Kabanata 51

4K 58 9
                                        

PLAY NIYO YUNG VID SA TAMANG PANAHON. xoxo Bae

---

Kabanata 51

Sorry


I was pulled out my Kevin-ful thoughts when Jeanne grabbed my arm. "Doon pa muna tayo sa kabilang side." Aniya at walang pagaalinlangan akong hinila palayo kay Kevin. Pinagtatawanan kami noong tatlong kolokoy noong kami ang nag-s-shoot. Ang sabi nila ay masyadong candid iyong mga pictures namin.

Noong silang tatlo naman ang nag-s-shoot ay tuwang tuwa din kaming tatlo. "Masyadong fierce ang mukha mo, babe!" Tumatawang puna ni Jeanne kay Scott. Tumawa lang si Scott at nagsimula nang ngumiti sa camera. Pasimple kong tinapunan ng tingin si Kevin na ngayon ay nakangisi dahil may sinabi sa kaya si Erik.

"Done!" Deklara ng photographer. "Girls, sumama na kayo sa kanila." Si Jeanne ay dirediretso ang lahat kay Scott sabay inayos iyong shirt niya. Si Raven din ay nakikipagbiruan na kay Erik. Which leaves me...

Hindi ko alam kung bakit ang bagal ng lakad ko papunta kay Kevin gayong naka-flats lang naman ako at di hamak na mas madaling ilakad kumpara sa heels ni Jeanne at Raven. "Sa likod ang guys at sa harap ang girls!" Sabi sa amin noong assistant noong photographer.

Nang hindi namin nakuhang pareparehas ang gusto niya ay siya na mismo ang nag-ayos ng aming posisyon. "You face him..." Sabi sa akin noong babaeng assistant. Pinaharap niya ako kay Kevin at ikinawit and braso ni Kevin sa aking bewang. "Wag kang titingin kay pogi, ha? Candid pa muna 'to." Bahagya pa akong itinagilid ni Ingrid para makita ang mukha ko sa picture bago sinenyasan ang photographer na ayos na.

Laking pasasalamat ko nalang at hindi ako kinakausap ni Kevin habang nagpphotoshoot kami. Kasi kung kakausapin niya ako ay baka kung anong klaseng mukha ang mangyari sa akin. Thank God dahil nanahimik na siya.

Ilan pang pose ang nangyari at natapos rin an gaming shoot. Mamaya na raw ang kasunod sa wedding. Si Jeanne at naka-kawit na ang braso kay Scott kaya agad kong nilapitan si Raven. "Mhmm... Why are you here with me?" Natatawa niyang tanong.

"Shut up. Let's go inside, mag-retouch na tayo... The wedding's starting in half an hour..." Totoong magsisimula na ang kasal sa loob ng kalahating oras, nakitang kong nagsidatingan na ang ibang bisita sa hotel dahil walang patid ang pagdating ng mga sasakyan.

Muli kaming umakyat sa kwarto ni Moira. Pagkapasok ay natahimik kaming tatlo nina Jeanne. "Oh, my God... You are so beautiful..."

Natulala sa kulay champagne na gown ni Moira. Her sweetheart neckline is adorned with crystals pababa sa kanyang sheathed skirt. The color of her wedding gown complimented her skin tone very well. Parang kumikinang ang kanyang balat dahil doon.

"You are so beautiful, anak..." Komento ni Tita Enid, lumapit ako sa kanya at niyakap siya ng makita kong dinampian niya ang kanyang mata. "Tita, mamaya na tayo umiyak, okay? Sayang ang master piece nina Jackie!" Tumawa si Tita Enid sa sinabi ko kaya hindi natuloy ang kanyang pag-iyak.

Natigil ang tawanan nang kumatok ang organizer, at sinabing kailangan na naming bumaba. Lumapit kaming tatlo kay Moira at niyakap siya. Ang mga magulang ni Moira ay nauna na sa Basilica of St. Martin de Tours.

"Are you sure you wanna do this?" Tanong ni Raven. "Dala ko ang susi ng sasakyan ko at pwede na tayong umuwi kung hindi ka pa sigurado kay Charles."

Ngumiti lamang si Ate Ira at hinawakan ang mga kamay namin. "This is probably the surest I have ever been in my life, Rave..."

"Well, then... Let's go! We have a wedding to attend to!"

Ang gusto ni Moira ay kasabay niya kami sa bridal's car, kaya naman kahit isa lang ang bride ay apat kaming sakay noon. "Natatandaan mob a kung paano nag-confess si Charles kay Ate Ira noong high school tayo?" Tanong ni Jeanne. Natawa ako dahil naalala ko kung ano ang nangyari.

Can't Help Falling In LoveMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon