Kabanata 3

8.1K 141 6
                                    




Kabanata 3
Hard

Dahil maayos naman na ang Hilux ni Kevin ay doon na kami sumakay papunta sa mall para mag-grocery. Diretso kami sa supermarket dahil iyon lang naman talaga ang ipinunta namin.

Naghila ako ng cart at itinulak iyon pero binawi iyon ni Kevin para siya ang magtulak. Umismid ako at sinilip na lang ang listahan. "Doon na muna tayo sa may mga meat." Kaya doon kami dumiretso. Kinuha ko ang mga nakasulat doon tulad ng pork chops at ground beef.

Sumunod ay doon sa mga dry goods. Busy ako sa paghahanap nang brand na gusto ni mommy para sa all purpose flour nang may makasalubong kami na kumare ni mommy. Ang alam ko ay ninang namin ito ni Kevin. "Adriana? Adriana!" Lumapit siya samin at hinalikan ako sa pisngi. "Kevin! Narito pala kayo!" Ganoon din ang ginawa niya kay Kevin.

Ipinahinga ni Kevin ang kamay niya sa aking balikat. "Kamusta po? Wala po dito sina mommy, ako lang po ang nauwi."

Nakita kong nagpabalik balik ang mata niya sa kamay ni Kevin na nasa balikat ko at sa aming dalawa. Humagikgik siya at tinampal ng mahina ang pisngi namin ni Kevin. "Kayo ba? Naku, paniguradong tuwang tuwa ang mga mommy ninyo!"

Agad ay pinalis ko ang kamay ni Kevin sa balikat ko. Pagak akong tumawa at umiling. "Hindi po." At tumawa ng mas awkward.

"Naku, ang mga kabataan talaga! Kunwari ay wala pero mayroon. Ayaw lamang ng commitment. Sige, mauuna na ako. Kukuha lang ako nito nasa counter na ang ninong ninyo." Aniya kumuha ng All-Purpose flour at kumaway sa amin.

Pinalis ko ulit ang kamay ni Kevin sa balikat ko. "Bakit ka ba nangaakbay?"

"Anong bago doon, Kei?" Di ko siya pinansin at nagpatuloy sa paghanap nang brand na gusto ni mommy. Damn! All these internal turmoils! It's got something to do about that night! Simula noon ay nag-iba na talaga! Kasalanan itong lahat ni Kevin!

Nang makita ko ang gusto ni mommy ay lumipat ako sa kabilang aisle para kunin ang kailangan ko doon tulad ng tomato sauce at iba pa pero hindi natuloy dahil hinila ni Kevin ang kamay ko at isinandal ako doon sa shelf nang mga chips. "Just wait for a goddamn moment, Kate Adriana.." Aniya sa mahinahon pero may diin na boses at kinulong ako doon.

"What hell is your problem?"

"Wala! Anong pinagsasabi mo?" I said then raised my brow. "Bakit ka ba laging galit? First, you refuse to answer my calls, and now you're almost always angry with me, bakit?"

"Ganito naman ako noon, ah? Anong problema? Anong bago sa pag-aaway natin?" Irap ko at tinulak siya para makadaan ako. Pero di niya ako pinakawalan. "Kate Adriana!" Aniya sa pagalit na boses. "Is this because of what happened? I'm sorry, okay?"

"You're over thinking, Kev. Tara na nga. Wala na iyon sakin. " Yaya ko at hinila ang kamay niya para di na magtanong pa. Pero binawi niya ang kamay niya sa akin kaya nilingon ko siya. Nag-iwas siya nang tingin habang nakakunot ang noo saka nagtulak nang cart.

Hanggang nakapagbayad ay wala na kaming imikan ni Kevin. Yayayain ko na sana siyang mag-lunch dito sa mall nang may nakasalubong kaming mga kaibigan noong college. "Uy, Kev! Kei!" Nakipag-high five sina Erik at Charles kay Kevin at sa akin. "Ngayon lang kayo nauwi dito a?"

"Busy, e. Nag-lunch na ba kayo? Sabay sabay na tayo." Yaya ko kaya dumiretso kami sa elevator para makaakyat at maghanap nang makakainan.

"Kamusta, mga bro? Itong si Kei dalawang beses kong nakita sa Manila pero itong si Kev?" Umiling si Charles at tumawa. "Mailap."

Can't Help Falling In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon