Kahanata 6

7.1K 125 5
                                        

Kabanata 6

You Won

6am palang ay naka-check in kami ni Kevin para sa aming 8am flight papuntang Singapore. Magkatabi kami at ako ang naupo sa aisle seat. Tahimik si Kevin habang may earphones na nakapasak sa tenga at nakapikit. I didn't want to talk to him kaya binuklat ko iyong dala kong libro para maglibang.

Ilang sandali pa ay naramdaman ko ang kamay ni Kevin sa libreng kamay ko na nakapatong sa bag ko. Pinagsiklop niya iyon. Sinilip ko siya pero nakapikit siya at parang walang alam sa nangyayari. He used to do this all the time. Pero bakit ngayon ay naiilang ako?

Kahit ganoon, hinayaan ko si Kevin na hawakan ang kamay ko. Ngunit hindi ko iyon hinigpitan. Hinayaan ko siyang ganoon ang ayos.

"Kei.."

"Hmm?"

Hindi siya nagsalita kaya sinilip ko siya, pero gising siya at matamang nakatingin sa akin. "Bakit?"

"What happened to us?" Umigting ang panga ko at umiling. "Nothing happened to us. Anong pinagsasasabi mo jan?"

Alam kong gusto niyang pagusapan pero ayaw ko. Hanggat maaari ay ayaw ko ng ungkatin pa. Gusto ko nalang manatili ang lahat ng iyon sa kahapon.

Paglapag sa Singapore ay nalaman naming susunduin kami ng isang kaibigan ni Tito Eduardo at ihahatid sa hotel kung saan kami tutuloy. "Kamusta po, Ninong Albert?"

"I'm good! Jesus, ang laki mo na, Kevin! The last time I saw you was on your 7th birthday and that was ages ago!" Nakita kong lumipat ang tingin sa akin ng Ninong Albert ni Kevin kaya nagsalita ako.

"Kate Estacio, sir. I'm International Officer II in The Nor-"

"She's my best friend, ninong."

"Oh! Is that so?" Tumawa ang lalaki at nagpatuloy sa pagkukwento. "That's a big client you have there, Kevin. I suggest galingan mo, Singaporeans are sensitive. Ayaw nila ang naooffend. Ang sabi ni Eduardo ay iddate mo iyong si Claire."

"Dad wants me to date her.."

"I see.. Ang daddy mo talaga. Ilang taon ka na ulit, hijo?"

"26, ninong.."

Humalakhak ito at tiningnan kami ni Kevin aa rearview mirror. "Now, I know why.. Gusto ng magka-apo ng daddy mo, Kev!" Aniya at mas natawa. "Marrying age naman na ang edad mo and your parents are not getting any younger."

"Tito, dadating po tayo jan kapag nakatakda na." Bigla ay nilingon ko si Kevin. What the hell does that mean? Dati ay ang kadalasan niyang sagot ay he'll never marry ngayon ay ganito? Did he change his mind about marriage?

Bigla ay sumagi sa isipan ko iyong sinabi niya weeks ago. Na papakasalan niya ako kung gusto ko. Pinagalitan ko ang aking sarili dahil doon. Dammit, Kei!

"So, we're here. Pasensya na hindi ko kayo masasamahan mag-check in.. Susunduin ko kasi ang mga bata.."

"No problem, ninong! Thank you so much for your time." Ani Kevin at kinamayan ang matanda. Bumaling naman sa akin at nagbeso. "Maraming salamat po."

"Mag-ingat kayo. Call me when you need me, okay?"

Dala ang isang maliit na trolley ay pumasok kami sa loob. Inabot ni Kevin ang kamay ko at kinuha ang trolley. Ipinatong niya ang kanyang hand carry at siya ang naghila.

Hinayaan kong kausapin ni Kevin ang receptionist hahang ako ay binubusog ang sarili sa magandang tanawin. This hotel is marvelous. 5 star yata ito.

"Let's go." Nakiliti ang tenga ko ng bumulong doon si Kevin. Kaya hinampas ko siya. "Ano ba? Bakit ka ba bumubulong?" Para kasi akong kinilabutan sa paraan niya ng pagkakabulong.

Can't Help Falling In LoveMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon