Kabanata 12

5.8K 90 7
                                    

Kabanata 12

Business

Dumating na ang araw na kailangan ko ng bumalik ulit ng Manila. 4AM palang ay nakagayak na ako at pababa na ng hagdan. Naroon ang parents ko at hinihintay akong makababa. Ihahatid ako ni dad sa terminal or kapag may dadaan na bus sa highway ay doon na.

"Adriana, pinaglagay kita ng breakfast.. Kung magutom ka sa daan at di ka makakauwi ng apartment.." Ani mommy at nilagay ang isang tupperware sa brownbag at binigay sa akin. "Maayos na ba ang lahat ng gamit mo?"

"Yes, ma.. Alis na ako baka ma-late ako sa trabaho.. Pa, tara na.." Tumango si dad at inubos ang kape sa tasa. "Papa, bawal sayo ang kape, di ba? Mag-tsaa na muna kayo.."

"Ngayon lang anak, baka antukin ako sa daan.." Tumawa ako at kinuha ang bag ko. "Papa talaga.." Dumiretso kami sa kotse, inilagay ko ang bag ko sa passenger seat bago dumiretso sa front seat. Nasa loob na si dad at ni-start na ang sasakyan. Kumaway si mommy sa amin habang nakangiti.

"Take care, mom.."

"Ikaw rin, anak.. Wag kayo masyado mag-away ni Kevin. Di na kayo mga bata.." Umismid ako at muling kumaway habang iniaatras ni dad ang sasakyan.

"Adriana, anak.."

"Pa?"

"Mag-iingat ka palagi, ha? Hindi porket nasa tamang edad ka na ay palagi ka ng magpapagabi sa daan.. Hindi talaga ako lubos na sangayon sa pagpaparty ninyo ni Kevin pero dahil kaibigan mo naman siya at kilala ko naman siya ay nagtitiwala ako sa inyo.." Kumunot ang noo ko. What? Ano ang ibig sabihin ni dad doon?

"Dad, kalma.. Okay? Kaya ko na ang sarili ko.."

"Alam ko anak, pero hindi mo rin talaga maiaalis na mag-alala kami ng mommy mo.. You're far away from us.."

"Pa.." Nilingon ko si papa dahil mukhang paiyak na siya. "Hayaan niyo, madalas na akong uuwi para hindi na kayo mag-drama.. Kagabi ay si mama ngayon ay kayo naman? Pinagkakaisahan niyo ako, no?"

Mahinang humalakhak si papa at inihinto ang sasakyan sa tabi ng kalsada para makababa kami at makapag-abang ng sasakyan kong bus. Kaagad namang pinara ni dad iyong bus na dumaan. "Mag-iingat ka anak," Ani papa at niyakap ako.

"Kayo din po." Yun lang at sumakay na ako. Dumiretso ako sa bandang gitna. Medyo kaunti ang sakay kaya maraming bakanteng upuan. Dumiretso ako sa gitna at kinuha ang window seat. Ayaw kong maabala kung may makakatabi ako mamaya.

Mabilis ang naging byahe, dahil hindi naman lunes at hindi rin rush hour kaya naka-uwi pa ako ng apartment at nakapag-iwan ng gamit bago pumasok sa opisina. Nag-taxi ako papasok para hindi ako ma-late. Pagkababa ko ay binati ko ang guard. "Wow, ma'am! Ang ganda niyo!"

Ngumiti ako. "Thank you, kuya.. Akyat na ako."

"Sige po. Nariyan na rin po si Sir Kevin.." Tumango ako at pumasok. Tinatanong ko ba kung nariyan na si Kevin? Hindi naman lingid sa kaalaman ng The North na magkaibigan pamilya ko at ni Kevin at kaming dalawa ay matalik na magkaibigan kaya siguro ganoon nalang ang sabi ni Kuya Guard.

Pagkapasok ko sa aming department ay si Tristane ang inabutan kong nasa tapat ng photocopier. "Good morning, ma--Kate?"

"Good morning!" Bati ko. Kita ko kung paano tumaas baba ang mata niya sa akin. "What the hell are you wearing?" He asked weirded by me. Sinilip ko ang aking sarili. Sinuot ko iyong pencil skirt na nabili ko at isang puting long sleeve at isang itim na pointed toe.

"Do I look bad?" Ngumiwi ako.

"No! You look great even!" Tumawa siya. "Nagulat lang ako.. You are far from the Kate Adriana I saw last week! And you cut your hair, bagay sayo!"

Can't Help Falling In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon