't want Moira and Charles to know that you're already seeing somebody else?" Kevin said mockingly. My brows shot up and my arms crossed my chest.

"Seeing someone else?" Sarkastiko akong natawa dahil doon. "I'm still single, are you?"

"So am I!" He explained. Inikutan ko lang siya ng mata at nag-iwas ng tingin. "I told you Ellis and I are not together! Aling parte doon ang hindi mo naintindihan, Kate?"

"Let's stop this, okay? I'm tired of fighting with you."

Nagkaroon ng nakakabingin katahimikan sa loob, ganoon kaming apat hanggang makarating kami sa bar kung saan gaganapin ang party. "So... we're here." Rinig kong utas ni Charles pero nakababa na si Kevin kaya sumunod ako at hinigit ang braso niya. Pagkahawak ko palang doon ay nabawi na agad niya at hinarap ako.

"What the damn hell is your problem?" Galit kong tanong sa kanya. "I thought we're cool! Pero bakit gayan ka makaasta!"

"Just... Get out of my face, Kate." Inis na turan niya at iniwan ako sa labas. Nalaglag ang panga ko dahil sa pag-wwalk out ni Kevin. Seriously? Siya pa ang may ganang mag-walk out?

What the hell is his problem? Siya ang nauna! Why does he have to say unnecessary comments, tapos kapag binara ko siya ay parang bata siyang magmamaktol? Kevin is being ridiculous!

"You guys okay?" Ani Moira at hinawakan ako sa balikat.

"Same old..." Iling ko. Crap, I'm such a bad friend! This night is about Moira and Charles but Kevin is making this about me and him! Damn that boy! "Sorry you had to hear that. Tara na?"

Pagkapasok namin sa loob ay medyo kalmado pa ang lahat. It's still early for the whole place to be pumped with alcohol kaya may kanya-kanya pang mundo ang mga tao sa kanikanilang mga couches at tables. Nagpareserve nang dalawang VIP rooms sina Jeanne dito at isang mahabang long sofa para sa aming lahat.

Hindi kami nahirapan sa paghanap sa aking mga kaibigan, bukod sa ang ingay nila ay talagang marami kami ngayon. Tumabi ako kay Jeanne na agad namang nag-bigay sa akin ng shot glass. "Bottoms up, babe!" Aniya at pinagekis ang mga kamay naming dalawa. Wala akong nagawa kung hindi ang inumin ang shot na ibinigay niya.

Damn, Jose Cuervo! I hate this one. Masyadong mabilis makalasing ito sa akin. Ramdam ko pa rin ang init ng tequila sa aking lalamunan ay inaabutan na ako ni Jeanne ng panibagong shot.

Can't Help Falling In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon